STORY FOURTEEN

64 5 0
                                    

~~~~~♥~~~~~

Noong tapos nang makaligo si Sol ay binigay ko na sakanya ang hinanda kong damit para sakanya.

Kailangan na naming bilisan dahil Ala-syete na nang umaga at Alas-otso ang alis ng bus.

Nakapag-paalam na din si Ryukia kay Sister para hindi mag-alala kung nasaan kami, pi aliwanag din ni Ryukia ang pinaplano namen.

Noong natapos na si Sol sa pagbibihis ay inayos na ni Ryukia ang mga dadalhin samantala ako naman ay inayos na ang ragalo ni Sol mula saaken.

Kinuha ko ang regalong pinabalot ko na sa Store kanina. Nilagay ko iyon sa malaki kong bag.

Noong tuluyan nang natapos ang mga aasikasuhin nagpaalam na kaming tatlo kay Sister.

Nandito na kami ngayon sa bus at nakapila upang makasakay na, nilabas ko na ren ang tatlong ticket na binili ko kanina.

"Saan tayo pupunta ate?" tanong saaken ni Sol.

Ngumiti lamang ako sakanya at kinarga muna siya para hindi humarang sa daan.

Nang tuluyan na kaming nakasok sa bus ay pumwesto kami sa pinakadulo ng bus upang magkatabi tabi kaming tatlo.

Tumingin ako kay Ryukia noong nakitakong di siya mapakale sa inuupuan niya. Nawala sa isipan kong unang beses niya nga pala rito.

Nawala ang pagtitig ko sakanya nang bigla akong kinalabit ni Sol. "Ate palit tayo gusto ko pong makita ang daanan." wika niya saaken.

Wala naman na akong nagawa kundi ang magpalet kami ng pwesto.

Natatakot lang ako at baka ay sumuka siya kaya binigyan ko siya ng isang Mentos.

Noong tumingin ulit ako kay Ryukia nanlaki ang mata ko nang makita siyang nakahawak sa bibig niya.

Napalunok ako at kinabahan ng magsalita siya,"Nasusuka ako." sambit niya na tila nahihirapan kakaandar lang ng bus nasusuka na siya?

Nagulat ako ng kinalabit ako ni Sol kaya agaran akong lumingon sa kanya. Binigyan niya ako ng isang supot ng plastik kaya agad ko itong binigay kay Ryukia.

Napapikit nalang ako nang marinig ang suka niya. Dahan dahan akong lumingo sakanya at nakitang tapos na siya. Tinali niya ang supot ng pinagsukahan niya at nilagay ito sa isa pang supot.

Kita kong nasusuka pa siya kaya kumuha muli ako ng isa pang mentos mula sa bulsa.

Napahinga ako ng maluwag nang medyo umokay na ang pakiramdam niya.

Hinawakan ko ang balikat niya at nilagay ang ulo niya sa balikat ko,ilang sandali lamang ay nakatulog din siya.

Matutulog na sana ako nang bigla akong kinalabit ni Sol. Hobby ba nito ang mangalabit?

Wala akong nagawa kundi ang lingonin siya.

Nang tignan ko siya nagulat ako nang papikit pikit na siya. Napangiti nalang ako at maingat na nilagay ang ulo niya sa binti ko.

Sana. Sana ligtas ang pagpunta namin sa bayan kung saan siya unang nasilayan.

A/N:

Hey watsupp HAHAHAHA nais ko lamang magpasalamat dahil almost 200 na ang reads nang story na ito HAHAHA.

Sa mga readers nang BOMSL nais ko pong patuloy niyong subaybayan ang storyang ito sapagkat marami pa kayong malalaman na hindi niyo inaakala.

Muli nagpapasalamat po ako sa mga nagbabasa ng story na ito. I love you guys!♡♡♡

>Donchaworry araw araw nako mag uupdate HAHAHAHAHA.

Behind Of My Successful Life|✅Where stories live. Discover now