STORY TWENTY EIGHT

63 3 0
                                    

~~~~~♥~~~~~

"Hindi ko inaakalang mabubuhay ka,Francisco." nakangising sabi niya saakin habang pinupunasan ang baril niya.

"Hindi ko din inaakalang hindi ka susunod sa usapan, M--" di ko natapos ang sasabihin ko nang itutok niya saakin ang baril.

"Natatakot ka bang may makarinig nang pangalan mo?" sabi ko nang-aasar pa.

Lumapit ako sakanya.

"May respeto ako sayo pero muntik mo nang kitilin ang buhay ko." sabi ko at pumunta sa likod niya, hinawakan ko ang dalawa niyang balikat at bumulong.

"Sa oras na hindi ka pa sumunod sa napag-usapan, di rin ako susunod sa usapang pinangako ko." pananakot ko.

"Alam mo ang mangyayari kapag ginawa mo iyan Khurshanne." sabi niya na nagpahalakhak saakin.

"Ano ba ang mangyayari?" sabi ko sakanya at umalis sa likuran niya.

Humarap ako at napangisi nang makita kong galit na siya.

"Mamamatay siya." napataas ang kilay ko sa sinabi niya at nangatog ang binti pero di ko ito pinakita sakanya.

Katangahan ang ipakita sa kalaban ang kahinaan dahil matatalo ka nang walang kaalam-alam.

"Sinong siya?" laban ko dahil alam kong di niya kayang banggitin ang pangalan nito.

"S-Si R-Ryukia." putol putol niyang sabi.

Napangisi ako at muling lumapit sa kanya. Itinaas ko ang mask niya at binaba ang salamin niya.

"Umalis kana kawawa ka naman at masisira ang plano mo dahil parating na ang ----" di ko natapos ang sinasabi ko nang sampalin niya ako.

Pagkatapos niyang gawin iyon at nakarinig nang mga yapak ay agad siyang tumakbo.

Mahina siya.

Napaupo ako at napahawak sa dibdib.

Kahit ako nanghina sa sinabi niyang papatayin niya ang kaibigan ko.

Hindi ako isang bayani para isakripisiyo ang buhay para sakanya. Pero di din ako isang huwad para pabayaan siyang mamatay nang dahil sa kasalanan ko.

A/N:Maikli lang ito dahil inaantok pako HAHA

Another clue:

Sin.

Thanks for reading my Espèrer♡♡

Behind Of My Successful Life|✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon