CHAPTER 21 (The one who keeps my blood pumping)

1.2K 20 0
                                    

“May date kami ni Brian! Buti na lang at wala kaming pasok ngayon, Christot. Kaso naman si kuya ayaw ako ihatid, nakakaasar talaga siya!” Nakapout na nakatambay sa veranda ng bahay namin si Alyssa. I can’t stop myself from staring at her perfect pair of white legs. Kelan nga ba siya nagmature ng ganyan? She’s really hot and I don’t know if I can contain my feelings.

“Walang sasakyan ang boyfriend mo? Pulubi naman pala siya.” Then she kicked my leg at napangiwi ako sa sakit.

“Aray ha! Ikaw nagkaboyfriend ka lang napakabrutal mo na. Sus, mas mahal mo pa boyfriend mo kesa sa ak… sa aming mga kaibigan mo since day care.”

“H-hindi ah… grabe ka naman Christot. Syempre iba naman kayo ni Althea Marie eh. Alam mo namang iba kayo. You’re more than friends to me, at hindi ko kayo ipinagpapalit. I promise to be your friend forever!” Nakangiti niya pang sabi at ‘di niya alam na kahit ngiti pa lang eh nai-in love na agad ako. Ganito talaga ako kababaw pagdating sa kanya, kahit na mukha akong tanga wala pa rin akong pakialam.

She looked beautiful wearing white shorts, gray shirt and her pink slippers showing her pink toenails. She looks too feminine now… and too classy. I felt so insecure with myself kung deserving nga ba ako sa tulad niya. She’s more than just a crush; she’s the one who keeps my blood pumping. OA na kung OA, pero wala akong pakialam.

“Talaga lang, pero nung inaaya kitang magSB ayaw mo. Kahit libre ko pa, ayaw mo.” I rolled my eyes at her at nagulat na lang ako nang bigla niyang yakapin ang braso ko. She hugged it tight na nagdidikit na ang braso ko sa… chest niya. It felt so soft, at alam kong sexy talaga siya, kaya nga iniiwasan ko yung kami lang dalawa. Wala kasi si Thea, may group work atsaka mahilig talaga tumambay sa amin si Aly.

“Eh nagkataon nga na kakain kami sa labas eh. Tara ngayon, kung gusto mo talaga. Aba, libre mo ‘yun ano! Eh sobrang kuripot mo kaya.”

“Aba, eh ikaw nga ni candy ‘di mo pa ako nililibre. Puro pakain naman ni tita lahat ng sinasabing libre mo.”

“Eh wala pa naman akong work eh! Tsaka ikaw kaya ang mayaman ngayon. Kinuhanan ka nga ni titan g condo mo eh, and balita ko pa may girlfriend ka na daw kaya sumobrang kuripot ka.” Tinukso niya ako habang natatawa. Kiniliti ko siya at tumakbo siyang papunta sa likod ng kurtina.

“Huli ka!” I caught her, but we collapsed on the floor with me on top. Nagulat ako, kaya naman dumikit ang mga labi ko sa leeg niya. I felt hot all over kaya naman bigla na lang ankong tumayo. Naramdaman ko rin ang mainit kong mga pisngi kaya naman hindi ko muna siya hinarap sa sobrang kahihiyan.

“Grabe ka Aly, ang lakas mo naman at naitumba mo ako.” Inasar ko na lang siya para hind imaging awkward ang paligid. Sasabog na yata ang dibdib ko sa kaba. Bakit ba naman kasi nagdikit pa kami, eh ‘yun nga iniiwasan ko.

“Ikaw ang grabe dyan ha! Sa ganda kong ‘to, pagkakamalan mo pa akong wrestler!” Tumawa na lang ako kahit napakaawkward sa pakiramdam. Aba, mahirap kayang ma-trap sa ganitong usapan. Iba kasi ang tama niya sa akin… sagad-sagaran sa lahat. ‘Yung tipong iba ang dating ‘pag iniwanan na niya ako nang tuluyan. Is it my fault to feel this way? Masama bang mahalin siya? Bakit ba kasi sobrang laki ng age gap namin?

“Oo, nag-eighteen ka pero wrestler ka pa din. Grabe parang nabali yata ang buto ko sayong bata ka. Tingnan mo, namumula ‘yung siko ko. ‘Kaw kasi.” Nagpout siya at ngumiti. Ganyan lang ginagawa niya pero wala siyang idea na sagad-sagaran na ang nararamdaman ko. Tipong nakakalunod na.

“Hoy, gurang ka na kasi! Tse! Tara na nga, ilibre mo ko ng Jollibee at SB ha!” Hinatak na niya ako pababa para makaalis na kami. Natatawa ako kasi kahit anong asaran namin eh ‘di siya sobrang naasar sa akin o yung tipong nagagalit siya nang matagal. I guess kasi talaga ngang close kaming dalawa. Masasabi kong iba ang friendship naming dalawa.

Insanity why are you my Clarity?Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ