special chapter 2

2.4K 113 32
                                    

RACHELLE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

RACHELLE

"Mommy! Gising ka na pooooo!" kaagad akong napadilat nang gisingin ako ni Steigh (PRONOUNCE AS STAY/STEY)

"Anak, maaga pa. Ano bang meron?" Tanong ko.

"Mommy, birthday ni Kuya Stein ngayooon!" Kaagad akong napatayo. Muntik ko pa makalimutan. Jusko, siguradong magtatampo yun sakin kung di ko pa maalala.

"Si Daddy mo?" Tanong ko kay Steigh pero itong batang 'to, hindi naman ako sinagot at hinila lang ako papunta sa kusina

"Daddy, si Mommy oh yieeee" napatawa naman ako ng asarin kami ni Steigh. Talagang batang 'to.

"Pfft. Good morning" nakangiting bati niya sakin habang may kung anong niluluto

"Morning" nakangiti ko ring bati sa kanya.

"Ayieee! Haharot niyo, mommy" natatawang sabi niya. Manang mana sa Daddy niya. Napaka-mapangasar.

She's Steigh Ashley Ajero. 13 years old na yan at ayan manang mana sa Daddy niyang parehas kaming inaasar dalawa.

"Asan nga pala ang kuya mo?" Tanong ko.

"Tulog pa po, Mommy. Napuyat kase kakagawa ng assignment niya" napabuntong hininga naman ako.

Ang kuya niya naman ay si Stein Alexander Ajero. 16 naman siya dahil birthday niya ngayon. Obviously, si Stell lahat nagbigay ng pangalan sa kanila. Puro ST ang simula ng pangalan nila. Hinayaan ko lang siya sa first names tapos ako naman sa second names. Naaalala ko kung gaano siya kasaya nung unang naipanganak ko si Stein. Nakita ko yung saya sa mukha niya.

Pero kumpara kay Steigh, medyo nagmana naman sakin iyang si Stein sa sobrang moody at suplado. Pag dating naman samin, okay naman siya. Pero balita ko kay Steigh, iniisnob niya lahat ng taong lalapit sa kanya sa school nila

"Mommy, okay na po yung cake" masayang sabi ni Steigh. Nilagay na rin ni Stell sa table yung mga pagkain after niyang ayusin.

"Babe, binilhan ko ng cellphone si Stein. Okay lang ba sayo?" Naga-alalang tanong niya. Natawa naman ako kaunti.

"Don't worry, hindi ako magagalit. Saka 16 na naman yung batang yun. Nasa tamang edad na naman siya" sabi ko. Hinalikan niya lang ako noo bilang sagot.

"Awww. Ang sweet" napatingin kaming dalawa nang magsalita si Steigh. Kanina ka pala siya nakatingin sa amin. Pfft.

"Mommy, gusto ko pag nagka-boyfriend ako yung katulad ni Daddy Stell. Mabait tapos loving hihi" sabi niya pa. Nagkatinginan kaming dalawa ni Stell at sabay na tumawa.

"Walang magkaka-gusto sayo!" Sigaw naman ni Stein na kaka-labas niya lang ng kwarto.

"Happy Birthday Stein!" Sabay sabay naming bati sa kanya. Ngumiti lang siya at lumapit sa aming dalawa ni Stell at niyakap kami.

"Thank you Mom, Thank you Dad" nakangiting sabi nito.

"Nakakatampo ka kuya. Hindi na kita babatiin" biglang singit ni Steigh.

"Totoo naman. Panget mo kaya" pang-asar na sabi ni Steigh. Mas lalong ngumuso ito at yumakap naman sa Daddy niya.

"Daddy si Kuya oh" sabi pa nito.

"Joke lang, Steigh. Syempre maganda ka 'no. Kaya nga magkapatid tayo" natatawang sabi ng Kuya niya. Pero nakayakap lang siya sa Daddy niya.

"Wag kang maniwala sa Kuya mo okay? Mana ka saming dalawa ni Mommy mo kaya maganda ka rin. Kaya nga minahal ko yan eh" sabi niya sabay lipat ng tingin sa akin. Nakita kong tinignan din ako ni Steigh ng makahuluhan at nakangisi. Batang 'to talaga.

"Alam niyo magbo-blow na ng candle si Stein. Ang dadaldal niyo" sabi ko at sinindihan yung kandila sa cake ni Stein.

"Walaaa. Change topic ka naman Mommy eh" pang-asar pa sakin ni Steigh.

"Mommy, dapat may message ka kay Daddy" sabi naman ni Stein.

"Bakit ako? Hindi naman ako yung may birthday" natatawang tugon ko.

"It's my birthday po today. Dapat hindi lang ako may message kay Daddy" sabi nito sabay kindat sa akin. Sabi sa inyo, manang mana sa Daddy niya 'tong dalawa sa pang-aasar sakin eh.

"Dali na mommy. Naghihintay kami nila Daddy" sabat naman ni Steigh. Napabuntong-hininga na lang ako

"Jusko kayong mga bata kayo" sabi ko habang iiling iling.

"Stell, thank you for your efforts. Sobrang swerte kong ikaw yung kasama ko ngayon along with Steigh and Stein. Salamat kase kahit pagod ka sa trabaho, hindi mo parin kami kinakalimutang kamustahin pag-uwi mo. Thank you din for being a perfect husband for me. I know na nagkakatampuhan tayo minsan but remember na kahit pa ilang beses tayo mag-away, I'll still love and choose you until the end. Mahal kita. Mahal ko kayo" sabi ko at ngumiti sa kanya. Nakita kong ngumiti din siya sakin at hinila ako papalapit sa kanya.

"I love you too" bulong niya sakin. Kahit pa ilang beses kong marinig sa kanya 'to, hinding hindi ako magsasawa.

"Yieeeee. Ang sweet. Tara na po. Gutom na kami ni Kuya" natawa kaming dalawa at umupo na rin para sabay sabay na kaming makakain.

Napatingin ako sa kanya at hindi ko maiwasang mapangiti. Sobrang swerte ko na sa kanya nito. Wala na akong mahihiling pa.

"Ikaw babe? Di ka pa kakain?" Tanong niya sa akin

"Kakain na din" sabi ko sa kanya. Sinandukan niya ako ng pagkain

"Thank you" sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

"I love you" sabi niya pa at saka kumindat sa akin. Napaka-pafall niya parin.

Kaya mahal na mahal ko siya at wala na akong mahihiling pa. Sobrang swerte ko na sa kanya.

END

❛Fall❜┇SB19's Stell✔️Where stories live. Discover now