Chapter 5 | Question

Start from the beginning
                                        

Ngayon ko pa naman sana siya ipapakilala kila Mommy. Gusto kasi siya nitong makilala dahil nabanggit pala ni Ate ang narinig niya noon. Wala talagang isang salita ang kapatid kong 'yon.

Ginising ko na sila dahil nasa babaan na kami. Naroon na rin ang driver namin kaya agad din kaming nakasakay at hindi na naghintay pa. Unang bumaba si Hunter dahil mas mauuna ang bahay nila bago ang Hacienda namin. Sumunod din si Stella at naiwan kami ni Solana dahil doon siya tutuloy sa bahay. Ilang minuto pa ang tinagal ng biyahe bago kami tuluyang nakarating sa bahay.

"Wow! Hacienda!" bulalas ni Solana.

"Selene!"

Sinalubong kami ni Mommy. Agad namang nagmano si Solana sa kanya, ako naman ay humalik sa kanyang pisngi.

"Ikaw si Solana, hindi ba?" tanong ni Mommy, tumango naman si Solana bilang tugon dito.

"Halina at pumasok na kayo. Uuwi bukas sila Sebastian pero andito na ang Ate Sofia mo, may inasikaso nga lang sila," sabi ni Mommy habang niyayakag kami patungo sa loob.

"Tita Selene. Happy Birthday!" maligayang bati ni Steffi, ang panganay na anak ni Ate Sofia.

"Thank you, baby, pero bukas pa ang birthday ko," sabi ko habang hinahaplos ang kanyang buhok. "Siya nga pala si Tita Solana," pinakilala ko si Solana sa kanya. Hinarap niya ito at bibong ngumiti.

"Hi po, Tita Solana. Ako po si Larraine Steffi Lopez Real. Dito po ako nakatira kasama sila Mamu tapos iyong Mommy ko po, saka Daddy ko po pati po si Summer doon po sila sa Manila."

Nagtawanan naman kami ni Solana. Lumuhod siya sa sahig upang magpantay ang mukha nila.

"Wow! Ang cute mo naman!" Solana said as she kissed her cheeks.

"Steffi, sasamahan muna ni Tita Selene si Tita Solana sa kwarto niya para maipasok ang mga gamit nila kaya halika muna dito," sabi ni Mommy, agad namang sumunod si Steffi kaya inaya ko na si Solana sa kwarto ko. Dito kasi kami matutulog kasama si Stella, dumaan lang siya sa bahay nila para magpaalam pero pupunta na rin siya dito maya-maya.

"I see, you have a great and loving home."

Nasa may balcony kami ng kwarto ko. Nginitian ko lang siya. Ilang beses ko na ring naisip na sobrang swerte ko dahil buo ang pamilya namin tapos close pa kaming lahat. Sa panahon kasi ngayon, karamihan ay broken family o kaya naman hindi sila magkakasundo... kaya naman sa estado ng pamilya ko ngayon, sobra akong nagpapasalamat dahil masaya at kumpleto pa rin kami.

"Hello everything!" masiglang sambit ni Stella at nakisali na sa kwentuhan naming dalawa ni Solana.

"So, ano na kayo ni Xavier?" tanong niya sa akin.

"Ewan," sagot ko. Hindi ko naman kasi talaga alam, basta ang alam ko may pagkakaintindihan na kami.

"Anong ewan? Aba! Selene, hindi naman pwedeng wala kayong label!"

Sakto namang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ang screen at nakita ang mensahe ni Xavier sa akin. Kinukumusta lang naman niya ang naging biyahe namin nila Stella.

"Huwag mo munang replyan, kunyari dalagang Pilipina ka!" pigil sa akin ni Stella, akmang magtatype na kasi ako ng reply para sa kanya.

"Ang sama mo Stella," sabi ni Solana habang tatawa-tawa.

"Aba! Si Xavier ang masama 'no," depensa naman ni Stella.

"M.U naman sila eh," sabi naman ni Solana.

"M.U?" kunot noong tanong ni Stella.

"M.U, Mutual Understanding," paliwanag ni Solana.

"Ah, akala ko Malalanding Unggoy," sagot ni Stella.

Taming The Vengeful WavesWhere stories live. Discover now