➴fifty-seven

1.5K 82 53
                                    

STELL

"Kuya, okay na. Nabihisan ko na si Ate Rachelle" nakangiting bungad sa akin ni Steph kaya ginulo ko ulit ang buhok niya.

"Ang galing galing talaga ng kapatid ko. Oh siya, magpahinga ka na. Ako na bahala kay Ate Rachelle mo" ngumiti lang siya sa akin ng makahulugan. Napailing na lang ako bago isara ang pinto ng kwarto ko. Inilapag ko sa side table ang dala kong mainit na tubig at towel at tinitigan siya ng sandali

Ang cute cute niya matulog. Napangiti ako ng mapait. She's been my 3 years crush at hindi ko alam na may ganito siyang pinagdadaanan sa parents niya. I mean nahihiya naman akong magtanong kay Ken about her kaya mas pinili ko na lang na alamin ang informations about her ng sa sarili ko lang.

"Hmm" napangiti muli ako sa kanya. Gustong-gusto ko siyang tulungan pero paano?

Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya at binasa agad ang towel na dala ko. Inuna kong punasan ang mga braso niya.

"S-sino k-ka?" Nakanguso niyang tanong. Napatawa ako dahil sa itsura niya. Iba siya kapag nakakainom.

"Si Stell 'to" tugon ko sa kanya. Nakita kong bahagya siyang ngumiti.

"Ikaw yun? Hahahaha. Ikaw pala yung nagpahirap sakin?" Hindi ko alam kung masasaktan ako dahil sa narinig ko. Well, wala naman akong magagawa kung ayan ang tingin niya sakin eh.

"Yung babaerong nagpapahirap sakin" imbis na masaktan ako ay natawa na lang ako. So talaga palang babaero ang tingin niya sakin. No wonder she hates me. Pfft.

"Bakit naman ako nagpapahirap sayo?" Inosente kong tanong habang tatawa tawa. Ang cute niya talaga. Mukha siyang batang inagawan ng candy.

"Naiinis ako sayo kase bakit hindi kita kayang kamuhian? Bakit kahit na napaka-babaero mo noon hindi kita kayang matiis?" Automatikong bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Lasing lang yan, Stell.

"Nakakainis ka! Bakit ba kase ang cute cute mong nilalang ka?!" Seryoso, kinikilig na talaga ako sa pinagsasabi nito. Malapit na akong maniwala na naglalasing-lasingan lang siya pfft. Pero imposible naman ata yun.

"Ang galing galing mo pa kumanta. B-bakit mo sinasabing wala kang talent ha?! Gusto kong isigaw sa harap mong bukod sa gwapo ka, ang galing galing mo pang kumanta!" Sabi niya habang dinuduro pa ako. Pfft.

"Hoy Ajero! Pakyu ka pero crush kita. Inamo!" Hindi ko na napigilan at napatawa na talaga ako. Jusko, talaga bang ito ang iniisip ni Leigh sakin? Nagugustuhan ko eh HAHAHAHA.

"Wag ka na kasing malandi. Ako na lang landiin mo ksksssjwjsks" natatawa parin ako sa pinagsasabi niya. Pfft, ngayon ko lang nakita ang ibang side ni Rachelle.

"Pafall ka! Pafall ka! Di mo ba alam na sa sobrang pafall mo, may nahuhulog na din para sayo!"

"Oo na, ikaw na lang lalandiin ko" pabiro kong sabi pero seryoso talaga ako dun hihi.

"Crush kita" sabi niya pa at tuluyan ng nakatulog. Alam kong masama ang mang-take advantage pero may ipangba-blackmail na ako kay Leigh bukas pfft.

Pero on the serious side, kung alam niya lang din kung anong nararamdaman ko sa kanya. Gusto kong sabihin na, "The feeling is mutual, Leigh. Lika, jowain mo na ako" HAHAHAHA.

"Hay nako, Rachelle Leigh" nasabi ko na lang at umiling iling pa.

Nang matapos ko siyang punasan ay tatayo na sana ako para kunin yung maliit na lalagyan na may tubig at towel nagulat ako nang hablutin niya ang kamay ko at hinila ako paupo.

"H-hindi ka aalis!" Sabi niya pa. Nakaupo siya ngayon at pupungay-pungay ang mata niya.

Hindi ko alam pero napalunok ako nang makita ko siyang ngumiti.

"L-lei—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa ginawa niya

D-did s-she just... Kiss me?!

THIRD PERSON'S

"L-lei—" nanlaki ang mga mata ng binata sa pagkabigla niya sa ginawa ni Rachelle. His heart was pounding hard. Hindi ma-sink in sa utak niya ang nangyare.

Ilang minuto din ang lumipas at dahan-dahan na lang na napahiga si Rachelle at nakatulog. He was still sitting on his bed staring at Rachelle. Unknowingly, napahawak ito sa labi niya at napangiti.

TO BE CONTINUED...

❛Fall❜┇SB19's Stell✔️Where stories live. Discover now