➴thirty

1.6K 87 54
                                    

RACHELLE

Hindi kami sabay pumasok ni Railey ngayon. Myghad, hindi ko parin maiwasang isipin yung gagawin ng bruhang yun. Jusmiyo ka, Stellvester bakit ba kase ako pa napiling guluhin nun!?

Kunwari lang akong matapang pero kahit papaano ay kinakabahan parin ako sa pwede niyang gawin sakin.

Umiling na lang ako at ipinagsa-walang bahala ito. Nagpunta ako sa locker room para sana kuhanin yung mga libro na naka-sched ngayon. Malapit na din pala yung fair at medyo kinakabahan ako dahil baka magkamali ako sa sasayawin namin.

"Well, well, well" napatingin ako sa likod ko ng makarinig ako ng hipon na nagsalita sa likod ko.

"Look who's here" nakangisi niyang sabi sakin. At itong bruha na 'to nagdala pa ng dalawang alipores. Halatang hindi ko kaya ng mag-isa lang siya.

"Ano na naman bang kailangan mo?" Mataray kong tanong sa pusit na 'to. Taena, pangisi-ngisi pa siya kala niya ba kinatotoo ng kilay niya yun? Nakakagigil.

"I told you na layuan mo si Stell diba?" Nakataas ang kilay na wika niya. Akala mo naman totoo yung kilay tss.

"Bakit ba napaka-kulit mo ha? Sinabi ng ayoko diba? Saka nati-trigger ka ba sakin kase ako yung mas nilalapitan ni Stell kesa sayo? Hindi ko na kasalanan yun" sabi ko sa kanya. Ngumisi lang siya. Ang panget niya talaga.

"I'm Cassandra Andres, at hindi mo alam kung anong kaya kong gawin sayo" nakangisi niyang wika sakin. As if naman kaya niya akong mapatay ngayon.

"Sino bang nagtatanong ng pangalan mo?" Palaban kong wika din sa kanya. Kahit pa kinakabahan ako, hinding hindi ako magpapatalo sa kanya. Totoo kaya 'tong kilay ko dzuh.

"Ang lakas ng loob mong malandi ka!" Halata sa mukha niyang inis na inis na siya. Well, hindi niya kilala kung sinong binangga niya.

"Calling yourself? Coming from you na iniwan si Stell dahil lang hindi siya gwapo" this time hindi siya nakapag-salita.

"Pinatunayan mo lang na mata yung tumitibok sayo. I mean Stell is a handsome guy and I can't deny that. Tapos ngayong naka-move on na siya, babalik ka? Lakas din ng amats mo ano?" Nakangisi kong sabi. Gusto kong matawa dahil mukha siyang mangangain ng buhay na tao. So scary HAHAHAHA.

"Ang kapal ng mukha mo! Malandi ka!" Sabi niya at saka hinila ang buhok ko. Shocks, iba talaga manabunot ang mga pusit nakakalokaaa!

"Don't touch me! Ikaw ang malandi dito! At mas makapal 'yang make up mong sugurin ako dahil triggered ka sakin!" Sabi ko at tinulak siya. Napasandal siya sa mga lockers pero hindi ganun ka-lakas yung pagkakabagsak niya.

Nakita kong mas nanlisik yung mga mata niya. Shocks.

"Girls, hawakan niyo yan!" Pipiglas na sana ako nang hablutin nung dalawang sidekicks niya yung braso ko. Ngumisi muna siya bago ako sinipa sa sikmura. Shocks! Ang sakit ng takong niya!

Napangiwi ako sa sobrang lakas ng pagkakasipa niya kaya nakita kong napangiti siya. Ang panget niya pa din. Binitawan ako nung dalawang sidekicks niya at saka ako sinipa ng mas malakas pa na sanhi para tumama ang likod ko sa lockers. Potaaa! Ang sakit talaga.

Napaupo na lang ako sa sobrang sakit ng sikmura ko. Pagbabayaran niya talaga 'to. Mahigpit niyang hinablot ang pisngi ko at sinampal ako ng sobrang lakas. Wtf, halimaw ata 'to. Ang sakit manampal amp.

"Yan ang napapala ng mga malalanding katulad mo" nakangisi niyang wika sakin.

"Wag mo sabi akong tawagin nun dahil ikaw 'tong malandi sating dalawa!" Sabi ko sabay sinampal din siya ng sobrang lakas. Tangna niya ba? Napaiyak ko kaya si Railey dahil daw sobrang bigat daw ng kamay ko pag nananampal ako.

Napaharap siya sakin habang nakanganga at hawak hawak ang pisngi niya.

"How dare you?!" Sabi niya at sinuntok ang noo ko. Focc.

"CASSANDRA! WHAT THE HELL ARE YOU DOING?!" Umupo naman siya at hinawakan ang pisngi niya at saka nagkunwaring umiiyak.

"S-stell, sinampal niya ako. Nakita mo ba yun?" Paawa niyang sabi habang ako hawak hawak ko yung sinuntok niyang noo ko. Take note, may sing sing pa siya. Shocks, sobrang sakit na ng katawan ko.

"PINAGMUMUKHA MO NA NAMAN AKONG TANGA! SINABI KO NA SAYO DIBA?! WALA NA TAYONG DAPAT NA PAG-USAPAN!" sinilip ko si Stell at medyo nagulantang ako. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito ka-galit. Kase usually naka-ngiti siya palagi.

"I-I'm sorry, Stell. Malandi kase 'yang babaeng yan" gusto ko na siyang sampalin sa tuwing sasabihin niyang malandi ako. Ang kapal din ng libag nito eh.

"Makita lang ulit kitang sinasaktan mo si Leigh, kahit babae ka pa hindi ako magdadalawang isip na patulan ka" hindi ko alam kung matatakot ako o matutuwa dahil nakakatakot pala magalit 'to si Stell. Geez

"Stell.."

"Umalis na kayo sa harap ko ngayon at baka kung ano pang magawa ko sa inyo" nagpipigil na sabi ni Stell kaya nagsitakbuhan naman yung tatlo.

Buti nga.

"Are you okay?" Tinignan ko lang ulit siya at kumalma na yung reaksyon ng mukha niya. Tumango lang ako habang hawak hawak parin yung noo ko.

"Patingin nga" hindi ko pa sana ipapakita sa kanya yung noo ko pero naisip ko na naman yung mukha niya nung nagalit siya kanina.

"Shet! Halika. Dadalhin kita sa clinic" sabi niya at binuhat ako.

"H-hoy!" Sabi ko pa sa kanya. Pero hindi niya ako pinansin at patakbong pumunta sa clinic.

Hindi ko alam kung anong nasa isip ko pero napatitig ako sa kanya. Naka-salamin siya ngayon and I really hate to admit it pero bagay sa kanya.

Gwapo siya

TO BE CONTINUED..

❛Fall❜┇SB19's Stell✔️Where stories live. Discover now