"Sino ba kasi yon? Tignan natin kung bakla ba talaga?"usal niya.

"Wag!.. nakakahiya..baka mahimatay ako!"

-___-

"OA mo sino ba kasi?"tanong niya.

"Di mo siya kilala pero sige pag nakita natin ay ipapakilala ko."gigil na sabi sa kanya "pero ngayon nagugutom na ako sa canteen muna tayo."

Nang makapunta sila sa canteen ay si Caryl na ang nag-order sa pagkain nila, nakita niya naman si Cheska na halatang pagod sa di kalayuan naman ay si Jade na puyat na puyat.

0_0?

Kinawayan niya ito para palapitin sa table nila at nakita naman nila at padabog naman umupo si Cheska at tumabi naman si Jade na parang wala sa mood.

"Anong nangyari sa inyo?"tanong niya sa dalawa

"Lowest ako kanina e"sagot ni Jade "Malay ko bang ibang notebook ang pinag-aralan ko."nanlumong sagot sa kanya.

"Nagugutom na ako sa kahihintay ni Nathan pero hindi man lang tumawag"sagot ni Cheska.

"Baka busy?"tanong niya.

"Anong busy? Nakita ko siya kanina may kasama!"

"Baka pasyente lang?"usal niya pa.

"Anong pasyente? May pasyente bang nakatayo at hawak hawak ang kamay ni Nathan na nagnining pa ang mga mata?"

"Baka nagpasalamat? I..mean nagpapasalamat dahil gumaling siya."depensa niya sa kapatid

"Hindi yon ang nakikita ko sa kanila"naiiyak na sabi ni Cheska sa kanya."May something sila!".

-__-.

"Baka wala naman"depensa niya.

"Meron! Meron!"wika ni Cheska

"Oo meron na meron na! At maganda ang babae kesa sayo! ..Iwan ko sayo jan."inis na sagot niya.

"Ang sama mo Sabby"nakangusong usal sa kanya."Naiinis na talaga ako jan sa kuya mo."narinig niya naman na kumulo ang tiyan nito."Ginutom ako sa inis."bigla naman ito tumayo at nalapitan si Caryl na naka linya.

-__-.

Tinignan niya si Jade na hindi parin naka move on sa nangyari.

"Ayos lang yan Jade may susunod pa bawi ka nalang."pagpapagaan ng loob dito.

"Nakakahiya ngayon lang ako nakaranas ng ganon...bakit sa college pa"nanlulumong sagot nito hinagod niya nalang ang likod nito.

Naalala niya naman kung paano sila naging magkaibigan ni Jade dati, ito yung tipo na studyante na lakas mag-aral kasama si Cheska. Minsan narin silang nag-away dahil sa pagiging honor student nang ipinalipat siya ng ama niya ay naging magka-away silang tatlo ni Cheska at Jade.

Dating top 1 si Jade samantalang si Cheska ay top 2 at hindi ito nagkakasundo hanggang sa dumating siya ay mas nasira pa niya ang lahat dahil siya na ang bagong top 1 si Jade ang top 2 si Cheska ang top 3, kaya hindi niya ito masisi kung nagkakaganito ito ngayon dahil hindi pa ito nakakaranas na makakuha ng maliit na puntos.

Mga ilang sandali ay nakabalik na ang dalawa at nilapag ang apat na burger, softdrinks, fries at hotdogs.

"Gutom na talaga ako you know?"nakangiting usal ni Caryl

"Kami rin " sabi ni Cheska.

"By the way sama kayo samin mamimili ng dress for the party."usal ni Caryl naka-thumbs up naman si Jade.

"Sure "usal ni Cheska sabay kuha sa burger sa gilid nang may nakauna na itong kumuha mula sa likuran nila.

Napatingin silang apat sa likuran nakita naman nila ang grupo ni Danica at hawak-hawak pa nito ang burger na inagaw pa ni Cheska.

Still Into You (COMPLETED)Where stories live. Discover now