Chapter 2 - Travel

10.5K 593 175
                                    

Hey guys! Sorry for the hold-up. May mga naa-attract na kasi akong souls sa bahay. No kidding. It's a long story hahaha.


--------------------------------


Chapter 2 - Travel


February 13, 2016

Alabang, Muntinlupa City

9:31 pm.


"Magpakabait kayo ha mga anak" Naiiyak na sabi ni Sir. Arvin kahit na alam niyang hindi siya maririnig ng mga ito.


Tapos na ang binigay na 40 days sa kanya at isang minuto na lang ay lilitaw na ang babaeng nakausap niya.


Niyakap niya na ang kanyang asawa na bigla na lang tumahimik sa pagiyak. Tila ba naramdaman nito ang ginawa niya.


"Magiingat kayo" He whispered.


Lumayo na siya at lumabas na sa kanilang bahay. Saktong-sakto ay nakatayo na doon ang babaeng nakaitim.


"Handa ka na?" There's a hint of laughter on her voice.


Tumango si Sir. Arvin at lumapit na sa kanya. Iyak siya ng iyak kaya hindi niya namalayang umalis na pala sila sa mundong ibabaw.


Pagmulat ng kanyang mga mata ay ang dilim-dilim na. Lampara lang sa kamay ng babae ang nagsisilbing ilaw sa daan.


"Nasaan tayo?"

"Maglalakbay tayo papunta sa impyerno" Simpleng bulong nito.


Kinakabahang sumunod si Sir. Arvin. Lingon siya ng lingon sa paligid dahil kung ano-ano ang kanyang naririnig. Mga angulngol ng aso at sigaw ng mga tao.


"Akala ko kapag namatay ang isang tao ay diretso langit o impyerno na. Sabi pa nga nila may purgatory pa"

"Totoong may purgatory"


Hinawi ng babae ang mga sanga sa daan. Habang lumalayo sila ay palambot ng palambot ang lupa. Nagiging maputik ito at pakiramdam ni Sir. Arvin ay lulubog siya kapag tumigil sila sa paglalakad.


"Bakit hindi tayo doon pumunta?" Takot na takot na tanong ni Sir. Arvin.

"Dahil hindi ka nararapat don. You belong in hell"


The lady even smiled at him.


Natutuwa siyang masusunog ang kaluluwa ko?!

Hindi! HINDI PWEDE ITO!


Habang naglalakad ang babae ay tumakbo siya papunta sa dilim. He's hoping he can go to the doors of heaven or in purgatory.

Dark Soul (Soul Series Book 2)Where stories live. Discover now