Part 9

15 2 0
                                    

Agad akong naglakad patungo sa bayan. Bibili lang ako ng street foods at buko juice tapos uuwi na ako.


Kasalukuyan akong nasa nagtitinda ang ng street foods at kumakain nang makita ko ang mga taong papalabas sa simbahan. Tapos na ang pangatlong mesa ata sa araw na ito. Maraming pamilya ang nakikita ko. Masaya sila. Pinagmamasdan ko sila nang biglang nasagi sa isip ko, kailangan ba talagang sambahin ang Diyos? Hindi ba sapat ang paniniwalang mayro'n ngang Diyos at nagtitiwala at nagdadasal lang sa kanya?

Ganyan ang tanong ko noon pa man pero hindi ko alam ang sagot o baka naman alam ko na, ayaw ko lang talagang paniwalaan dahil sa sarili kong paninindigan.

Naglalakad ulit ako at sa bahay na destinasyon ko nang masagip ng mga mata ko ang grupong nakaupo sa bermuda ng park dito. Nagkakantahan sila.

Sila 'yong kahapon sa seminar. 'Yong lalaking kumausap sa'kin kahapon no'ng nasa buffet kami, siya ang may hawak ng gitara, siya ang tumutugtog.

"Alec, ibang kanta naman!" Pasigaw na sabi no'ng babae sa harap niya.

So, Alec pala ang pangalan niya. Ang gwapo no'ng pangalan, gaya niya.

"Anong kanta ba?"

"Hmmm. You are Good!" Suhestiyon no'ng isa pa nilang kasama.

Agad namang nagsimula si Alec sa pagtugtog.

Lord, You are good and Your mercy endureth forever
Lord, You are good and Your mercy endureth forever.

Ang gagaling nilang kumanta. Napangiti ako sa ginawa nila.

"Miss, gusto mong sumali?" Rinig kong sigaw.

Nakatitig na pala ako sa kanila. Agad naman akong natauhan at tinignan ang gawi nila at lahat sila'y nakatingin banda sa akin, agad naman akong tumingin sa likod ko at sa gilid at sa harapan ko pero wala naman akong nakitang may taong malapit sa akin.

Ibinalik ko sa kanila ang tingin ko at ngayo'y nakangiti na sila sa banda ko. Biglang uminit ang pisngi ko at medyo napahiya ako kaya umiwas na ako ng tingin sa gawi nila at agad na tumakbo. Bahala na.

God Bless the Broken RoadDonde viven las historias. Descúbrelo ahora