Part 3

30 2 0
                                    

"Oo na. Tigil na. Kanina ka pa. Order na dali!" Sabi ko kanya.

"Ikaw na umorder. Maghahanap ako ng pwesto natin." Sagot niya naman.

"Psh. Oo na." Iniwan ko siya do'n at tumungo ro'n sa pwesto na pinagbabarbequehan.

"Anim na tuhog po ng isaw at apat na tuhog ng pork tsaka apat na order din po ng pastil na maanghang." Sabi ko ro'n sa tagalista ng order. Pagkatapos kong magbayad ay tatalikod na sana ako nang marinig kong may nagsalita sa may gilid ko.

"Miss magkano ang isaw niyo?" Tanong ng isang pamilyar na boses. Agad ko siyang binalingan at tinignan. Napakunot naman ang noo ko nang makita kong sa akin siya bumaling.

"Hindi ako ang tindera rito." Sagot ko at tinignan ang pwesto kung saan nando'n ang tagalista ngunit wala pala ito ro'n.

Napabuntong-hininga naman ako at binalingan ulit siya. "Maghintay ka lang saglit. Babalik din 'yon si Ate." Sabi ko at iniwan siya ro'n.


Agad kong hinanap kung saan nakapwesto si Hannah at laking gulat ko na nasa tabi ito ng grupo ng mga taong pinupuri niya kanina.

"Beees! Dito ka sa harap ko bes!" Tawag niya sakin nang may malaking ngiti sa labi.

Nang makalapit ay agad akong umupo at bumulong sa kanya. "Bakit dito pa?"

"Eh kasi naman. Sa gusto ko e. Nasa likod ko lang si fafi. Di ko kayang harapin kaya ikaw diyan sa harap ko." Sagot niya.

Agad naman akong napatingin sa may likod niya at oo nga may isang lalaki ro'ng nakatalikod sa kanya pero lumagpas ang mata ko't napunta sa kaharap no'ng lalaki at agad na nagtama ang tingin namin.

Ano na?! Napaiwas na naman ako ng tingin dahil dumagundong nang husto ang puso ko. Huminga ako nang malalim at taimtim na nagdasal na sana dumating na 'yong order namin.

Hindi naman nagtagal ay dumating na ang order namin at nag-umpisa na kaming kumain. Nakakailang dahil ramdam kong may tumitingin sa akin pero pinagsawalang bahala ko nalang. Naconscious tuloy ako sa suot ko.

Matapos ang ilang minuto'y natapos din kami sa pagkain. Nanatili muna kami ilang saglit at umalis din.



"Grabe. Hindi ko talaga malilimutan ang araw na ito, Liah!" Hestirikal na saad ni Hannah sa'kin habang nalalakad kami pauwi.

Tahimik lang ako sa buong oras na paglalakad. Si Hannah lang itong talak nang talak.

"Hoy ano ba?! Anyare sayo, dai?" Hinarangan niya ako sa paglalakad. Kaya napahinto ako. "Kanina ka pa tahimik at parang may malalim na iniisip. Share ka naman diyan." Sabi niya sa akin.

Malapit na kami sa bahay namin. Bumuntong hininga muna ako bago ko sinabi sa kanya ang totoo.

"Kasi 'yong lalaking naka-dark blue kanina.. S-siya ang customer ko kahapon na sinasabi ko sayo." Sabi ko sa kanya.

"Oh my Goooood!" Tumitili na ngayon si Hannah habang patungo na siya sa kanilang bahay.

God Bless the Broken RoadWhere stories live. Discover now