STORY TWENTY FOUR

59 4 0
                                    

~~~~~♥~~~~~

Habang inaayos ni Katie ang camera niya ay nagkatitigan naman kami ni Ryukia naguguluhan sa kinikilos nang dalawa.

Nang tinignan ko naman si Sol ay nakita ko ang lungkot sa mga mata niya habang nililigpit ang mga gamit niya.

Napakunot ang noo ko lubusan na talagang naguguluhan.

Noong tuluyan nang naayos ni Katie ang camera niya ay pinwesto na niya ito saamin ni Ryukia.

Sa paghawak nang maliit niyang kamay sa malaking kamera ay sadyang nagpahanga saaken.

Ang pagpwesto nito sa harap namin ay para siyang isang propesyonal na mangunguha nang litrato.

Napangiti akong pagmasdan ang dalawa, bata palang ay marunong na sila at naagapan na ang kakayahan nila.

Dapat pala sinabihan ko si Sister noong bata ako na araw araw kaming magvideoke edi sana naagapan ko den ang pagkanta ko, araw araw nga lang may bagyo.

Napatawa ako sa kabaliwan na naisip pero saglit lang iyon nang bigla akong batukan ni Ryukia. Itong pinya na ito onti nalang papatulan kona. Pigilan niyo ko!

Tinaasan naman niya ako nang kilay kaya napalunok nalang ako at napairap.

Nang lumingon ako sa dalawa, nakatingin sila sa isat isa masama ang tingin ni Sol kay Katie habang si Katie naman ay nangingiti ngiti lang tila nang aasar.

Epal tong dalawang to! Andame nang scene sa kwento ko di maghintay nang sakanila!

Napahagikgik nanaman ako sa katarantaduhang naisip pero saglit lang nang bigla akong kurutin ni Ryukia sa may bewang.

Tinignan ko siya nang masama kasi masakit. Napakaliit nang kurot. Huhu.

Di ko nalang siya pinansin at umubo na para magsalita. Seryoso muna tayo ngayon. Pero bago pa man ako magseryoso nakita ko na ang pagkunot nang noo ni Sol kaya naman ay napahalagapak na ako sa pagtawa dahil ang pangit niya.Just being honest bruh!

Alam kong nakatingin na nang masama ang dalawang kasama ko habang si Katie naman ay nakangiti saakin.

Iwan ko kaya ang dalawang babaeng to at umuwi na tignan ko lang kung may pamasahe sila. Halos tatlong araw o dalawa narin kami dito. Hindi parin nalalaman ni Sol bakit nga ba kami nandito.

Hayss bahala na nga.

Ayoko naden dito baka makita ko nanaman siya.Huhu.

Napaayos nako nang tayo at tumingin nang seryoso sa kanila.

"Simulan na natin to dahil nagugutom na ako. Mamaya na kayo magtitigan diyan mainlove pa kayo sa isa't isa. Oopss bawal 'yon pareho kayong babae at bata pa kayo." mariin kong sambit sakanila.

Tinignan naman ako nang masama nang dalawang bata at nabatukan nanaman ni Ryukia.

"Ano ba seryoso ako!" sigaw ko sakanila.

"Simulan na nga" nangigigil na sagot ko dahil nahihilo talaga ako day ilang beses ka banamang batukan.

Kita ko ang pagkagulat sa mata ni Sol ngayon lang ba niya ako nakitang sumigaw parang hindi naman. Arte!

Inayos na ni Katie ulit at ishshot na sana nang magsalita nanaman ang pinya sa tabi ko.

"Talikod."sambit niya na akala mo boss di naman kaya di ko sinunod dzuh!

"Tatalikod ka o di kita papakainin mamaya?" tanong niya. Pero di parin ako kumilos para sundin siya. Ano siya chicks? Charot!

Dahil siguro nakutuban niya na di ko siya susundin ay naglakad siya paalis. Hahakbang pa ulit sana siya nang magsalita ako laban sakanya.

"Humakbang ka pa at maiiwan kang mag-isa." sabi ko sakanya.

Napangiti nalang ako nang humarap siya saakin pero nawala yun nang tumakbo siya palapit sa pinaroroonan ko.

"Oh-oww" sabi nang dalawa nang aasar pa toktokan ko tong dalawa ei.

Tumakbo naman ako para di niya maabutan. Dahil alam kong kukurutin nanaman ako nito!

Pero nagulat ako nang humarang ang dalawang bibwit sa harap ko dahilan para sa paglingon ko ay nasa harap ko na si Ryukia.

"Tatalikod nako. Tatalikod na" sabi ko nagmamakaawa.

"Promise?" nanunuyang sabi niya.

"Promis-ahhhhh" diko nalinaw ang sinasabi ko nang kurutin niya ako sa bewang, lola ko ba ito?

Tinignan ko siya at umamba pero nang ipagdikit niya ang thumb and point finger niya na pangkurot ay nagkunware akong nag aayos nang buhok.

"Takot naman pala" sabi ni Sol kaya pasimple kong hinila ang buhok niya nabg malakas. Gaga'ng bata to!

Agd na akong umalis doon sa pwesto at bumelat sakanya at pinalopalo pa ang pwet

Napangiti nalang ako nang makita ang galit sa mata niya. Pinagdikit niya ang mga ngipin niya na nagpapakita nang matinding paggigil na nagpatawa saaken.

A/N:

O to the M to the G mga readerss kooo, nays kala mo naman talaga may readers.

Anyways ako'y lubos na nagpapasalamat sa suportang taglay na inyong inihahandog para sa kwentong ito sapagkat OMG #2 tayo sa tag na Secretrevealed omg guys I love you so much tatlong araw akong mag-u-ud muna di muna ako magbabasa sapagkat mawawalan na ako ng load:<

Wag kayong mag alala dahil magsisimula na ang pagpasok nang misteryosong sikreto sa kwentong ito. BWAHAHHAAHAH

THANK YOU AGAIN FOR MAKING MY STORY NO.2! LOVE Y'ALL!♡♡

Ps: if meron kayong idea pakicomment please wala lang trip ko lang malay niyo mahulaan niyo nyenye HAHAHA kung ayaw mo edi wag hmp:(

Behind Of My Successful Life|✅Où les histoires vivent. Découvrez maintenant