➴seventy-three

1.5K 77 26
                                    

RACHELLE'S

Hindi ko rin alam kung anong nangyayare sakin. Hindi ko naman kase talaga iiwasan si Stell kaso hindi ko alaaaaamm! Naguguluhan na ako. Napaka-babaw ko naman! Naiinis ako sa sarili ko kase nasasaktan na pala si Stell dahil sakin. Hindi ko siya pinalayo pero ako naman 'tong lumalayo. Napaka-bobo lang?

Siguro tama nga si Railey na ang tanga tanga ko. Hindi ko din maintindihan yung sarili ko eh.

"Something's bothering you right?" nagulat naman ako nang makita ko si Ken. Nasa may veranda ako ng kwarto ko. Kanina pa ako nagiisip ng mga bagay bagay.

"Paano ka nakapasok?" Tanong ko sa kanya.

"I have my ways, Rachelle" mukhang seryoso talaga siya dahil buong first name ko na ang binanggit niya.

"Naiinis lang ako sa sarili ko" pag-open ko ng topic.

"Sinabi na sakin ni Railey. Iniiwasan mo daw si Stell. Tell me why" this time, hindi ako makapagsalita.

"Simula nung kagagahan mo ng nung isang araw iniiwasan mo siya. Rachelle, hindi sagot ang pag-iwas sa nararamdaman mo"

"I know, Ken. It's just that..." Nanatili lang siyang nakatingin sakin. Nahihiya akong sabihin sa kanya pero si Ken lang naman 'to eh.

"Feeling ko I am falling in love with him. Kahit anong pilit kong ideny sa sarili ko, I like him. Kahit anong sabihin ko, gusto ko na siya. Gustong gusto ko siya, Ken" hindi ko na mapigilan ang mga luha na kanina ko pa kino-control. Nalilito din ako eh. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

"Anong sinabi namin ni Railey sayo?" Nakangisi niyang sabi sakin but then napayuko na lang ako.

"Rachelle, naiintindihan ka namin pero bakit mo naman ginawa yun?" Naramdaman kong tumabi siya sakin at hinimas ang likod ko.

"Natatakot ako, Ken. What if masaktan ako? What if hindi naman pala talaga ako mahal ni Stell? Andaming tanong sa utak ko pero ni isa wala akong masagot" bumuntong-hininga siya bago sumagot.

"Ganyan ba kababa ang tingin mo kay Stell? Rachelle hindi porket pa-fall na tao si Stell, it doesn't mean na pinaglalaruan ka lang nung tao. And you know what? Sometimes, love is not all about happiness. Hindi sa lahat ng oras pag nagmahal ka, magiging masaya ka lang. Kung ganyan lang ang gusto mo, bakit ka pa magmamahal kung gusto mo lang laging sumaya?"

"At tandaan mo, love is sometimes about taking a risk. Paano mo malalaman yung side ni Stell kung takot kang sumugal? You are not a kid anymore, Rachelle. Alam mo na ang tama't mali. Umasa yung tao sayo, akala niya may progress na kayong dalawa pero dahil sa ginawa mo, pinaasa mo yung tao. Don't be afraid, Rachelle. Kapag nagmamahal ka, dapat matapang ka at handa kang masaktan" honestly speaking natamaan talaga ako sa sinabi ni Ken. Ginagawa ko ng tanga yung sarili ko.

"Thank you, Ken. You just made me realize a lot of things" ngumiti naman siya sakin at pinitik ang noo ko. Agad ko siyang tinignan ng masama pero tinawanan niya lang ulit ako.

"Halos tatlong taon ka ng crush nun"

"Bakit ako?" Tanong ko sa kanya.

"Alam mo siya dapat ang magkwento sayo" sabi niya.

"Salamat, Ken. Ang galing mo mag-advice, iba talaga epekto ni Shylie ano?" Natatawang sabi ko sa kanya

"Siraulo!" sigaw niya sakin. Natawa na lang kaming dalawa.

Siguro nga dapat akong mag-take risk ngayon. He already sacrifice enough kaya siguro oras na para ako naman ang umayos dito.

TO BE CONTINUED...

❛Fall❜┇SB19's Stell✔️Where stories live. Discover now