CHAPTER 30

1.1K 27 2
                                    

I don’t want to go out. Ayokong makakita ng ibang tao. This is such a huge mess at mahirap itong takasan. Sana ‘di na lang ako bumalik. I really can’t imagine Miranda’s hurting expression if ever she finds out. Gulong-gulo na ako, at pa’no niya ‘yun nagawang sabihin sa pamilya niya?! Damn! Iisipin nila kaladkarin ako dahil sa may nangyari na sa amin at maraming beses na! Hindi ‘yun Gawain ng isang matinong babae.

I’m a screwed girl. Pa’no ‘yan? Malilintikan talaga ako sa nanay ko, malamang sa malamang. Alam kong ayaw niya ng gulo at talagang sagad na sa buto ang galit ni mommy kay Christian. Sh*t! Pa’no kung malaman ni kuya ang pinaggagawa ni Christian sa akin? Pa’no kung masaktan si Mike? Pa’no na ang mga tao sa paligid namin? Galit nag alit kaya si Althea Marie?

Lintik na paano, sobra ang dami ng tanong! Sh*t talaga! Puro na ako mura pero wala rin namang mangyayari. Nasasaktan silang lahat at pakiramdam ko kasalanan ko ‘to lahat! If I wasn’t drunk and stupid, ‘di sana mangyayari ang pagkakamaling ‘yon. Sana normal pa rin kami ni Christian ngayon at walang pwedeng makasira ng friendship namin, lalo na kay Althea Marie.

“Alyssa.” My mom called me at disappointed ang mukha niya. Alam kong nasaktan ko na naman ang nanay ko. Nararamdaman ko na ang kalungkutan sa mata ng mama ko. Dad, I’m sorry for hurting mom like this. Nangako pa naman ako na magbabait ako, pero sinaktan ko si mommy, dad. Naiiyak na ako.

“Mommy…” Then she hugged me tight. Pakiramdam ko lahat na ng emosyon bumuhos na sa akin. Bakit ba ako nasasaktan ng dahil lang sa iisang lalaki. Bakit ba paulit-uli na lang niya akong sinasaktan? What’s wrong with me? Why do I have to be so hurt it’s killing any second?

“Anak… you really need to stay away from him. Dito ka na muna tumira until we fix this. Buti na lang wala si kuya ngayon dito at nasa Cabanatuan siya with his girlfriend. Kailangan natin itago ‘to and I’ve talked to Christian’s parents that I have to keep you away from their crazy son. Kakasuhan ko si Christian ng trespassing ‘pag pumunta siya dito.” At nakaramdam ako ng lamig sa boses ng nanay ko. She’s not happy to know about this, malamang anak niya ako.

“O-okay… and I’m sorry for ruining our friendship with the Falcons. Kasalanan ko talaga ang lahat. I can’t… I don’t know how to resolve this issue! Mababaliw na ako.” Then mom placed her hand on mine.

“I’m filing a restraining order tomorrow. He needs to stay away from you, at pumayag ang parents niya. Inasikaso na ni Atty. Bernard Cortez ang pwedeng gawin. I’m sorry, but he’s obviously unhealthy for your well being.” Restraning order? This keeps on getting uglier and uglier day by day. Kasalanan ko talaga ‘to. He… seeing him keeps me alive, but I guess I have to let go of the things that both kill and keeps me alive.

“Ma… hindi ba sobra ‘yun? He’s not harmful-“

“He lashed out on you, at hindi niya pwede ka na lang kaladkarin! Anong akala niya sa’yo basta-bastang nakukuha na lang? Hindi kita pinalaki para lang saktan ni Christian. I don’t want to see his face, kaya nga sa kasal ni Andrei, pagkatapos na pagkatapos diretso uwi ka na.”

“Yes… ma.”

“Anak, 22 ka lang! You’re too young and he’s already near thirties. Why did let yourself get involved with him? Nagkamali ako noon nang suportahan kita sa crush mong ‘yan. ‘Di ko alam na masama pala siya para sa’yo.”

“Hindi ko na alam, ma. I am so in love with him! Sobra-sobra kaya hindi ko alam kung kaya kong pigilan ‘tong lintik kong puso para lang matahimik tayong lahat! Hindi ko na maintidihan! Ayoko na… ayoko nang mahalin siya. Ayoko nang masaktan, ma. Hindi ako makahinga tuwing iisipin kong may ibang babaeng ikakasal sa kanya. Hindi na kaya ng dibdib ko, sasabog na… ikamamatay ko na.”

Insanity why are you my Clarity?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon