➴nine

1.9K 89 65
                                    

RACHELLE'S

"Ken naman eh! Ipatanggal mo na ako dun sa lista please!!!" Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Elle, hindi na nga pwede. Once na magpalista ka, hindi ka na pwede mag-back out" sabi niya. Napanguso naman ako. Nasa canteen kami ngayon. Hinila nila ako dito. Tinext ko na din si Railey na pumunta dito.

"Bakit kase hindi mo sinabing nandun yung Stell na yun?! Nakakainis ka naman eh!" Pagmamaktol ko. Kaming dalawa lang ni Ken yung nasa table dahil umorder si Josh kasama yung Stell na yun. Tapos yung dalawa niya pang kaibigan ay papunta na din.

"Chelle!" Napatingin ako ng tawagin ako ni Railey. Pinapunta ko siya at tinapik ang upuan sa tabi ko.

"Hi Kenji" bati ni Railey kay Ken.

"Uy! Musta?" Nagkwentuhan lang silang dalawa habang ako banas na banas pa din. Akala ko pa naman tahimik na yung buhay ko at di ko makikita yung taong yun! Nakakauraaaat!

"Ken!" Nakipag-apir naman siya dun sa mga dumating. Napatingin ako at hindi maiwasang mapangisi. Aba't kung sinuswerte ka nga naman. Tumangin ako kay Railey at ngumisi.

"We're here!" Sigaw ni Josh habang dala dala yung pagkain na pinabili namin ni Ken.

"Nga pala, Elle. Eto, mga kaibigan ko. Papanget nila diba? Ako lang gwapo"

Urur, mas gwapo nga si Josh sayo

Gusto ko sana sabihin yan kay Ken pero napatawa na lang ako ng batukan siya ni Josh.

"Kapal parin ng mukha mo!" Sigaw ni Josh. Yan, siraulo ka ah HAHAHAHA.

"Tsk! Gwapo naman talaga ako" napatingin lang ako kay Railey dahil ang tahimik niya. Pfft. Mukha siyang inosenteng bata ngayon.

"Hi! Ikaw pala yung pinsan ni Ken, kaya pala crush— ARAY STELL!" hindi natuloy yung sasabihin ni Justin dahil nakita kong siniko siya ni Stell. Paepal talaga 'to. Medyo kilala ko na rin si Justin dahil habulin talaga yan dito sa campus saka lagi ring kasama ni Stell dati.

"By the way, my name is John Paulo Nase. You can call me Sejun" sabi nito at itinaas ang kamay niya. Napangiti naman ako at inabot ito.

Ang cute naman pala ng crush nito ni Railey.

"Hi Sejun, this is my friend. She's Alyana Railey Santiago." Nakipag-shake hands naman siya. At ang bruha, ngiting tagumpay dahil nahawakan ang kamay ng crush niya. Tsk.

"Hi Railey! I'm Sejun" nakangiting bati ni Sejun na ikinangiti lang niya. Haroooot Railey! Napaka-harooot!

"Hoy po! My name is Justin Torres de Dios. Jah for short. Kasing short ni Josh" nagtawanan naman kami sa sinabi ni Jah. Tinignan naman siya ng masama ni Josh. Pfft. Ang cute.

"Talagang pati middle name sinama mo pa ah" natatawang sabi ni Sejun.

"Hi po, Ate Railey! I'm Justin!" Masayang sabi niya at nakipag-shake hands din kay Justin.

"Siguro kilala mo na ako hahaha. I'm Josh Cullen Santos. Sorry nga pala kung nagulat ka sa pag chat ko kagabi" natatawang sabi niya.

"Okay lang hahaha" Sabi ko at ngumiti.

"Oh, ikaw na" sabi ni Justin habang nakaharap kay Stell.

"Asuuuus. Kunwari tahimik" pang-aasar ni Ken sa kanya.

"Hi Rachelle. I'm Stellvester Ajero. Nice to meet you" Nice to meet you, nice to meet you. Parang di magkaklase simula High School.

Nakipag-shake hands naman ako pero nagulat ako nung namula siya. Ehh?

"NICE ONE BOI!" Sigaw ni Ken habang pinapalo palo pa yung table. Di ko rin alam kung bakit naging pinsan ko yan.

"Ako'y kinikilig~" pagkanta naman ni Sejun. Ang weird naman.

"Oyyy! Nagbibinata" sabi naman ni Josh.

"Baka manulis baba mo niyan" sabat pa ni Justin na ikinatawa nilang lahat. Napakunot na lang ako ng noo at agad na binawi ang kamay ko.

"Magpasalamat ka sa mga Yokai" sabi ni Ken.

"Ang bad mo, Jah. HAHAHAHA" Sabi ni Josh sabay palo sa braso nito.

Ang wi-weird nila. Tsk!


TO BE CONTINUED..

❛Fall❜┇SB19's Stell✔️Where stories live. Discover now