Part 11

13 1 0
                                    

"Hi Auntie Carms, magsimula na po kayong magbalot ng regalo. Ilang araw nalang po't pasko na." Sabi ni Hannah sa mama ko.

Oo nga pala, desiyembre na ngayon. Pero hindi ko lang man nadama. Isang linggo ang nakalipas mula no'ng tagpong iyon sa may parke.

Naniniwala ako sa Diyos, bahala sila kung anong tingin nila sa akin basta ako para sa akin kristiyano na ako kasi diba 'yon ang tawag sa mga taong nandito sa Pinas dahil tinagurian itong Christian country?

Araw ng sabado ngayon at pupunta ako sa bahay nila Aleng Merced. Maglalaba lang ako ro'n.

Hinanda ko lang saglit ang sarili pagkatapos ay tumulak na patungo sa bahay nila Aleng Merced kasama si Hannah.

Sa loob ng isang linggo'y kinahiligan ko na ang pagguhit ng iba't ibang desinyo ng mga damit. Marami-rami na rin akong nagawa at ngayon ko lang nalaman na pwede pala akong maging fashion designer. Nga naman sa katunayan, 'yan ang gusto kong maging sa paglaki kung sinuwerte lang sana ako sa buhay.

"Bes, nga pala mag-aapply ba tayo ro'n? Opening na nila bukas. Pupunta ka?" Tanong ni Hannah sa'kin. Hapon na nang mga sandaling iyon at pauwi na kami. Medyo napagod ako sa ginawa kong paglalaba kanina.

"Hindi ko alam. Wala akong pwedeng maisuot e." Sagot ko. Baka kasi bawal sa kanila 'yong pantalon kasi sa nakikita ko ay hindi sila sumusuot ng mga damit na iyon. Ayoko namang maging sentro ng atensyon sa gaganapin bukas.

"Ako rin e! Pero try natin bumili sa ukay-ukay." Nakangiting saad ni Hannah sa akin.

Agad naman akong napangiti. Minsan na akong bumili sa mga ukay-ukay at nakakita na ako ng mga magagarang palda na binibenta ro'n.

Kaya naman ay dumeretso na kami sa palengke. Habang naglalakad ay may nakabunggo na babae kay Hannah kaya agad namin itong tinignan kung sino.

"Sorry po, ate. Nagmamadali po kasi ako." Nahihiyang tugon ng isang magandang babaeng sa tingin ko'y nasa kinse anyos na.

Nginitian naman siya ni Hannah. "Okay lang 'yon beh. Tulungan ka namin para 'di ka mahirapan." Saad ni Hannah.

Marami-rami rin kasi ang dala no'ng batang babae. Baka nahirapan nga tapos nagmamadali pa.

Agad naman niyang tinanggap ang alok namin. Inihatid namin siya sa kung saan man nakaparada ang sasakyan nila.

"Oh ayan na pala siya!" Narinig kong sigaw ng isang babae kaya nilingon ko naman kung sino 'yon at nakatingin na pala ito sa amin.

"Anak, okay ka lang ba? Hindi ka ba nahirapan? Pasensya na naiwan ka ni kuya mo do'n, nalingat kasi siya akala niya nauna ka na." Agad na nilapitan no'ng ginang ang batang babae at hinagkan.

"Naku. Mama, okay lang po ako. Medyo mabigat po 'yong dala ko kaya nahirapan ako buti na lang nakita ko 'yong dalawang ate, tinulungan po nila ako, ma." Ngiting sagot sa kanya no'ng bata.

Agad naman kaming tinignan no'ng ginang. "Salamat sa pagtulong sa anak ko mga iha. Pagpalain kayo ng Diyos. Meryenda muna tayo?" Saad no'ng ginang.

Pinagmasdan ko ang dalawang babae sa harap ko. Kaya pala sobrang pamilyar kasi nando'n sila no'ng seminar.

"Naku okay lang po 'yon, uh—"

"By the way I'm Eloisa Monre. Pwede niyo naman akong tawaging Tita El. Ganyan ang tawag nila sa akin." Nakangiti niyang sagot.

"Uh, sige po tita El, mauna na po kami, may bibilhin pa po kasi kami dahil pupunta kami sa opening no'ng bagong botique dito bukas." Sabi ni Hannah.

Naku naman ang daldal talaga kahit kailan Hannah! Napairap naman ako at pinandilatan ko ng mata si Hannah.

"Ano'ng botique ba?" Tanong sa amin ni Tita El.

"Uh, 'yong clothing line po." sagot ko.

Bigla namang napangiti si Tita at nagkatinginan sila no'ng bata.

"Sama nalang kayo sa'min ate. May mga damit na hindi ginagamit si Ate Dre sa bahay. Sakto at ipamimigay niya ang mga iyon at kayo ang swak na pagbigyan ng mga iyon." Ngiting turan ng dalagita.

"Mag-apply kayo please. I will be glad kapag magtatrabaho kayo ro'n." Sabi sa amin ni Tita El.

"Huh? Ah eh. Baka hindi rin kami matanggap do'n, tita." sagot ko.

"The truth is, we are the owner. Kaya kung tutuusin pwede ko na kayong i-hire. Pero kailangan nating dumaan sa proseso. I like you two." Nakangiting saad niya.

Napanganga akosa sinabi ni Tita. Seryoso? Siya? May-ari?

"Hala Tita salamat po. Tatanawin naming utang na loob ito." naluluhang saad ni Hannah.

"Walang anuman 'yon. So, shall we? Punta tayo sa bahay para maibigay namin 'yong damit."

God Bless the Broken RoadWhere stories live. Discover now