Part 16

9 1 0
                                    

Nang makapasok kami sa office ay naupo na kami ni Tita.

"Hindi na po ako magpapaligoy, Tita. Tungkol po sa scholarship na offer niyo, kukunin ko po 'yon. Napag-usapan na namin ni mama ito at doon muna kami sa mindanao pansamantala." Litanya ko.

Nakita kong lumiwanag ang mukha ni Tita at niyakap niya pa ako sa tuwa niya.

"Sige. Sige. Aasikasuhin ko muna ang papers niyo. Pwede naman kayo sa bahay tumira muna." sabi niya pa.

"Naku hindi na po. Maghahanap lang kami ng murang mauupahan. May income pa rin naman po ako." nahihiya kong tugon.

"Hindi na kita pipilitin kung 'yon ang gusto mo baka magbago pa ang isip mo." Nagagalak niyang sagot sa akin.

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon namin ni Tita El ay lumabas na kami sa office niya at tumungo naman agad ako sa pwesto ko.

Sinabi iyon ni Tita sa kanila ang napag-usapan namin. Pumunta naman ako kay Hannah at sinabi sa kanya. Parehas naman kaming inofferan ni Tita pero sa susunod na raw siya. Maya-maya'y lumapit si Alec sa amin.

"Hey, so lilipat na kayo sa Mindanao?" pambungad niya sakin. Tipid ko siyang nginitian at tumango.

"I will tell mom na same school nalang tayo nila Dre. It will be fun." Saad niya pa.

"Hmm. Kayo na ang bahala." Kaswal na sagot ko sa kanya.

Hangga't maaari ay ayaw ko talagang nalalapit sa kanya. Ayokong tibagin ang pader sa pagitan namin. Ayoko siyang makapasok sa buhay ko. Pero hindi ko naman pwedeng sabihin na ayaw ko siyang lumalapit sa'kin kaya hinayaan ko nalang.


Makalipas ang ilang linggo'y tapos ng asikasuhin ang mga kakailanganging papeles namin. At ngayo'y nandito na nga kami sa Davao. Bakasyon pa lang ngayon. Sa mga susunod pa na linggo ang enrollment. Ngayon ay hindi na ako sa botique nila nagtatrabaho. Sa production team na ako ng kompanya nakaassign. Sa ngayo'y humingi sila sa akin ng mga bagong designs. Sa susunod na araw ay tuturuan nila ako sa pagtatahi.

Dinadalaw rin kami nila Alec dito. Medyo close na sila sa amin nila mama. Minsan narinig ko na silang nagshesharing pero pinagsawalang-bahala ko nalang at hindi na ako nangialam pa.

God Bless the Broken RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon