➴eight

2.1K 95 15
                                    

RACHELLE

"Dito mo na lang hintayin si Railey. Puntahan ko lang mga kaibigan ko" paalam sakin ni Ken. Tango lang ang isinagot ko sa kanya. Sus, wala ng bago. Lagi niya namang kasama mga kaibigan niya.

"Chelle!" Napalingon ako ng may saktong tumawag sa pangalan ko. Mabuti naman at nandyan na siya. Tsk!

"Listen everyone!" Napatigil lahat ng estudyante sa pagdaldal ng marinig naming magsalita ang Principal namin.

"Next week is our school fair. So hindi tayo nagklase today dahil we will let you decide what club you want to join. Everyone should join dahil plus points din yan. Understood?!" Napabuntong hininga naman ako. Haaays. Naalala ko yung chat ni Josh. Kinakabahan na ako.

"Lalim ng hinga ah. May problema?" Napatingin naman ako kay Railey nang tanungin niya ako.

"You know Josh right?"

"As in Josh Cullen?" Tumango naman ako.

"He chatted me kagabi. He wants me to join the Dance Club. I mean I really want to join the Dance Club. Nahihiya lang ako" kwento ko sa kanya.

"Omg, ang swerte mo girl! Talagang si Josh pa ang nagchat sayo!" Sabi niya naman at parang bulate na nilagyan ng asin.

"Heh! Icha-chat ka din ni Sejun. Wag ka magaalala" pabiro kong sabi with matching tapik pa sa balikat niya. Crush na crush niya kase yun si Sejun.

"Sana nga friend. By the way, ano namang problema? You want to join the Dance Club diba?" Tanong niya. Napabuntong hininga muli ako.

"Kinakabahan nga ako eh" sabi ko naman sa kanya. Nginitian niya lang ako at tinapik din ang balikat ko.

"I know you can do it, Chelle. Sus, halos lahat ata ng talent nasayo na. I know na makakapasok ka" sabi niya. Napangiti naman ako. Isa lang 'tong kaibigan ko pero sobrang swerte ko sa kanya.

"Thank you, Rai. Alam mo ilalakad na talaga kita kay Paulo para di ka na lonely" natatawa kong sabi. Kaso nahihiya naman ako mag-approach dahil hindi naman kami close.

"Heh! Nambola ka pa. By the way, i'll be joining the Rapping Club. Balita ko naman magkatabi lang yung Rooms so pwede mo kong tawagin dun pag may problema" tamo? Napaka-swerte ko talaga. Haaays.

"Lab na lab mo talaga si Sejun ano?" Natatawa kong sabi sa kanya. Sejun will be the leader of Rapping Club kaya naman sumali 'tong bruha na 'to.

"Ewan ko sayo! Passion ko kaya mag-rap" sabi niya at nag-cross arms.

Naglakad na kami palabas ng Gymnasium para hanapin yung booth na sasalihan namin.

"Rachelle!" Napatingin naman ako ng may unfamiliar na tao ang tumawag sakin.

"Omg girl! Si Josh yan!" Bulong sakin ni Railey habang kinikilig pa. Jusko.

"Hi Josh!" Bati ko sa kanya. Ngumiti naman siya. Gosh! Mas gwapo pala siya sa personal shocks!

"Let's go? Sasamahan na kita magpa-register" sabi niya sa akin kaya nagpaalam na din ako kay Railey.

"Thank you sa pagsama sakin ah?" Sabi ko sa kanya.

"HOY JOSH!" napatigil kaming dalawa ng may tumawag naman sa kanya. Aba.

"Ken?" Tanong ko.

"Oy, ikaw pala yan. Tara na pa-register na tayo" napatigil naman ako sa paglalakad. Teka, mukhang may hindi ako alam.

"Magkakilala kayo?" Tanong ko. Parehas naman silang tumawa. Aba! May nakakatawa ba sa tinanong ko?

"Hindi ko pa pala nakukwento sayo. 5 kaming magkakaibigan" sabi niya. At kung sinuswerte nga naman. Mukhang magiging close ko pa yung future crush ko hihi.

"Nga pala noks. Nasan si Stell?" Hindi ko naman narinig yung huling sinabi ni Josh dahil medyo binulong niya ito. Napangisi naman si Ken bago sumagot.

"May dinaanan lang sa Music Club pero susunod din yun" naalala ko bigla nung chinat ako nung Stell na yun. Mukhang dun siya nakabase. Buti na lang talaga at sa Dance Club ako inimbita nito ni Josh.

Nakakainis siya! Chat chat niya ako. Sure akong maiirita lang ako pag sumali ako ng Music Club. I mean I can sing pero ayoko sumali kung andun siya.

Nakarating na kami sa Booth para magpalista. Nauna sila Josh at Ken magpalista.

"Rachelle, ikaw na" nakangiting sabi ni Josh sakin. Mukhang di ko gusto yung ngiti niya.

Pumunta na ako dun sa table para maglista ng pangalan ko. Pagkatapos ay binigyan nila ako ng parang id. Yun ata yung ipapakita para mapatunayan na Dance Club yung sinalihan mo.

"Sorry I'm late" sabay pa kaming tatlo mapatingin nila Ken nang biglang may magsalita.

"Uy Stell, andito ka na pala. Palista ka na" tila ba napako ako sa kinatatayuan ko. Don't tell me...

"Hi Rachelle!" Nakangiting bati niya sakin.

NOOOOOO!

HINDI 'TO PWEDEEEEE!


TO BE CONTINUED..

❛Fall❜┇SB19's Stell✔️Where stories live. Discover now