CHAPTER 20 (She broke my heart)

1.3K 23 0
                                    

I will never forget the day she broke my heart. I lost all my will to admit my feelings towards her. I was waiting for her turn eighteen but I guess I am too late. I was so damn late. Hindi ko inakalang may umaaligid na pala sa kanya sa university. Nawalan na ako ng kontrol simula nang magtapos ako. I caan’t watch over her kasi nagta-trabaho na ako sa planta.

I am so heartbroken, hanggang ngayon. Iniisip ko pa lang na hindi ako ang first love at first kiss niya parang babaliktad na ang mundo ko. It’s as if I am unable to breathe.

“Wow Aly! Ang ganda-ganda mo naman! Nakita kong binate ni Althea Marie si Alyssa and she’s going to celebrate her 18th birthday here at the hotel located in Makati. She’s so beautiful and blushing red as people compliment her pretty face.

Yes, she’s really beautiful and she took my breath away kaninang nag-eye contact kami. I was so nervous as hell na parang pakiramdam ko isa lang akong teenage but I am 25 for f*ck’s sake! I am no longer a kid with raging hormones pero bakit ganito ang nangyayari sa akin?

I hate how the guys at this party adore her. It’s like they’re feasting her whole bodice and it drives me insane. Nakakabaliw ang pakiramdam parang gusto kong manapak ngayon kaso hindi pwede dahil kasama ko ang buong pamilya ko. I can’t bear to see this sight. They’re actually chatting with her! The other guy’s holding her hand! I’m gonna be freaking insane here.

I exhaled all the bullsh*t I can feel dahil hindi ko yata kaya.

“Kuya, why do you look like na parang mangangain ka ng tao? Ang weird mo talaga! Birthday pa naman ni Aly ngayon.” I heard Althea Marie spoke at nawala ang pagkatulala ko. I didn’t notice na mukha na pala akong nanggagalaiti sa galit.

“Wala, pagod lang ako. Teka sino na iyong kanina pa hawak ng hawak sa kamay ni Aly? May… boyfriend na ba siya?” Kinakabahan kong tanong. Kahit alam ko na ang sagot, umaasa pa rin akong baka hindi, na baka mali lang ang pagkakaintindi ko.

“Ah si Brian ba? Oo boyfriend na niya iyan. Matagal na niyang manliligaw iyan since first year kami. Maagap pa sa intsik… ah mali! Intsik nga pala talaga iyan. Kasi ‘Lim’ nga pala ang last name niya. Haha.”

My world f*cking fell apart. Alam kong para akong pedophile na umaasang magugustuhan ako ni Alyssa, pero ito ang feelings ko. It’s hard to deny what I feel. Mahirap sabihin na kaya naman kung gugustuhin kasi sobra akong attached sa kanya.

We grew up together and I watched her bloom. I watched how she turned into a very attractive female. Lahat ng pwedeng makita, nakita ko na. I saw her wept when their dad died because of heart attack. Alam ko ang mga pinagdaanan ng pamilya nila, kaya ako lang dapat. Pero bakit may Brian Lim?

“Ah… pero ang bata pa niya para magboyfriend. Kaka-eighteen lang, lumalandi na agad. Wag kang tutulad sa kanya.” I saw her rolled her eyes on me.

“Kuya, hindi malandi si Alyssa. She’s more matured compared to me, at alam mo naman iyan. Hindi siya naglalandi dahil nakita ko naman ang pagpupursige ni Brian para sa kanya. He treats her like a queen at kahit sinong babae naiinggit sa kanya. She got this soft charm that unconsciously hits the soft spot on men.” Bingo.

Ayun nga ang dahilan kaya ako nababaliw dahil sa kanya. She got this charm na hindi mo maintidihan pero alam mong kanya lang. That’s how lethal her effect on me. She’ll be the death of me.

“Kahit pa, dapat pag-aaral ang inaatupag at hindi paglalandi. Alam ba ni Felix iyan?”

“Syempre alam! Si kuya Felix nga ang kasama ni Brian kumain kanina eh, at obvious naman na magkasundo sila so no problem na.” Ngingiti-ngiting sabi ng kapatid ko while my eyes are fixated to her beautiful face.

Insanity why are you my Clarity?Where stories live. Discover now