➴sixty-seven

1.5K 78 37
                                    

THIRD PERSON'S

"STELLVESTER LUMABAS KA DYAN!" Sigaw ni Josh mula sa labas ng bahay nila Stell. Napailing na lamang ang lalaki bago bumaba para makita ang mga kaibigan niya.

"Ang iingay niyo!" Saway nito sa kanila.

"Lezzgow!" Excited na sabi ni Justin bago maunang pumasok sa kotse ni Stell. Naupo si Sejun sa tabi ni Stell habang si Josh at Justin naman ang nasa back seat.

"Oh kamusta?" Tanong ni Sejun nang makaandar na ang sinasakyan nila.

"Okay lang" nakangiting sabi ni Stell kahit pa ang totoo ay hindi talaga. He was still bothered about Rachelle. Para kase itong biglang nanlamig sa kanya simula nang malaman nito ang ginawa niya nung isang araw.

"Ang peke naman" patay malisyang sabi ni Justin habang nakasandal sa balikat ni Josh.

"Kanina ka pa sa gc Justin de Dios ah" napatawa na lang si Justin at dumila sa nakatatanda.

"Mind to share. Wala naman si Ken eh" sabi pa ni Josh.

"Hulaan ko, kay Rachelle 'no?" Hindi nakasagot si Stell ngunit nanatili ang mata nito sa daan.

"Tsk tsk tsk. Kung hindi kase family mo ang problema ay si Rachelle lang naman. So ano ngang meron bat nakabusangot ka?" Tanong muli ni Sejun.

"Naga-alala kase ako sa kanya. She became cold simula nung nalaman niya yung sa kiss. I swear, hindi naman sadya yun eh" nanggagalaiting sabi nito. Nagsitawanan naman ang dalawang nakatatanda na si Josh at Sejun.

"Alam mo nagtataka din talaga ako minsan sa inyo. Kung maka-harot kayo sa harap namin, may label kayo?" Deretsahang tanong ni Josh. Napatahimik lang si Stell dahil kahit naman siya ay hindi niya masagot iyon. He doesn't even know what she really feels about him.

"Oh baka naman masyado ka lang paranoid. Baka busy lang talaga si Rachelle" sabi pa ni Sejun.

"Naguguluhan ako sa kanya, honestly. Nalilito na ako kung talaga bang gusto niya ako o baka talagang ginagamit niya lang ako na pampalipas oras" malungkot na sabi ni Stell. By that thought, sobrang nasaktan siya. All this time, akala niya nagkakaroon ng progress ang lahat. He gets confused sa mga pinapakita ni Rachelle.

"Hindi naman siguro ganun si Ate Rachelle, kuya" sabat naman ni Justin.

"Why don't you ask her?" Dagdag naman nito.

"Ayokong pangunahan siya Jah. Saka isa pa, baka nga wala na talaga kaming pag-asa. Baka hanggang hate lang talaga yung nararamdaman niya sakin. Baka she was just longing for love as a family pero hindi niya talaga ako gusto"

-

They were walking at the mall's lobby. Kung si Sejun, Josh, at Justin ay masayang nagkukwentuhan, nananatili paring tahimik sa isang tabi si Stell at malalim ang iniisip.

"Kumain ka na, Stell" aya ni Josh sa kanya pero tinignan lang siya nito.

"Stell naman"

"Wala lang akong gana. Sige, kumain lang kayo" sabi ni Stell at ngumiti.

"Alam mo para kang baliw. Niyaya mo kami tapos ikaw 'tong hindi kakain" sabi ni Justin at halatang naga-alala para kay Stell.

"Wait guys, si Rachelle ba yun?" automatikong napatingin si Stell sa tinuro ni Sejun. Mas lalong bumagsak ang mukha nito nang makita ang dalaga.

Yes, it was Rachelle.

"Teka, sino yung niyakap niya? Boyfriend niya ba yun?" Tanong ni Justin habang nananatili ang mata nila sa direksyon na tinuro ni Justin

"Anak ng tokneneng, si Ken ba yun? Anong nangyayare?" Nakita pa nilang hinalikan ng lalaki si Rachelle sa pisngi.

"Gago 'to si Ken. Hindi man lang pinigilan yung lalaki" iiling iling na sabi ni Sejun.

"So all this time tina-traydor tayo ni Ken?" Naguguluhang tanong ni Justin.

Para bang may kung anong ibinagsak sa puso nito sa sobrang bigat ng pakiramdam niya. He was the one who suppose to make her fall pero bakit siya itong nahuhulog para sa dalaga? He tried to control his self. Huminga ito ng malalim at dali-daling tumayo.

"Stell!" Sigaw nila Justin but then hindi ito nag-abalang tumingin pabalik. Tuloy tuloy lang ito sa paglalakad habang sa makarating ito sa parking lot at pumasok sa kotse.

That time, he hated his self. Napasuntok ito sa manibela without knowing na trinaydor din siya ng luha niya.

"Bakit ba kase ako umaasang magustuhan niya rin ako? Ano namang laban ko sa iba" he tried to wipe his tears pero patuloy lang ito sa pagtulo.

"You are so stupid! Hindi ka nga gwapo, hindi ka rin magaling. Sino ka nga lang naman?" His voice was full of anger. Naiinis siya sa sarili niya. But then wala siyang pwedeng sisihin.

"Arghhh!" galit na sigaw niya sa sarili. Ilang sandali ay tumulo na lamang ang luha nito. He was very frustrated. Para bang gumuho lahat ng pag-asang nabuo sa puso niya after that scene

He started the engine of his car at pinaandar ang kotse niya palayo sa mall.


TO BE CONTINUED...

❛Fall❜┇SB19's Stell✔️Där berättelser lever. Upptäck nu