Chapter 3 - Victims

10.8K 570 324
                                    

Chapter 3 - Victims


March 6, 2016

Davao City

3 pm


Dumalaw si Mark sa Davao upang bisitahin ang puntod ni Hannah. Walang lamang kabaong ang inilibing nila dito para sa ala-ala ni Hannah.


"Kamusta ka na kaya?" Tanong ni Mark sa hangin habang tinititigan ang mga bulaklak na dinala niya para dito.


"Nasaan ka na ba, Hannah?"


Madaming pinagdaanan si Mark. Nadepressed siya ng ilang araw dahil sa pagkawala ng babaeng minamahal niya. Sinisi niya ang sarili at nagtangka pa ngang magpakamatay ngunit ng marealize niyang mababalewala ang sakripisyo ni Hannah ay unti-unti siyang bumangon at nilakasan ang loo.


"Sana magparamdam ka man lang kung ayos ka"


Hanggang ngayon ay umaasa siyang babalik ito at magkikita sila.

Buong katawan ni Hannah ang kinuha ng mga Dark Souls kaya imposibleng patay na ito.

Humiga siya sa grass at tinitigan ang langit.


"Miss na miss na kita, Hannah"


***


Napalingon si Hannah sa likuran niya. Tila ba may tumawag sa kanya.


"Libro"


Tinignan niya ang lalakeng naka-black coat bago niya ibinigay ang librong hawak niya. Lahat ng tagasundo na katulad niya ay may hawak na sariling libro. Doon inilalagay ang mga pangalan ng mga kaluluwang aasikasuhin nila.


Naghintay siya ng ilang minuto bago ito ibinalik sa kanya.

Sampung pangalan para sa araw na ito.


Ito na naman. Bakit ba kasi hindi na lang automatic na diretso hell ang mga pesteng ito? Bakit kailangang may vip service pa na pupuntahan sila at tatatakan upang masabihang may 40 days na lang silang natitira sa mundong ibabaw?


Palagi na lang siyang nagrereklamo dahil paulit-ulit na lang ang ginagawa niya. Nagtataka nga siya dahil ang mga kasamahan niya ay hindi nakakapagisip ng ganito. Tanging siya lang ang nabo-bored.


"Kamusta yung babaeng sinunog ng asawa niya?" Natatawang tanong niya sa kasamahan niya ngunit hindi ito umimik. Naka-poker face pa.


She pouted.

Naisip niya tuloy ang sinabi ni Sir. Arvin sa kanya last month.


Hannah? Talaga bang pangalan ko iyon? Pero wala naman kaming mga pangalan. Number lang.

I'm no. 158.


Nakasimangot na naglakad si Hannah papunta sa lagusan. Masaya siya tuwing nakikita ang mga tao. Napapagmukha niyang tanga ang mga ito ng walang kaalam-alam. Madalas niyang pinagtitripan ang mga ito.

Dark Soul (Soul Series Book 2)Where stories live. Discover now