STORY SEVEN

103 7 0
                                    

~~~~~~~~~~~♥~~~~~~~~~~~

Ilang beses kaming namasyal ni Ryukia naging masaya kami para bang magkapatid na talaga hanggang sa......

Ngayon..

Ngayon ko lang nakita ang magulang niya oo magkaibigan kami pero ang makita ang magulang niya sa personal nakakamangha masasabi kong mayaman talaga sila.Sofisticated.Yan ang salitang makakahalimbawa sa nanay niya pero kita mo ang pagkajolly nito.

Ngayon ko lang din nalaman na patay na pala ang tatay niya.

Napaka dami ko palang hindi pa alam sa kaibigan ko.

Kaya naisipan namin na pagtapos namin sa nanay niya ay kikilalanin nanamin ang isa't isa.

"Khurshanne, kamusta naman si Ryukia maging kaibigan?mabait ba ang anak ko?" nakangiting tanong niya saakin. Gusto ko sanang sabihing hindi pero nang tignan ko si Ryukia nakayuko lang siya habang kumakain. Ano nanaman kayang problema nito?

"Opo hehehe" nahihiyang sagot ko

"Kung ganoon kaya pala napakagaan ng loob ko sayo." nakangiting salaysay niya habang pinagmamasdan ako.

Hobby ba nito ngumiti?HHAHAHAHA

"Bakit po?"nagtatakang tanong ko kahit ako nagtataka narin dahil sakanya

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Paano ba naman ikaw lang ang nagtagal dito sa anak ko biro mo iyon pagkatapos siyang lokohin ng kaibigan niya noon nakahanap na-" hindi na natapos ni tita ang sasabihin niya ng biglang...

"Hi titaaaaaa!!!!"nagulat ako nang makarinig ako ng sigaw mula sa labas ng coffee shop.

Nagulat ako nang biglang tumayo si Ryu na galit at bigla akong hinila..

~♥~

Hinihingal kaming nagpahinga mula sa pagtakbo at sabay na tumawa.

Pero bago ko malimutan.

"Ryukia bakit tayo tumakbo?Bakit pagkakita mo doon sa babae nagalit ka?At sinong nanloko sayo diba yung nerd lang naman sa school?At diba di naman yun alam ni tita?Naguguluhan na kase ako hehe."

Napatahimik siya.

Para kaming nasa shoot ng "A Quiet Place" ng dahil sa matinding katahimikan.

Kaya tinignan ko ang paligid baka may alien na kumuha saamin kapag nag ingay kami hehe.

"Anong hinahanap mo?"tanong niya na nakasalubong ang dalawang kilay.

"Hinahanap ko lang yung alien hehe" sagot ko naman .

Himala at di niya ako sinermunan pero bakit naiba usapan?

"Pero seryoso bakit Ryukia?" kita ko ang gulat sa mata niya ng bigla akong sumeryoso

Para lang kasing hindi ko siya masyadong kilala at natatakot ako sa bagay na iyon.



Behind Of My Successful Life|✅Onde as histórias ganham vida. Descobre agora