Epilogue

28 8 2
                                    

Dark's POV

   2 years later...

   Bumili muna ko ng bulaklak at kandila bago pumunta sa kaniya

   Nilagay ko sa ibabaw niya ang bulalak at sinindihan ang kandila

   "Magandang araw sa pinaka mamahal kong babae sa balat ng lupa" panimulang sabi ko habang nakangiti

   "Dalawang taon ka ng nandyan... heto parin ako mahal... miss na miss ka na"
  
   "Namimiss ko na yung halik na gumigising sakin tuwing umaga... yung masarap na almusal pati na yung kulitan natin...alam kong masaya na kayo ni Spark dyan" napangiti ako ng mapait

   Ilang buwan palang ang nakalilipas mula nung namatay si Spark habang mahimbing na natutulog

   "Mahal...miss na miss ko na kayo... i can't wait to see you and Spark again... alam kong magkakasama na kayo dyan ng mama mo...balang araw makakasama na ko sa saya niyo" hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha ko

   "M-mahal na m-mahal na m-mahal na m-mahal kita K-kiara... ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay" dinampi ko ang dalawang daliri ko sa labi ko at dinampi sa puntod niya agad kong naramdaman ang malamig na yakap niya sakin na nagpapikit sakin

   "Aalis na ko mahal dadalawin ulit kita...may kailangan pa kong gawin" ngumiti ako habang pinupunasan ang luha ko

   Tumayo na ko saka muling sumakay sa kotse ko

   "Oh anak nandyan ka na pala mags-start na" agad na sabi sakin ni mama pagpasok ko sa cinehan

   Umupo ako kasama ang pamilya ni Kiara at pamilya ko pati na ang anak ng tito at tita ni Kiara na si Molly

   Agad na nagstart ang pelikula...hindi lang simpleng pelikula

   Pinatay na nila lahat ng ilaw at agad na pinakita kung paano kami nagsimula ni Kiara at kung pano kami nagtapos

   Ginawa kong pelikula ang istorya namin ni Kiara para magsilbing araw sa lahat

   Hawak hawak ko ang sulat na nakita ko sa ilalim ng kama namin ni Kiara sa condo na siya mismo ang nagsulat para sakin

   Agad na nagpalakpakan at nagsigawan ang mga tao nung natapos

   Umakyat na ko sa stage para sabihin ang dapat kong sabihin

   "Magandang araw po sa lahat ng taong pinanonood itong munting istorya namin ni Kiara" panimula ko

   "Mahirap ang mawalan ng mahal sa buhay lalo na kung lagi kayong magkasama" mapait akong ngumiti

   "Pahalagahan niyo ang taong nasa tabi niyo bago pa mahuli ang lahat" tumingin ako kila mama at papa pati na sa pamilya ni Kiara

   "Para sakin si Kiara ang isa sa pinakamagandang biyayang binigay sakin ng panginoon... kung bibigyan ako ng pagkakataong mabuhay ulit... pipiliin kong makasama siya muli"

   "Kiara Samantha Davidson... she's the woman i love... mabait, matalino, maganda at mahal na mahal ko... I'm proud of her because she fight for many years... and all i can say to her is I love her and i will keep on reaching her hand" malalim akong huminga bago magbow

   Rinig ang palakpakan, hikbi at sigaw ng mga manonood habang bumababa ako sa stage

   "We are so proud of you Dark" niyakap ako ni papa at mama pati ang pamilya ni Kiara

   "Hihintayin ka ni bestie...mahal na mahal ka nun eh" napangiti naman ako sa sinabi ni Jasmine

   "Ikaw lang ang lalaking minahal at mamahalin ng kapatid ko Dark" ngiting sabi ni ate Amber

   "Totoo ang pagmamahal ni Kiara sayo Dark" tinapik ako ng papa ni Kiara sa balikat

   "Congratulations, Dark Daniel Ross... it's a very heart touching film" ngiting sabi niya

   "Thank you Ms. Alvarez kala ko po hindi ko na kayo makikita" sabi ko pagkayakap ko sa kaniya kasabay ng pagyakap nila ate at Jasmine sa kaniya

   "Napagdesisyonan namin ng pamilya ko na dito sa Pilipinas mag stay for good" ngiting sabi niya

   Pagtapos nun kumain kami sa labas kasama ang buong pamilya namin ni Kiara para i-celebrate ang high rating ng film namin ni Kiara

   Simula nung namatay si Kiara nadepress ako dahil sa pagkawala niya

   Dumating yung time na magco-commit na ko ng suicide dahil gusto ko na siyang makita ulit

   Pero nakita ko ang sulat niya sa ilalim ng kama namin

   Bumuhos ang luha ko at gumaan ang pakiramdam ko mula nang basahin ko ang sulat niyang yun

   Kasama ang ibang sulat para sa pamilya niya at pamilya ko

   Kaya napagdesisyonan kong gawing pelikula ang istorya naming dalawa para hindi ko siya makalimutan at manatiling malinaw ang mga alaalang ginawa namin habang nabubuhay pa siya

   Pagtapos naming kumain umuwi na agad kami

   Sa condo parin ako nakatira pero maliwanag na dahil yun ang hiling ni Kiara ayaw niyang tumira ako sa dilim tulad niya

   Kasama ko ang bago naming aso na si Sassy para palit kay Spark saka para hindi na din ako magisa

   Naghilamos lang ako saka nagpalit ng damit bago humiga

   Paghiga ko agad na tumalon si Sassy sa kama ko at sumiksik sa tabi ko

   Pagbukas ko ng cellphone ko napangiti agad ako nang makita ang picture namin nung pumunta kami sa Enchanted Kingdom

   Inopen ko muna ang gallery at isa isang binalikan ang masayang aalalang ginawa namin nung nabubuhay pa si Kiara

   May mga stolen shots siya dito habang tumutugtog siya ng gitara, habang kumakain siya, tumatawa at nilalaro si Spark

   I really miss the both of them

   Biglang bumagsak ang luha ko habang inaalala ang pagkawala ni Kiara sakin

   Nalulungkot ako tuwing gumigising ako ng walang Kiara sa tabi ko na tinititigan ako at ginigising ako ng halik

   Ramdam ni Sassy ang lungkot ko dahil tahimik lang siyang nakasiksik sa tabi ko habang pinupunasan ang luha gamit ang balahibo niya

   Dahil sa ginawa niya nilapag ko na ang cp ko saka niyakap siya at nagkumot

   Tinignan ko muna ang promise ring na suot suot ko parin hanggang ngayon na dadalhin ko sa kabilang buhay bago ko ipikit ang mga mata ko

   Kiara Samantha Davidson is the only girl that i love and will love forever. I love her so much.

   We will going to make more memories Kiara, let's meet again in the nightfall.

~The End~

Nightfall (Complete)Where stories live. Discover now