Chapter 8 - Heartbeat

1.9K 166 39
                                    


Chapter 8 - Heartbeat


November 1, 2016

Manila

10:06 pm


Nagulat ang hired killer ng bigla nitong mabitawan ang baril niya.

Kahit si Mark ay nanigas sa kinatatayuan niya ng ilang segundo.


"Shit" He heard the killer say.


Agad tumakbo ito upang kunin ang baril ngunit hindi niya ito maiangat sa sahig.

Tila nakadikit ito sa lapag kaya kahit na anong hila niya o sipa dito ay hindi ito gumagalaw.


Little did he know, Hannah's using her dark powers again.

Hindi niya ito nakikita kaya wala siyang kaalam-alam.


Mark stared at the killer, confused at what he's seeing before he decided to grab the man's collar and punch it in the face. Natanggal ang suot na mask nito at nagdugo ang mga labi ng masuntok pa ng ilang beses.


"Sino ka at bakit mo ko gustong patayin?" Tanong ni Mark.

"NAPAGUTUSAN LANG AKO!" Sigaw nito sa takot.

"NINO? SABIHIN MO!" He shouted back.


But the guy remained quiet. Pinikit lang nito ang mga mata ng mariin.

Mark punched him again. 

Sinubukan pang lumaban ng lalake ngunit mas malakas si Mark.


Then they heard another gun shot from afar.


Napayuko si Mark at gumapang ng mabilis papunta sa likuran ng isang puno.

Pinaulanan siya ng mga bala ng baril kaya hindi niya napigilan ang pagtayo ng lalake at pagtakbo nito papunta sa kotseng itim na bigla na lang tumigil sa harapan.


Hannah's determined to find out who the killer is. Susundan niya sana ang mga ito ng biglang umilaw ang librong hawak hawak niya.


Nasilaw siya at nabitawan ito.

A second later, everything's quiet.


Kinuha niya ulit ang libro at nagulat ng wala na ang pangalan ni Mark.


Doon lang pumasok sa isip niyang mali ang ginawa niya.


Lubos na pinagbabawal sa mga Dark Souls ang paggamit ng kanilang itim na mahika.

Tanging taga-sundo lang talaga sila ng mga kaluluwa sa mundong ibabaw.


Napalunok siya sa kaba at napatingin kay Mark na hingal na hingal ngayon.


Sino ka ba talaga at bakit nawala ang pangalan mo sa listahan ko?


Dark Soul (Soul Series Book 2)Where stories live. Discover now