CHAPTER 2 (Red marks)

1.9K 35 1
                                    

“C-christot! G-gising ka na pala! Salamat nga pala sa-“

“Salamat sa s*x, Alyssa?” He’s no longer calling me ‘Ysang uhugin’. I looked into his light brown eyes na para bang napakaseryoso niya at may malalim na iniisip.

“K-kalimutan mo na sana iyon, Christot. Ayoko na mag-iba yung turingan natin. What I did was a mistake at nahatak lang kita sa mga problema ko. Kasalanan ko naman kaya you don’t have to worry about this.”

He stood up still naked, so I looked away. He took his boxers and wore it then umupo sa isang couch sa loob ng kwarto niya.

“Well kasalanan ko kasi I’m sober and yet pinatulan ko ang drunk seduction mo. Kasalanan ko ito Alyssa. Kung sana eh pinatulog na lang kita, di ko na sana nakuha yung virginity mo which is also a good thing na ako ang nakakuha kesa sa ibang mga lalaki na ‘di mo sigurado ang performance.” His face is still expressionless na para bang napakanormal lang ng nangyari sa kanya..

Namula ako ramdam ko. Nag-init yung mukha ko na para bang mamamatay ako sa kahihiyan. I looked away at ‘di makagalaw. Nilingon ko siya at may iniisip na naman siyang malalim.

“Wag ka munang umuwi sa condo mo. I’ll cook breakfast, alam ko namang ‘di ka marunong magluto eh. Tara.” Kumuha siya ng t-shirt sa closet niya lumabas na kami.

“A-akala ko nasa bahay niyo talaga tayo. May condo ka pala. Saan ba ‘to?” I asked him at pinaupo niya ako sa four-seater na dining table niya.

“Diamond Towers Makati.”

“What?! Dito ako nakatira sa 9th floor ako.”

“Really? Nasa 8th floor tayo.”

“A-ah… Nagkataon palang sa iisang condo tayo nakatira.” That’s all I can say kasi nahihiya ako sa pinaggagagawa ko kagabi. Hindi ko maalala pero ramdam ko ang ang pananakit ng mga hita ko. Para akong pinilayan.

“Masakit ba ang katawan mo? I was never attached to do Mild sex, so sorry. I guess pinanggigilan kita Alyssa. You were so sweet and soft and to think that it was the first time you ever felt that way, makes me feel more of a man.”

“O-okay.” That’s all I can respond to him. Evrything changes with five shots of tequila, Bacardi, and many more.

Nagsimula na siyang magluto at bigla siyang napatigil.

“Virgin ka di ba? Naka-pills ka ba?” Namumula ako nung itinanong niya iyon.

“Ah, oo. May hormonal imbalance kasi ako like your sister kaya normal lang uminom ako. Buti na nga lang eh, kasi kung nagkataon baka may nabuo tayo.” I hesitantly said at nagluto na siyang muli.

“Malapit na nga pala akong matapos magluto. Kung gusto mo, you can wash your hands sa CR ko then come back her. You can wash up first or take a bath.”

“S-siguro makikiligo na lang ako, pwede bang manghiram ng damit?” I asked at alam kong nagba-blush ako sa kahihiyan.

“Sure, nakita mo na naman kung nasaan ang closet ko, right?”

“Yep.”

I took a bath and I looked at myself in the mirror, naked. Sh*t ang dami kong red marks sa buong katawan! Even my neck! May bite mark sa leeg ko at ang cleavage ko madaming red marks and bruises! Ganito ba talaga ka-brutal ang first time?

I sighed. Buti na lang nakapills ako or else in that first time baka nakabuo na kami ni… Chris. Chris has always been a playmate to me. Parang kuya ko silang kambal kasi wala ang kuya

ko nasa abroad at best friend ko naman ang nag-iisang kapatid nilang babae. Simula sa araw na ‘to, hindi ko na alam kung paano siya patutunguhan ngayon.

I quickly took a shower and wore one of his shirts and boxer shorts. I wore my bra and undies at inayos ang buhok ko.

I got out and I saw him drinking a cup coffee while looking outside his balcony. Kelan ba siya naging ganyan kagwapo? Mas gwapo na pala siya kay kuya Andrei na super linis. If Andrei Falcon is too clean, too neat and too organized, well Christian is the opposite. He’s rugged, too manly, and his presence screams the word ‘Sexy’.

All girls drool over for him, kahit noong College siya at High school naman kami ni Althea Marie, sikat siya kasi MVP siya lagi sa University games. Ganyan siya kasikat and idagdag mo pa ang kanyang titulong ‘Engineer’ eh ‘di isa nga talaga siyang eligible bachelor na maituturing.

“Oh, tapos ka na pala. Let’s eat. Inaantay kasi kita, grabe ang tagal mo pa rin maligo.”

“C-chistot, bakit ang dami kong pasa at tingnan mo yung leeg ko, may bite mark.” Tumayo siya at hinagod ang leeg ko. Nakaramdam ako ng kakaibang kuryente sa simpleng pagtatama n gaming mga balat.

“Sorry. Wait kukuha ako ng yelo. Pinanggigilan kita. Sorry.” Kumuha siya ng ice pack at inilagay sa leeg ko. Napabalikwas ako ng bigla siyang lumuhod at tiningnan ang mga binti ko.

“Fvck! Grabe naman pala! Sobra akong nanggigil sayo, Alyssa. Wag ka na muna magsuot ng skirt. Matagal-tagal yan bago guumaling. Kasalanan ko talaga.”

“H-hayaan mo na Chris. Kain na tayo, gutom na ako.”

“Sure.” He just said at matahimik kaming kumain sa unit niya. Pagkatapos naming kumain, naghugas na siya ng mga pinggan. Binigyan niya ako ng painkilliers at isang baso ng mango ice cream.

“My favortite!”

“Really? Nagkataong favorite ko rin kasi yan. Buti na lang pala.” Aaktong tatayo na sana ako para makaupo sa couch ng sala niya pero binuhat niya ako iniupo.

“’Di mo pa kaya maglakad ng maayos. Don’t worry ako na muna bahala sayo. Don’t push yourself too much na umuwi kasi sa baba ka lang naman nakatira pala.”

“Ah… sure. Tutal naman walang pasok makikitambay na muna ako, okay lang?”

“Sure. Dyan ka lang, bibili muna ako ng ice kasi naubusan ako.”

“Sure. Thanks nga pala ulit.”

Umalis na siya at tingnan kong mag-isa ang ang mga picture frames na nakasabit sa pader niya. Meron silang family picture, picture nung championship, meron ding picture ng college graduation at… yung picture na tatlo kami nila Althea Marie nung JS prom at nakaakbay siya sa akin at nasa gitna ako.

Nakaramdam ako ng mabilis na palpitation. Ano kaya ito?

Umupo na lang ako sa sofa at binuksan ang TV niya.

Insanity why are you my Clarity?Where stories live. Discover now