Chapter 16 - Fire

1.5K 121 26
                                    

Chapter 16 – Fire


January 20, 2017

Quezon City

12:58 pm


Matapos ang pakikipagkita kay Lola Rosita ay nagdesisyon naman sila Leon at Lea na dalhin si Hannah sa bahay nito sa Corinthian Gardens. Ang problema lang ay mahigpit ang security sa gate kaya hindi sila makapasok.

Si Mrs. Jenn lang at ang magulang ng dalawa ang maaaring makapunta sa loob ng subdivision.


"Kailangan po namin ng confirmation ng nanay niyo bago namin kayo pagbuksan ng gate" Ani ng guard doon.


But they couldn't ask their Mom for a favor. Malalaman ng nanay nila ang mga ginagawa nila. Magagalit iyon dahil may koneksyon pa rin sila kay Mark.


"Ah sige sir. Sunduin na lang po namin ang nanay namin" Sambit ni Leon.

Nagdrive na siya palayo dahil mukhang pinaghihinalaan pa sila na may masamang balak.


"I guess we can't go inside" Leon murmured.

"Nakakalimutan niyo yatang kasama niyo ako" Pagpapaalala ni Hannah.

"Right!!! She can bring one of us there!" Lea said.


Naghanap ng gas station si Leon at nagpark sa tapat ng shop doon.


"Ako na lang ang sasama kay Hannah. Babalik din kami kaagad" Pagdedesisyon ni Mark.


Hindi pa man nakakapagsalita ang magkapatid ay agad ng hinawakan ni Hannah ang wrist ni Mark.

Katulad ng nangyari sa Davao ay napunta kaagad sila sa loob ng subdivision.


"Eto ang bahay ko?" Gulat na tanong ni Hannah kahit na hinahapo pa siya.


Mark smiled at her. "Mayaman kayo dahil ilang taong naging Mayor ang tatay mo. Madami din kayong pagma-may aring lupa sa Davao"


Pinagmasdan ni Hannah ang buong bahay, then she went through the walls to open the door for Mark.


Napatitig lang saglit dito ang binata.

Naninibago pa rin siya tuwing umaasta ng ganon si Hannah. Para talaga siyang hindi na tao...


"Kami lang ng nanay ko ang nakatira dito?" Tanong niya.

"Oo..."


Nakatakip na ng mga telang puti ang mga gamit sa loob. Wala na kasing nakatira dito magmula ng makulong si Mrs. Jenn at mawala si Hannah.


"Anything?" Tanong ni Mark pagkatapos ng ilang minutong pagiikot.


Umiling lang si Hannah at umakyat na sa itaas. Tahimik na nakasunod sa likuran niya si Mark at pinagmamasdan din ang buong bahay. Ngayon lang din kasi siya nakapunta dito.

Dark Soul (Soul Series Book 2)Where stories live. Discover now