Chapter 5 | Question

Start from the beginning
                                        

Nagtawanan pa silang dalawa hanggang sa maisipan na lang nilang manuod ng KDrama. Nag-akyat kami ng mga snacks dito sa taas para may makain kami habang nanunuod.

FROM: Xavier Vistamonte III
What are you doing?

TO: Xavier Vistamonte III
Nanunuod ng KDrama. Ikaw?

FROM: Xavier Vistamonte III
Ok. See you soon. Bye!

Napataas ang kilay ko. Iyon na 'yon? Ni hindi nga niya sinabi sa akin kung anong ginagawa niya. Bigla ko tuloy naisip ang sinabi ni Stella tungkol sa kung ano kami ni Xavier. Ano nga ba kasi tayo? Ipinikit ko na lang ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong gupuin ng dilim.

NAGISING ako dahil sa sunod-sunod na katok. Pupungas-pungas pa akong bumangon at nakita ko si Ate na humahangos.

"Bilis, baba ka! May naghahanap sayo!"

Nagmamadali niyang sabi pagkatapos ay tumakbo na ulit. Kailangan talagang bilisan? Hindi ba pwedeng maghilamos muna?

Akmang babalik na ako ulit sa kwarto para maghilamos ng marinig kong muli ang sigaw ni Ate. Tamad na tamad ang paglakad ko papunta sa hagdan. Pakiramdam ko kasi tulog pa ang diwa ko at tila hindi ko pa rin alam ang nangyayari sa paligid. Nakita ko silang lahat na nakatingala sa akin, may isang tao rin doon pero hindi ko pa gaanong maaninag ang mukha niya.

"Good morning, Selene!"

Pamilyar ang boses na iyon. Inaninag ko siyang mabuti hanggang sa luminaw ang imahe niya sa paningin ko. What the hell! Nilingon ko si Ate at nakangisi siya sa akin habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa, naroon din si Mommy at Daddy. Dahan-dahan akong tumalikod at kumaripas ng takbo pabalik sa kwarto, nakasalubong ko pa sila Stella na nakapambahay na at handa ng bumaba. Binati nila ako pero hindi ko na nagawang ibalik pa ang pagbating iyon dahil sa sobrang pagmamadali.

Kaunti na lang talaga bibinggo na sa akin ang kapatid ko. Tumingin ako sa salamin at nakita ko kung gaano kagulo ang buhok ko, nakalaglag pa ang isang tirante ng spaghetti strap ko tapos hindi pa ko nakakapaghilamos. Marami naman kasing pagkakataon na fresh ako pero bakit ngayon pa kami nagkita.

Kainis naman, bakit kasi gano'n? Kung kailan ka hindi maganda saka nagpapakita si crush!

Ilang minuto lang ay natapos na akong magbihis at mag-ayos. Huminga ako ng malalim bago magtungo sa kusina kung saan ko naririnig ang mga ingay. Tinaasan ako ng kilay ni Daddy ng mapansin niya siguro na medyo nakaayos ako.

Konting lip gloss lang naman ito Daddy.

Naupo ako sa tabi ni Ate Sofia at Stella. Katabi naman ni Mommy si Solana at Xavier tapos si Daddy sa kabisera.

"Why don't you introduce your friend to us, Selene." Daddy commanded while giving emphasis to the word 'friend'.

Napatikhim ako, "Family, this is Xavier. Xavier, this is my family," sabi ko, ngumiti naman si Ate sa kanya pati na rin si Mommy pero si Daddy ay mataman lamang na nakatitig sa kanya.

"Good morning po," magalang niyang bati at yumuko pa.

Cute. Napangiti tuloy ako pero agad ko din namang pinigilan ng mapansin ko ang masamang tingin ni Daddy sa akin.

"Ikaw pala si Xavier? Ang lalaking kausap niya last week sa cellphone? Ano bang sinasabi mo sa kanya over the phone? Kilig na kilig kasi siya noon," saad ni Ate Sofia.

Namula naman ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Pero halos mawalan ulit ako ng kulay ng makita ko ang mukha ni Daddy.

"Kumain na tayo. Selene, mag-uusap tayo pagkatapos nito," Sabi ni Daddy.

Taming The Vengeful WavesWhere stories live. Discover now