Chapter 18 - Return

1.6K 136 46
                                    

Chapter 18 - Return


January 22, 2017

Davao City

10:19 am


"Teka, kanino namang buhay ang ipapalit namin?" Naguguluhang tanong ni Leon.


Umiling si Mrs. Amelia. "Hindi ko alam at hindi ko kayo matutulungan diyan. Kayo lang ang pwedeng magdesisyon tungkol sa bagay na iyan"


Mark and Hannah stared at each other. Sobrang bigat ng mga dibdib nila dahil tila pinaghihiwalay talaga sila ng mundo.


Natigil naman ang lahat ng may marinig silang gumalaw mula sa labas ng bahay. Para bang may nakatabig ng mga bote ng softdrinks sa labas.


Agad tumakbo si Leon upang tignan kung sino iyon. Nakita niya ang isang lalakeng tumatakbo palabas ng gate. He immediately ran to capture the man.


"SINO KA?" Tanong niya ng maabutan niya ito at mahawakan ang kwelyo.

"Wag niyo kong saktan, please! Wala akong masamang balak sa'nyo!"


"Kuya, anong nangyayari?" Tanong ni Mark. Lumabas silang lahat maliban kay Mrs. Amelia.

"Mark!!! Kaibigan ako ni Zeanna!" Sigaw nito na agad pumiglas sa pagkakahawak sa kanya ni Leon.


Mark frowned at him. "At bakit ka nandito? Where's Zee?"

"She sent me to follow you" Bumuntong hininga ito. "My name's Atlas and I'm a good friend of hers"

"Hindi ko maintindihan. Bakit ako pasusundan ni Zean?"

"Can we talk inside?" Tanong ni Atlas.


Tumango si Mark kaya pumasok na silang lahat. Kuya Leon's extra cautious. He doesn't know who this Zeanna is, most especially this stranger in front of him.


"Bakit ka nakikinig sa usapan namin?" Diretsang tanong ni Leon.


Umupo si Atlas sa sofa at bumuntong hininga.


"I know Zeanna should be the one telling you this but we don't have much time. Inutusan niya ko na sundan kayo at kausapin ka" Pagsisimula ni Atlas. "You have to know that Zee and I are not humans"


"Ano?" Gulat na tanong ni Mark.


"We died a long time ago but our souls remained here on Earth. Madami kami, isang grupo ng mga kaluluwang naninirahan sa katawan ng mga tao"


Biglang nagsalita si Mrs. Amelia. "Soul hunters"

"Exactly. Nabubuhay kami sa pamamagitan ng pagkain ng mga kaluluwang hindi pa natatatakan ng mga Dark Souls"

"I've met one" Sambit ni Hannah. "A girl"


"You mean, me?"

Dark Soul (Soul Series Book 2)Where stories live. Discover now