➴thirty-one

1.7K 86 14
                                    

THIRD PERSON'S

"Okay na ba pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni Stell sa dalaga.

"M-medyo, pero masakit parin yung noo at likod ko" tugon niya. Napatingin siya kay Stell at nakitang malungkot ang mga mata nito.

"Para kang baliw. Ang lungkot ng mukha mo. Ang panget mo na tuloy" biro ni Rachelle. Mahinang napatawa si Stell ngunit nanatili ang lungkot sa mga mata nito.

"Rachelle, I'm sorry" napatigil sa pagtawa si Rachelle nang marinig ang seryosong boses ni Stell.

"Para saan?" Nagtatakang tanong nito.

"This is my fault. Im sorry in behalf of Cassandra. Hindi kita naipangtanggol sa kanya kaya nadisgrasya ka" malungkot na sabi nito. Imbis na mainis ito sa nangyari ay parang nanlambot ang puso nito para sa binata.

"Hey, don't be sorry. Hindi mo kasalanan okay? No one wanted this to happen" sabi nito at ngumiti para maipakita kay Stell na okay lang siya.

Honestly, she doesn't know kung saan nanggagaling yung mga pinagsasabi niya. She really pity Stell on how his ex dumped him. And she really hates it.

"But still sorry parin, Leigh. Kakausapin ko sa Cassie" ngumiti lang ito sa kanya.

"Here's the first aid, Mr. Ajero. Are you sure na kaya mong gamutin si Rachelle? I'll help you" tanong nito kay Stell ngunit ngumiti lang ito bago magsalita.

"I can handle it, Ate. Ako pong bahala kay Rachelle" nakangiting sabi nito sa nurse. Ngumiti pabalik ang nurse at iniwan na ang dalawa.

"Anong eksena mo?" Natatawang biro muli ni Rachelle.

"Ako na gagamot sayo. Since kasalanan ko naman kung bakit ka nagka-ganyan" she chuckled once again.

"Ang kulit talaga ng lahi mo. Wala ka ngang kasalanan. It's okay, Stell. I promise" nakangiting sabi nito sa binata. Napabuntong hininga si Stell at ngumiti na lang din pabalik.

"Pero ako parin gagamot niyan para makabawi ako sayo" napailing na lang ang dalaga at sinubukan tumayo. Inilapag ni Stell ang first aid kit sa upuan nito at inalalayang makatayo si Rachelle.

"Careful" sabi nito habang hawak hawak ang likod nito.

Umupo ito sa harap ng dalaga nang maka-upo ito at sinimulang maglagay ng betadine sa cotton buds. Dahan dahan nitong inilapat cotton buds na may betadine sa sugat nito sa noo.

"Ouch, dahan dahan please" sabi nito habang nakangiwi. Hindi mapigilan ng binata ang mapangiti. Ngayon, sa ikalawang pagkakataon nakita niya na naman ng malapitan ang mukha ng dalaga.

"Hoy, bakit ka naka-ngiti dyan?" Naka-ngusong tanong nito.

"Ako? Hindi ah?" deny nito kahit pa na nakangiti na ito.

"Anong tawag mo dyan?!" Masungit na turo nito sa labi ni Stell.

"Bakit? Masama bang ngumiti? Eh sa ang ganda mo eh" nanlaki ang mata nito na ikinatawa naman ni Stell. Umiwas ito ng tingin at kunwaring umubo.

"Parang tanga" masungit na sabi nito. Napailing si Stell habang nakangiti parin.

"Ganyan ka siguro sa mga babae mo" dagdag pa ni Rachelle at nanatiling nakaiwas ang tingin nito sa lalaki.

"Eh bat ganyan ka mag-react? Nagseselos ka 'no?" Biro ni Stell.

"Nagseselos? Sino? Ako? Kapal mo!" Mas lalong napalakas ang tawa ni Stell sa reaksyon ng dalaga.

"Eh bat ganyan ka nga mag-react?" Tanong ulit nito na medyo ikinainis na ni Rachelle.

"Bakit? Masama bang ganito ako mag-react?" Tanong ng dalaga at inirapan si Stell.

"Sa lahat ng sinabihan ko ng maganda, ikaw ang pinaka-maganda sa kanilang lahat" napatingin ito sa binata at nakitang ginagamot parin nito ang sugat niya. Nang makita naman ng binatang nakatitig ang dalaga sa kanya ay tumigil ito at seryosong tinignan sa mata si Rachelle.

"At 'yang sinabi ko ngayon? Hindi ko sinabi sa sino mang babae pwera sayo" gustong iiwas ng dalaga ang mata niya pero para bang may parte sa kanya na gusto lang tignan ang maaamong mata nito.

Nagsimulang tumibok ang puso nito.

"Teka nga, may itatanong ako sayo" bumalik sa realidad ang lahat ng mag-salita muli si Stell.

"A-ano yun?" Tanong ni Rachelle.

"Why are you being so nice to me? I mean hindi mo ako inaaway ngayon" natatawang tanong ni Stell. Napayuko ang dalaga. Sa totoo lang ay siguro na rin nung malaman niya ang pinagdaanan nito kay Cassandra.

"I-it's just that naaawa ako sayo. Other girls shouldn't do that to you dahil lang hindi ka gwapo. I mean look at you, you are more than enough. Gwapo ka, mabait ka, maaalalahanin ka. Hindi tama yung ginawa nung hinayupak mong Ex" galit na sabi nito. Napangisi naman ang binata sa narinig.

"Did you just complimented me?" Nakangising tanong nito at inilapit ng bahagya ang mukha nito.

"H-huh? A-ako? D-did I?" Nagsimulang mamula ang mukha nito.

She was mentally cursing herself sa sinabi niya. Masyado siyang nadala sa nangyari.

"I-I mean—" lumayo si Stell sabay himagalpak ng tawa.

"No need to deny, Leigh. By the way, thank you for that" sabi nito sabay kindat.

"W-wala ka bang klase? B-baka late ka na" nauutal na sabi nito habang nakatingin sa ibang direksyon.

"It's 9:00, Leigh. I skipped classes para masamahan ka" once again, nagwala na naman ang puso nito sa sinabi ng lalaki.


TO BE CONTINUED..

❛Fall❜┇SB19's Stell✔️Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ