➴seventy-four

1.7K 79 48
                                    

(LONG CHAPTER AHEAD!⚠️)

THIRD PERSON'S

Nang mag-ring ang bell ay kaagad na inayos ni Stell ang gamit nito at dali-daling pumunta sa park.

"Stell, hindi ka sasabay samin?" Tanong ni Ken sa nakatatanda.

"Hindi muna. Una na kayo. Magkikita pa kami ni Rachelle" nakangiting sabi ni Stell.

"Naks, kaya naman pala laki ng ngiti mo eh" pang-asar ni Josh sa kanya.

"Oh siya una na kami. Goodluck boi" tumango lang si Stell at humiwalay ng direksyon papunta sa park kung saan sila magkikita ni Rachelle.

Pag dating niya ay umupo ito sa may bench at hinintay na dumating si Rachelle. Tumingin ito sa orasan niya at 5:30 na ng hapon.

-

Muli itong tumingin sa orasan niya. 7:30 na ng gabi at hindi parin dumadating si Rachelle. Pinapasaya niya lang ang sarili niya para makalimutan na baka hindi na nga ito pumunta.

"Stell" napalingon ito at hindi mapigilan ang ngiti sa kanyang labi. At the same time, nasaktan ito dahil sa ginawa ng dalaga sa kanya.

"You came" masayang sabi ni Stell at tumayo din.

"Dalian mo. Uuwi na ako" blankong sabi nito kay Stell. Bahagyang sumikip ang dibdib nito sa inasta ni Rachelle.

"Rachelle may problema ba? Bakit mo ko iniiwasan?" He tried to straighten his voice at hindi halatang malapit na itong umiyak.

"Wala" tipid na sagot nito.

"Pero bakit ganito tayo?" Napatingin lang si Rachelle sa kanya. Hindi ito nagtangkang magsalita.

"May ginawa ba akong mali? May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan? Sorry kung meron man pero wag naman ganito, Leigh" he tried to control himself pero masyadong masakit para sa kanya at tuluyang umagos ang luha niya.

"Yan lang ba sasabihin mo? Aalis na ako" akmang maglalakad na ito nang hablutin ni Stell ang kamay nito.

"Rachelle, mahal kita" nasabi na lang nito. But then she doesn't show any expression in her face nanatili lang itong walang reaksyon.

"I love you so much. Why are you doing this to me?" Napaharap sa kanya si Rachelle. Sa totoo lang kanina pa masakit ang puso niya dahil nakikita niya kung paano umiyak si Stell.

"Nalilito ako sa pinapakita mo. Bakit ka ba ganyan? May times na susungitan mo ko, tapos bigla kang manlalambing. Rachelle, nahihirapan na ako. Bakit mo ba ako nililito ng ganito? Pinaglalaruan mo ba ako?" Umiiyak na tanong nito. Tuloy tuloy pa din ang pag-agos ng luha niya.

"Sa tatlong taon, akala ko paghanga lang pero Rachelle masyado akong nadadala. Ni hindi ko man lang napigilan yung sarili ko. Ang sakit lang kase after ng lahat parang mawawala ka pa sakin. Sorry kung may nagawa man akong mali. Pero wag naman ganito please? Nagmamakaawa ako sayo" para bang nanghina ang tuhod nito at napaluhod na lang sa sobrang sakit nararamdaman ng puso niya. He was indeed suffering.

❛Fall❜┇SB19's Stell✔️Место, где живут истории. Откройте их для себя