➴fifty

1.6K 83 8
                                    

THIRD PERSON'S

"Next contesntant, let's call on Mr. Blake Marquez!" nagsipalakpakan ang lahat ng tao.

"Goodluck Stell! Kaya mo yan!" Masayang sabi ni Railey. Nginitian na lamang siya ni Stell dahil hindi ito makapag-salita sa kaba.

"Bro, punta na kami dun. Tara na, Elle" sabi ni Ken pero umiling lang si Rachelle.

"Susunod ako. Mauna na kayo dun" nakangiting sabi nito kila Ken. Napangisi na lang si Railey at sinundan na sila Ken papalabas ng back stage.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya sa kanina pang nakatungo na si Stell. Napaangat naman ang tingin nito ng magsalita si Rachelle.

"Kanina ka pa tahimik" umupo ito sa tapat ni Stell habang nanatili ang tingin nito sa binata.

"W-wala. Okay lang ako, Leigh" napatawa ng mahina si Rachelle pero hindi parin kumbinsido sa sinabi ni Stell.

"Kilala na kita, Stellvester. Tell me what's wrong" sabi nito na may malambing na tono ng boses.

"Leigh, kinakabahan ako. Sobra. Paano kung pumiyok ako? Paano kung mawala ako sa tono. Nakakahiya tapos nandito pa sa campus natin. Taga-ibang school yun, sure ako mas magagaling sila sakin" napangiti ito. She finds him cute kapag ganitong kinakabahan siya.

"It's not about winning, Stellvester. Just show them what you practiced and show them what you've got. Diba nga sabi ko sayo na palagi akong maniniwala sayo? Lalo sa kakayahan mo. Masyado mong minamaliit 'yang sarili mo kahit pa ang galing galing mo kumanta. Isipin mo lang na walang nanonood sayo at just focus on the song" napatingin naman ang binata nang hawakan ni Rachelle ang kamay nito.

"Normal lang kabahan. But always remember na nandito lang kami para supportahan ka. Ako, naniniwala ako sayo, Stellvester" nakangiting sabi nito.

"Thank you, Leigh." Ngumiti naman ito sa binata at tinapik ang balikat nito.

“Let's call on our second contestant, Mr. Stell Ajero!" Pumunta na ito ng stage at nagmadali namang pumunta si Rachelle sa pwesto nila Ken.

"Ang tagal mo!" Bungad ni Railey nang umupo ito sa tabi niya.

"Sinamahan ko lang saglit si Stell" napangisi naman si Railey sa sinabi ni Rachelle.

"Masyado ka ng naiinlove dyan kay Stell ah" pang-aasar nito.

"Sira hindi. Kinakabahan daw kase siya eh" sabi nito habang nakatuon lang ang tingin nito sa stage kung saan nakatayo si Stell.

Nagsimula nang tumugtog ang kakantahin Stell pero patuloy parin sa pang-aasar si Railey sa kanya.

“Mula nang aking masilayan
Tinataglay mong kagandahan
'Di na maawat ang pusong sa'yo ay magmahal
Laman ka ng puso't isipan, 'di na kita maiiwasan
Pag-ibig ko sana ay pagbigyan” 

"Baka matunaw yan oy" natatawang sabi ni Railey.

"Baliw ka" sabi naman ni Rachelle.

"Oh, ayan ba ang tawag sa hindi naiinlove?" imbis na mainis ito ay napangiti na lamang siya

Bakit ba ikaw ang naiisip ko at 'di na mawala-wala pa?
Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba
Ayaw nang paawat ng aking damdamin, tunay na mahal ka na
Sana'y hayaan mong ibigin kita
Maghihintay pa rin at aasa

"Alam mo payo ko lang, wala namang masama kung aminin mo sa sarili mong mahal mo na si Stell. Tignan mo 'yang sarili mo, hindi ka na bugnutin. Tapos palagi ka pang nakangiti. Rachelle, supportado kita sa lahat kaya gusto kong aminin mo na sa sarili mo habang maaga pa" napaisip ito sa sinabi ni Railey

Talaga bang unti-unti niya nang kinakain lahat ng sinasabi niya? She promised herself na hinding hindi na siya magtitiwala sa sinumang lalaki bukod kay Ken pero para bang nabura ang lahat ng boundaries niya nang makilala niya si Stell

Masaya ka ba 'pag siya ang kasama
'Di mo na ba ako naaalala?
Mukha mo ay bakit 'di ko malimot-limot pa?
Laman ka ng puso't isipan
'Di na kita maiiwasan
Pag-ibig ko sana ay pagbigyan

All this time nakatuon lang siya sa pagiging playboy nito to the point na hindi niya makita lahat ng magagandang personalities nito

But then simula nang dumating si Cassandra, para bang nagbago ang ihip ng hangin. Simula din ng malaman nito ang naranasan ni Stell kay Cassanda nung sila pa, ibang kurot sa puso ang naramdaman niya.

Bakit ba ikaw ang naiisip ko at 'di na mawala-wala pa?
Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba
Ayaw nang paawat ng aking damdamin
Tunay na mahal ka na
Sana'y hayaan mong ibigin kita
Maghihintay pa rin at aasa

Para bang in just a blink of an eye, she wanted to protect him. She wanted him to feel that he is loved. Nagbago ang pananaw niya kay Stell when she get to know him more. Bukod sa malambing ito, masasabi niyang Stell has a lot of good personality kaya hindi maitatangging kahit sinong babae ay magkakagusto sa kanya.

Unti-unting bumilis ang tibok nito sa mga bagay na naiisip niya. At mas nakapagdagdag pa sa mga ito ay ang pagtitig ni Stell sa direksyon niya. Para bang tumalon ang puso nito sa saya nang makita niya ang kumikinang na ngiti nito.

Ibang iba sa ngiti niya kanina. Genuine at kasiyahan ang nakaguhit sa ngiting ito. Mas l

Sa pag-ibig mo na may nagmamay-ari na
Nais ko lang malaman mo na minamahal kita

Bakit ba ikaw ang naiisip ko at 'di na mawala-wala pa?
Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba
Ayaw nang paawat ng aking damdamin
Tunay na mahal ka na
Sana'y hayaan mong ibigin kita
Maghihintay pa rin at aasa

Talaga bang magpapatalo na lang siya sa thought na...

Unti-unti na siyang nahuhulog para kay Stell?

TO BE CONTINUED..

❛Fall❜┇SB19's Stell✔️Onde histórias criam vida. Descubra agora