Chapter 1 - Whispers

17.5K 783 364
                                    

For anyone wondering, yes Hannah and Mark are still the protagonists of this story. Enjoy reading soulistas!

--------------------------------------


Chapter 1 – Whispers


January 4, 2016

Alabang, Muntinlupa City

7:15 pm.


Professor Arvin was just about to take a bite on his homemade sandwich when one of his students knocked on the faculty door.


"Ano?" Masungit na sagot nito.


Siya na lang kasi ang nagiisang professor sa faculty ngayon. 

Ang ilan ay umuwi na at ang iba naman ay nasa kani-kanilang assigned classroom.


"May klase po ba sir? Kanina pa po kasi kami naghihintay" Tanong ng top 1 na si Shaina.


Madalas kasing ginagawa ni Mr. Arvin ang hindi pumasok sa klase niya. 

Kilala siya bilang tamad at hindi nagtuturo ng maayos. 

Kaya nga napatawag siya sa dean's office kanina lamang umaga.


"Oo na. Pupunta na ko don. Maghanda kayo ng yellow pad, may quiz" Naiinis na sagot nito.

Nang nakaalis na si Shaina ay bumulong pa siya. "Bwisit. Kung hindi ko lang kailangan kumita ng pera, hindi ako magtitiis sa lecheng paaralang ito"


Tumayo na si Sir. Arvin at itinago na lang ang pagkaing hawak sa kanyang drawer. Kinuha na niya ang kanyang laptop at dalawang libro sa table pagkatapos ay lumabas na siya sa faculty room.

Maglalakad na sana siya ng may naalala siya.


"Punyeta, yung usb ko"


Bumalik na ulit si Sir. Arvin sa loob. Ipinatong na niya ulit ang laptop at mga libro sa table pagkatapos ay hinalughog ang drawer niya. Hindi niya talaga matandaan kung saan niya naipatong iyon.


Andun pa naman yung ginawa kong powerpoint para sa topic na idi-discuss ko after the quiz. Kailangan kong magpa-good shot kay dean kung gusto ko pang manatili sa trabaho ko. Tangna.


Bigla siyang may natapakan kaya naman napalingon siya sa paahan niya.

"Ayun!"


Kita niyang nalaglad pala ang usb niya at nasa tabi pa talaga ito ng trash can.


Buti na lang ay hindi nashoot dun or else, patay ako.


Yumuko na ang professor upang kunin ang usb ng bigla itong gumalaw. Para bang may humila papunta sa ilalim ng kanyang table.


"What the hell?" Gulat na sabi ni Sir. Arvin.

Thinking he was just mistaken, ay lumuhod ito upang maabot ang usb.

Dark Soul (Soul Series Book 2)Where stories live. Discover now