Part 13

12 1 0
                                    

Ito ang araw ng opening nila. Suot ko ngayon ang isang floral maxidress na pinalooban ng closed-neck tops na color black na may sleeves na hanggang siko. Flats lang ang suot ko habang ang buhok ko nama'y messy bun ang style.

"Tara na, Han." Aya ko kay Hannah nang makalabas ako sa kwarto.

"Wow. Bakit messy bun? Parang out of place ata ang style na 'yan? Pero ang ganda mo, sa totoo lang." Namamanghang turan ni Hannah sa akin.

"Ano ka ba. 'Wag kang mag-joke ng ganyan. Tara na nga."


Nandito na kami sa venue. Hindi pa nagsisimula dahil on the way pa sila Tita. Nagsimba pa kasi sila, ewan ko lang kung bakit sila natagalan pero maaga pa naman. Alas tres pa lang samantalang mamayang alas kwatro pa ang start.

Inimbitahan nila kaming magsimba pero hindi ko pinaunlakan. Hindi ako sanay. Maging si Hannah ay ayaw rin. Mas pinili naming dito nalang dumalo.

Makaraan ang isang oras ay nakita na namin ang mga sasakyang parating. Marami sila. Hula ko'y mga kasamahan sila nila Tita. May mga dala ring instrumento. Baka may service?

Mayamaya pa'y nag-set up na sila sa mga gamit. Busy ang lahat. Hindi na kami napansin nila Tita at ng magkakapatid. Ayos lang din sa'min kasi nakakahiya naman kung magpapabida pa kami.

Matapos ang lahat ay pormal ngang sinimulan ang Opening. Silang magkakapamilya ang nasa may entrada ng dalawang palapag na building. Sila Tita at Tito namang ang gumupit sa ribbon. Pagkatapos gupitin ay nagkalat sa iba't ibang parte ng building ang mga kasamahan nila at nagdasal silang lahat. Hindi ko alam pero baka gaya rin sa'min, baka dedication 'to.

Pagkatapos magdasal ay nagkaroon nga ng kunting service. Ang magkakapatid ang tumugtog. Ang cool nilang tignan. Sa buong service ay nakatunganga lang kami ni Hannah. Hindi kasi naman alam ang mga kanta. Malay ba namin sa mga christian songs.

Pagkatapos ng service ay may salo-salo na. Do'n na kami napansin nila Tita. Sa totoo lang hindi lang naman kami ang outsiders kaya hindi gano'n katindi ang hiya namin.

"Hello, Ate Liah, ate Hannah buti nandito kayo. 'Wag kayong mahiya ha. Feel free." Nakangiting bati sa amin ni Alexandreia. Ngumiti lang din kami pabalik sa kanya.

Habang kumakain ang lahat at nag-eenjoy, napukaw ang atensyon ko sa tumugtog noong keyboard. Ang sarap sa tenga. Nang tinignan ko'y si Alec ang nando'n. Ang gwapo niyang tignan habang tumutogtog. Nang biglang may lumapit sa kanyang isang magandang babae. Ang aliwalas ng mukha. Ang ganda sobra. Nagkatinginan sila ni Alec. Ewan ko ba pero biglang kumirot ang puso ko nang makitang ang saya-saya ni Alec habang nagkikwentuhan sila. Agad akong nag-iwas ng tingin at bumaling kay Hannah.

Dumaan ang mga oras at napagpasyahan namin na umuwi na ni Hannah. Ayaw ko man pero kailangan naming pumunta sa table ng magkapamilya para magpaalam.

"Excuse me po Tita El, Tito, uh mauna na po kami." paalam ko sa kanila.

"Teka hatid ko na kayo." Suhestiyon naman ni Alec.

"Naku, huwag na. Ayos lang." agap ko naman.

"No. I insist. Dad, Mom hatid ko muna sila. I'll be back." Agad siyang tumayo at inaya na kami.

Wala akong nagawa. Hinayaan ko nalang.

Nang nasa sasakyan na kami, no choice ako. Sa passenger's seat ako umupo. Ayaw ko namang magmukha siyang driver namin, ayaw rin ni Hannah na siya ang umupo rito.

Tahimik naming binaybay ang daan patungo sa amin nang biglang magsalita si Alec.

"Did you enjoy the event, Liah?" Pagkuwa'y tanong niya.

"Oo." Maikling sagot ko.

"Hmm. May plano ba kayong mag-apply sa amin? We will be glad kung mag-aapply kayo."

"Titignan namin. Kelan ba pwedeng magpasa ng requirement?"

"Anytime you want. Huwag lang 25 hanggang January 2. Everyone is on vacation by that time kasi. Shutdown din ng company 'yan."

"Okay." Maikling sagot ko at hindi na nasundan pa ang mababaw na usapang iyon hanggang sa makarating kami sa lugar namin.

"Dito nalang kami. Salamat sa paghatid."

God Bless the Broken RoadWhere stories live. Discover now