Chapter 35 (Pride is never Dignity)

1.2K 25 1
                                    

I started working again at ngayon inaaprubagan ko ang mga bagong designs ng sapatos na ipinasa sa akin kahapon ng mga designers from Paris. Pakiramdam ko kasi, mas malakas ang market kung signature ang bawat sapatos na ilalabas sa susunod na fashion week. An international fashion designer offered me to have my shoes worn at his runway at ‘di pwedeng palagpasin ang pagkakataon.

Buti na lang, mapagkakatiwalaan si Gigi na long-time assistant ko na din pero sa ibang branch nakaassign. Pinabalik ko ulit siya dito sa Ortigas para naman mas maging maayos ang trabaho ko. She keeps me grounded… and yes, kaibigan ko rin siya kaso naging busy nga lang siya kasi nag-asawa at nanganak. Anyways, almost seven years na siyang nagtatrabaho sa company namin and I love the fact that her loyalty is with me, and not with my mom.

Oo, galit pa rin ako kay mommy, pero ganun talaga eh, tao lang ako at nasasaktan. I still can’t accept the fact na ipinipilit niya sa akin na kausapin ko si Christian. I mean, come on! Siya ang kahuli-hulihang taong gugustuhin kong makita. Nakakainis man, pero dapat ko na siyang kalimutan dahil maraming trabaho ngayon. Tambak ako sa paperworks.

“Isang taon lang ako nawala sa’yo, Aly pero anon a ang nangyari sa buhay mo? I can’t believe na mahal mo pa rin ‘yang lalaking ‘yan eh college ka pa lang alam kong patay na patay ka sa kanya. Nalaman-laman ko pang naaksidente ka, and hindi kayo bati ni Ma’am.” Gigi pouted as she gave me the steel metal clipboard na may lamang receipt from the supplier.

“ Oo, at naiinis ako kasi hindi maintindihan ni mommy na dapat hindi ako makipag-ayos kay Christian! Nag-away kami ng best friend ko kasi malamang kakampi siya sa kuya niyang walang kwentang tao!” She laughed at siya lang ang nakakagawa niyang kahit seryoso na ang usapan.

“Feeling ko kasi, sarado ‘yang isip mo. Ano ba naman ang pakinggan mo sandal si Madam, ang best friend mo at ang pinakamamahal mo. Kanina mo pa sinabi na gusto nilang mag-explain at sa tingin ko dapat making ka muna. You can hate them afterwards pero give them a chance, Aly. Maiksi ang buhay at dapat mapagpatawad tayo kahit na nakakainis na ‘yang Christian na ‘yan.” Umupo siya sa harapan ko habang umiinom ng kape.

“I don’t know, Gigi. Pakiramdam ko mawawalan ako ng dignidad kung papakinggan ko pa ang lame excuses nila. I think it’s better if we just all stay away from each other.” I removed my reading glasses and saw the clock turn 4:00 PM. Hindi ko namalayang hapon nap ala at hindi pa ako nananghalian. Nakakaramdam na ako ng gutom at masakit na rin ang ulo ko.

“Magpahinga ka na, at alam kong gutom ka na. Gusto man kita dalhan ng pagkain eh ‘di pwede kasi nga ayaw mo kanina paistorbo. Ay wait, dyan ka lang. Papadeliver ako ng pizza at mag-usap tayo. Gusto ko ng catch up at ang tagal ko din namalagi sa Hong Kong para sa negosyo niyo.” She stood up and took her phone to order some food. Kahit kelan, para pa rin siyang yaya ko.

Dati kasi, ‘pag pinupuntahan ko ang mommy ko sa opisina, she would offer me food delivery at laging pizza kasi pareho naming favorite kumain pareho. Para namin siyang ate ni Althea Marie tuwing tatambay kami dito at makikikulit kay mommy kapag bored kami o kaya maaga ang uwi. Tuloy, namiss ko si mommy at ang best friend ko.

After twenty minutes, dumating na ang pagkain at nakita kong nakaipit sa bibig niya ang kayang iphone. Luka-luka talaga ‘tong babaeng ‘to kahit kelan. May asawa na’t lahat pero medyo galawgaw pa rin which I like the most about her. Hindi siya maarte and she treats me like a baby.

“Alam mo, napag-isipan ko lang naman habang hinihintay ang pizza na hindi dignidad ang mawawa sa’yo kundi ang pride mo. Ayaw mo kasing lunukin, girl. Isipin mo, mahahalagang tao sila sa buhay mo. Christian may had broken your heart, but still he’s your childhood friend. Matindi pa sa friendship niyo ng kuya mo ang pagkakaibigan niyo at isama mo pa ang malikot na si Althea Marie. Please, kausapin mo a sila. Walang masamang lumunok… ng pride. Pride lang ang lulunukin… ‘wag kung ano-ano!” Sabay tawa niya ulit.

Insanity why are you my Clarity?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon