Part 2

53 2 0
                                    

"Besyyyyyyy!" Tiling sigaw ni Hannah, bestfriend ko.

"Ano ba naman bes. Ang aga-aga, nambubulabog ka." Inaantok ko pang sabi. Linggo ngayon at day off ko kaya kampante akong magising nang matagal. Kaso likas na alarm clock ang bunganga ng kaibigan ko.

"Gising na kasi. Tanghali na oh. Gagala pa tayo mamaya sa park." Tumabi siya sa'kin.

"'Di ko naman 'yon nakalimutan, ter. Sige na. Umalis ka na at babangon na ako." pagtataboy ko sa kanya habang bumabangon ako.


Agad akong naghanda para sa gala namin mamaya. Nakasanayan na namin na every sunday ay gagala kaming dalawa. At madalas siya ang gumigising sa akin dahil literal na tinatanghali ako ng gising. Katulad ngayon, alas dose na ng tanghali, wala pa akong umagahan dahil sa sarap ng tulog ko.

Agad akong bumangon at naligo. Hindi na ako nag-abalang kumain kasi kakain din naman kami sa park. Pagkatapos ko'y agad na kaming umalis ni Hannah. Hindi naman na ako hahanapin nila mama dahil alam nilang nasa park lang ako.



Pagkarating namin sa park, as usual, kain lang kami nang kain ng mga street foods. Paborito namin 'to. Habang bitbit ang buko at kwekkwek ay naghanap kami ng pwesto ni Hannah na pwedeng upuan.

Nang makahanap kami ay nagpatuloy kami sa pagkain. Habang kumakain ay biglang nagtanong ako kay Hannah.

"Hannah, may tanong ako." Basag ko sa katahimikan.

"Hmm?"

"Kasi ano. Nakakita ka na ba ng lalaking sobrang gwapo? 'Yong tipong parang pinaghirapan talaga at pinaglaanan ng panahon at oras ng Diyos para magawa?"

"Hmm. Marami naman akong kilalang gwapo. So, siguro nakakita na ako." Tumatangong sagot ni Hannah.

"Pero iba talaga e."

"Sino ba kasi 'yan Liah?" Tanong niya sa akin.

"Kasi ano... Uh... May bumili sa'kin kahapon do'n kela Aleng Merced. Sobrang gwapo niya talaga." Sagot ko.

"Aba! Babae ka na girl!!! Mag-party tayo!" Tumatalon at tumitiling sagot sa akin ni Hannah.

Agad naman akong napatakip sa aking tenga at hindi na maipinta ang mukha ko.

"Tahimik, Hannah. Ano bang ginagawa mo?!"

"Kasi naman girl! After 20 years, first time kong marinig mula sayo na may nagagwapuhan ka!" Tumitili pa rin siya.

Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Gano'n ba dapat ang i-react?

Ngiting-ngiti si Hannah habang naglalakad-lakad kami sa parke. Madilim na ngayon at maya-maya'y pupunta kami sa suki namin dito para doon kumain ng hapunan.

Palabas na kami sa parke nang may mahagip kaming grupo ng mga babae at lalaking naglalakad habang inaagaw ang pansin ng mga tao rito.

Sino ba naman kasi ang hindi makakapansin? 'Yong mga babae sobrang haba ng buhok. May iba ngang nasa talampakan na. Mahaba pa ang palda at longsleeves ang suot na damit. Ang gaganda tignan. Ang mga lalaki nama'y nakalongsleeve polo pa't nakaslacks at black shoes.

Sanay naman akong nakakakita ng mga ganyan dito pero iba ngayon. Nangingiti kong tinignan sila isa-isa nang napadako ang tingin ko sa isang lalaking may suot na color dark blue longsleeve polo na tinupi hanggang siko. Pagtingin ko sa mukha niya'y napatanga ako't napaawang ang labi. Ngunit agad din itong napawi dahil kumunot ang noo niya sa akin. Napaiwas ako ng tingin.

"Tara na Hannah. Punta na tayo sa kainan." Agad kong hinila si Hannah patungo sa pastil at barbeque na kinakainan namin dito.

"Grabe! Bes! Ang gagwapo't kay gaganda ng mga taong 'yon. Sana gano'n din ako. Sana tayo." Kanina pa niya pinupuri ang grupong iyon. Siya rin pala'y napansin ang mga taong iyon.

God Bless the Broken RoadWhere stories live. Discover now