Pagkatapos ay bumalik na siya sa kinalalagyan nila Ren at mga kasamahan niya hindi parin mawawala sa isipan niya ang ginawa ni Lexza sa kanya masyadong galit na ito sa kanya.

Si Ren ba ang ikinagagalit niya?

Naabutan niya naman si Ren na nagsisimula na sa commercial nito hindi niya pala naabutan ito, natagalan siya dahil sa nangyari sa kanila ni Lexza.

Umupo nalang siya sa pinakagilid wala muna ngayon si Mark may inayos daw ito si Rence naman nandito nga pero hindi siya pinapansin, hindi niya rin sinabing pansinin siya pero..nababaguhan lang siya sa binata kahit papano ay naging kaibigan sila.

Halos isang oras din siyang naghinatay kay Ren at hawak niya parin ang cellphone nito, papalapit naman ito sa kanya na wala man lang emosyon sa mukha. Bakit ba lahat na nakikita niya ay parang nawawalan ng gana na makita siya?

"Hoy cellphone ko."sabay tapik sa braso niya napadaing naman siya sa sakit dahil sa ginawa nito."Bakit?..mahina lang yong ginawa ko."sabi ulit sa kanya ng binata.

Sa halip na sagutin ito ay binigay niya na ang cellphone nito at agad kinuha naman.

"Ang tagal mo..hindi naman mabigat ang cellphone para pasanin mo at ikakasakit sa braso mo."naiinis na wika sa kanya ni Ren hindi niya lang ito pinansin pagod siya ngayon masakit ang dibdib niya sa ginawa sa kanya ni Lexza.

Napatingin naman ito sa braso niya at hinawakan ito.
"Napano yan?"

"Wala lang to..nahulog lang ako kanina.."palusot niya di na kailangan pang sabihin ang totoo nangyari narin lang naman.

"Nahulog pero marka ng kuko ang nakita ko?"nagdududa na wika sa kanya ni Ren.

Inawaksi niya nalang ang braso niya at tumayo saka ngumiti.
"Ano pa ang kailangan mo? Baka nauuhaw kana? Tara?"pag-iiba ng kwento pero napaisip naman siya sa pinagsasabi niya kung makapagsalita ay close kayo?? E amo lang naman niya.
"T-tara na.."sabi niya rito mabuti nalang at hindi pumalag ito sa kanya at nagtungo na kwarto parang thrailer lang.

Mamaya gagamutin niya itong pasa sa braso niya baka maagapan pa.








NABABAGUHAN si Ren sa kinikilos ngayon ng P.A. niya di niya nalang inintindi baka pagod lang at mas pagod siya dahil hindi niya gets ang pinagsasabi ng instructor kanina.

Pumasok nalang sila sa maliit na room niya para ayusan at magpahinga ng ilang minuto, nakita niya naman si Rence na nakaupo lang sa plastic chair at ngayon ay nakatingin sa kanya.

"Rence nandito ka..long time no see huh?"ngumisi lang ito sa kanya umupo narin siya sa tabi nito "kumusta Ayos na?"nag-alalang tanong niya pero sa nakikita niya ngayon ay ayos lang naman ito.

"Yeah ayos na ayos..pinapunta ako dito ni Mark bilang kapalit niya ngayon..akala ko magkakaproblema na naman pero wala naman pala."

"Tsk..wala namang problema."sagot niya.

"Ayos kana ngayon?"tanong ni Rence kay Sabrina napamaang naman siya bakit naman mag-alala si Rence nito?.

"Hindi ko siya pinapahirapan bilang P.A."siya nalang ang sumagot kesa ang dalaga.

"Alam ko naman yon.."nakangiting tugin ni Rence sa kanya "Masakit paba?"tanong ulit nito kay Sabrina naiinis naman siya ano bang masakit sa Sabrina na yan? Bakit kailangan pang itanong? Nakangiti lang si Sabrina sa kanya.

"Ayos lang ako salamat kanina."

"Ano ba ang nangyari?"naguguluhan niyang tanong.

"Ahh...si Lexza nabangga ko kanina at..natapunan ng--"

Still Into You (COMPLETED)Where stories live. Discover now