➴twenty-three

1.6K 86 15
                                    

RACHELLE

"Rai, di ka ba sasabay mag-lunch?" Tanong ko. Pinuntahan ko na si Railey sa room nila kase tapos na rin naman kami sa practice.

"Di pa kami tapos, Chelle. Mauna ka na lang. Sorry" ngumiti lang ako at nagpaalam na lang sa kanya. Well, i guess mag-isa akong kakain ngayon.

"Guys, narinig niyo ba yung bagong transferee? Chix daw pre" so? Totoo yung sinasabi sakin ni Railey na may bago ngang student.

"Oo at balita ko pa na sasali daw ng Dance Club" wow. Magaling talaga siguro sumayaw yung bago. Malamang Rachelle, sasali ba yan kung hindi marunong?

Napailing na lang ako at nag-hanap ng mauupuan. Bumili muna ako ng makakain ko bago umupo  sa table na nakita ko.

"Hi! Uupo na ako ah" napaangat ang tingin ko ng biglang may mag-salita sa harap ko. At kung suswertihin ka nga naman.

"Hindi pwede!" Sabi ko pa. Pero dinilaan niya lang ako at nilapag ang tray na dala niya.

"Di ako nagpapaalam so basically, uupo ako" sabi niya at saka humalakhak. Para siyang tanga.

"So, asan si Railey?" Tanong niya. Inis ko siyang tinignan. Di ba nito ramdam na ayaw ko siyang kausap?

"Pwede ba, Stell? Tumahimik ka?" Inis kong sabi sa kanya. Nakakairita talaga siya. Naiinis ako pag malapit siya sa akin. Nakakainis!

"Eh pano pag ayoko?"

THIRD PERSON'S

"Eh pano pag ayoko?" Nang-aasar na wika ni Stell kay Rachelle.

Sa kabilang banda, may isang taong nakatingin ng masama sa kanila. Tila ba hindi niya nagugustuhan ang nakikita niya. Ngumisi ito at lumapit sa table nila Stell

"Hi? Pwede bang maki-upo dito?" Nakangiti niyang tanong. Napasimangot naman si Stell nang makita kung sino ang nais na sumama sa kanila.

"Su—" sasagot na sana si Rachelle nang ngumisi si Stell at tumayo.

"Sayo na 'tong table. Aalis na kami" aangal pa sana si Rachelle pero nahila siya agad ng binata.

"Aray ko Stell! Masakit!" Reklamo nito at pilit kumakawala sa pagkakahawak sa kanya ni Stell.

"Ano bang problema mo?! Para kang tanga" sunod sunod na bira ng dalaga nang mabitawan na siya ng binata. Hindi nagsalita si Stell at patuloy lang sa paglalakad.

Nakarating sila sa Soccer Field ng school nila. Ngunit nag-iinit parin ang dugo ni Rachelle dahil sa ginawa ng binata.

"Ano bang problema mo ha?!" Sigaw nito kay Stell. Bakas na bakas ang galit nito. Una ay ayaw niya talaga kay Stell at pangalawa ang ginawa niya sa babaeng gusto lang maki-upo sa table nila.

"Sumagot ka! Alam mo para ka talagang tanga!" Inis na sigaw ni Rachelle. Napayuko lang ang binata. Nanlambot ang tingin nito at naisantabi ang inis nito nang makitang yumuko ito.

"She's my ex, Rachelle. I'm sorry if I acted that way" this time, hindi makapag-salita ang dalaga. Nanatili lang siyang nakatingin na para bang unti-unti na siyang binabagabag ng konsensya niya.

"Pinagpalit niya ako because she said that im not handsome enough for her. She said na im not enough. Pinagpalit niya ako and you don't know how much painful it is for me. I gave her all she wants, I gave her all attention yet im still not enough" bakas ang hinanakit sa boses ni Stell. Right at this moment, mas lalong nakonsensya ang dalaga.

"Kaya sinabi ko sa sarili kong ayoko nang makausap at magkaroon ng connection pa sa kanya. Im sorry kung nadamay ka sa galit ko" he said at napaupo na lang sa field bleachers.

"I-im sorry" kusa na lang nasabi ng dalaga maybe because of much guilt.

"It's okay. I moved on. Isa pa, may naguhustuhan na akong iba" sabi nito at nakangiting inangat ang tingin nito na dahilan para magtama ang mata nilang dalawa.

His eyes wanted to say something more. Pero he thought na baka this is not the right time for it. He'll just find another time. The right time for him to tell how he feels about her.


TO BE CONTINUED..

❛Fall❜┇SB19's Stell✔️Where stories live. Discover now