>•<








PANAY LIPAT ng channel si Ren hindi niya nagustuhan ang mga palabas.

"Akala ko ba celebration to? Bakit sila lang ang nagsasaya?"tanong niya kay Mark.

"Well magsaya ka rin."sagot nito at tinignan niya lang ng masama pero ngitian lang siya."Alam mo hindi ka talaga makakasali sa kanila sa labas kung nasa loob ka at nagmumukmok."

"Tss. Pangbata lang naman ang laro nila."reklamo pa niya.

"Pero naiingit ka naman?"panunuya ni Mark.

Naiinis kasi siya! Kalalabas niya lang galing sa terrace para lumanghap ng hangin ay nakita niya agad si Sabrina sa gilid ng resort nagtatago sa manga na natatambakan ng malabundok na buhangin at panay gapang pa nito sa lupa para di makita ng taya, pupuntahan niya sana para gulatin pero sumisigaw ito kaya napatingin siya ulit sa kinaruruonan nito at nakita niya ng magkayakapan na sila ni Rence? Kaya tinalikuran niya nalang ito at bumalik sa loob.

What a nice view!.

Nang dumating ang hapon ay napag-isipan nila ang magsalo-salo  nagsalita naman si Mark.

"Magsaya tayo ngayon alam niyo bakit?.. kasi kahapon lang inilabas ang MV ni Ren sa Youtube!"uminom naman ito bago magsalita "And!!...umabot agad ng dalawang milyon ang views!..ang bilis.."nakangiting wika niya"Ang ibig sabihin ay napakagaling ko talagang manager ni Ren!".

"Ha bakit naman ikaw?"tanong ni Mars na make-up artist niya.

"Ako ang magaling! Wala na iba! Ako ba naman ang maghanap ng kapartner nita sa MV na iyon!"pagyayabang nito.

-__-

"Bakit ikaw lang!?"reklamo naman ni Rence"Ako ang pinakamagaling sa lahat!..dahil ako ang nag-ayos kay Sabby!hahaha!"

-_0

"Anong ikaw? Ako kaya?"sabi ni Mars.

"Ako! Kaya! Di ba Sabby?"giit niya pa.

Sabby?

Ngiti lang ang isinagit nito na nahihiya pa inakabayan ni Rence si Sabrina ngayon niya lang napansin na magkatabi pala ito.

"Thank you Sabrina..sa tulong mu sa MV ni Ren!..wala man lang thanks jan?"parinig ni Mark sa kanya.

-__-

Di niya lang pinansin ito at patuloy parin sila sa kasayahan nila narinig naman nila ang isang tili mula sa likuran nila sa sobrang lakas ay napatakip siya masyadong malakas!.

"O..M..G!!wahhhhhhh!!! Si Ren!!!!"hindi niya nalang ito nilingon hanggang kailan ba siya magsusuot ng disguise para makaiwas man lang sa mga fans niya?"And look!!? Si Sabrinaaaa!!!!!wahhh!!"napalingon naman siya kay Sabrina na ngayon ay nakatingin sa likuran niya na panay ngiti, taas kilay naman niyang tinignan ang likuran niya.

Napansin niyang ito ang kaibigan ni Sabrina na may-ari ng resort tumayo naman ang dalaga at nilapitan ang dalawa.

"Sabrina bakit dimo sinabi na nandidito ka? At wahhh!!! Kasama mo ang Baby Ren natin!!"tili ng isang babae na ngayon niya pa nakita. "OMG tumingin siya sa akin!wahhh"tili niya pa, napailing nalang siya at humarap ulit sa lamesa nila.

"Shit! Nandito sila."mahinang usal ni Mark sa sarili pero dinig niya.

Baka in love nato sa kaibigan ni Sabrina?

-__-








NAISIPAN nilang magkakaibigan na matulog sa iisang kwarto lang si Cheska naman ay panay reklamo kung bakit di niya ipinaalam na kasama niya si Ren, si Jade naman ay panay paganda baka daw mapansin ni Ren.

Still Into You (COMPLETED)Where stories live. Discover now