Chapter 10 - Strange

1.5K 130 20
                                    

Chapter 10 - Strange


November 6, 2016

Manila

5:31 am


Lea suddenly felt very cold. Nagtakip pa siya ng kumot ngunit talagang giniginaw siya kaya kinapa niya ang table sa gilid at kinuha ang remote ng aircon.

She turned it off and was about to go back to sleep when she heard a child's laugh.


Napamulat si Lea sa gulat.

Sino yon?


Ang tagal niyang nakinig ngunit wala na ulit tumawa kaya napagisip isip niya na baka dulot lang ng antok ang narinig niya.


Niyakap niya na lang ang unan at pumikit na ulit ng may bata na namang tumawa.

This time, she also heard the little girl ran at their hallway.


Napaupo siya at agad binuksan ang lampshade.

Imposibleng magkaroon ng bata sa bahay nila.


Again, the girl laughed. 

Agad tumayo si Lea at binuksan ang pintuan.


Her eyes widened when she saw the little kid ran towards the stairs.


"What the heck? Kaninong anak yon?"


Hinabol niya ang bata papunta sa ibaba ngunit pagbukas niya ng mga ilaw ay nawala na ito na parang bula.


"Nasaan na yon?" Bulong niya sa sarili habang chinecheck ang bawat sulok ng bahay.


Then she heard laughter again.

Nakita niya ang bata na tumatakbo papunta sa dulo. Binuksan nito ang pintuan at pumasok sa loob.


"HALA! WAG KANG PUPUNTA SA BASEMENT, MADUMI DIYAN!" Sigaw ni Lea sabay takbo. She went downstairs and found the child, sitting at the floor.


Nakatalikod ito at ngayo'y umiiyak na.

Napagisip isip ni Lea na baka kapitbahay nila ito at napadpad lang dito ang bata dahil sa kakulitan.


"Hey kid, stop crying. I'll drop you off your house" She told the girl.


Lumapit siya dito at hinawakan ang balikat ng bata.

The little girl suddenly stopped crying.

Bigla itong tumawa.


"Die" Sambit nito sabay tingin sa kanya.


Napasigaw sa gulat si Lea ng makita ang nakakatakot na mukha ng bata.

Sunog ang kalahati pagkatapos ay itim na itim ang mga mata nito.

Dark Soul (Soul Series Book 2)Where stories live. Discover now