Chapter 12

19 5 3
                                    

Kiara's POV

   Ilang araw na ding hindi nagpakita samin si Trisha akala ko titigil na siya pero hindi parin pala

   Lately nakakatanggap ako ng death treat na alam kong galing sa kaniya pero alam ko ding hindi niya ko mahahawakan pa dahil binigyan ako ni mama ng bodyguards para maging safe kami ni Dark tuwing lumalabas kami

   Kahit medyo nakakairita alam naming for safety naman yun kaya iniisip nalang namin na wala sila tuwing lumalabas kami ni Dark

   "Mahal nagchat sakin si Trisha" sabi ni Dark habang nakahiga siya sa kama ko

   Nagboblower ako ng buhok dahil kakatapos ko lang maligo

   Bigla niyang binigay ang cellphone niya sakin para mabasa ko lahat ng chat ni Trisha dahil di niya yun nirereplyan

   She's saying sorry about what happened nung birthday ni tita pati yung death treat niya sakin na hindi niya magawa dahil sa bodyguards namin

   Conversation...

   Trisha: Hey Dark
   Trisha: Sorry about what happened
   Trisha: Alam kong mahirap akong patawarin dahil sa mga nagawa ko sa inyo ni Kiara
   Trisha: My bestfriend told me that he love me
   Trisha: Then sabi niya sakin tigilan ko na daw kayo ni Kiara dahil you two deserve to be happy
   Trisha: Sorry talaga Dark pakisabi na din kay Kiara dahil wala na kong mukhang maihaharap sa kaniya dahil sa mga sinabi ko
   Me: Hey Trisha, it's me Kiara. Kahit hindi ka magsorry napatawad na kita. I hope you learned your lesson sana hindi na 'to maulit
   Trisha: Thank you Kiara sana magtagal pa kayo ni Dark sorry talaga I'm moving to New York kasama ko yung bestfriend ko na kami na ngayon. Hindi ko na kayo guguluhin once again Thank you.

   End of Conversation...

   Masaya akong natauhan na si Trisha sa mga ginawa niya

   Hindi naman talaga maiiwasang may makaagaw ako kay Dark dahil sa sikat siya at maraming nagkakagusto sa kaniya

   "Buti tinigilan na tayo ni Trisha mahal" nakangiting sabi ni Dark habang nakasandal yung ulo niya sa balikat ko

   Tumayo na muna ko saka nahiga sa kama at ginawa niya din yun

   I hug him tightly dahil sobrang saya ko na kaya kong ipagtanggol ang sarili ko pati siya kahit na babae lang ako

   "I love you" sabi ko sa kaniya habang nakalagay yung ulo ko sa dibdib niya habang yakap yakap ko parin siya

   "I love you too" then he kiss my hair

   "Hey two love birds ready na yung dinner baka gusto niyo nang bumaba" natatawang aya samin ni papa pagpasok niya sa kwarto ko

   "Opo papa susunod na po kami" gaya nga ng sabi ni papa bumaba na kami para kumain

   "Kiara, Dark may gusto kaming ibigay sa inyo" nakangiting sabi ni mama

   Bigla niyang inabot samin ang isang susi

   "Ma?"

   "Yes anak binilihan namin kayo ni Dark ng condo malapit lang dito para matuto kayong mamuhay magisa" sabi naman ni papa

   "Nako bunso kung kailangan niyo ng katulong para ayusin yung condo nandito lang ako" natatawang sabi ni ate

   "Sure po ate, thank you po mama, papa" agad akong tumayo at niyakap sila ganun din naman ang ginawa ni Dark at ate

   "Thank you po tito at tita" nakangiting sabi ni Dark pagtapos naming magyakapan

   "Nako wala yun bukas na bukas pwede na kayong lumipat dun" nakangiting sabi ni mama

~°~

Kinagabihan


   "Mahal ready na ba lahat ng gamit mo?" tanong ko kay Dark 7 pm na kaya pwede na ko lumabas at pumunta sa condo

   Nandito kami ngayon sa bahay nila Dark para kunin yung gamit niya para makalipat na kami sa condo namin

   "Oo mahal ready na lahat" sabi niya pagtapos niyang isara yung maleta niya

   Niyaya ko na siyang pumunta sa condo kasama si ate Amber

   "Ano daw kulay ng condo niyo bunso?" tanong ni ate

   "Kulay white saka black daw po ate" tumango tango naman siya

   Pagdating namin sa hotel umakyat na agad kami sa 10th floor dahil dun nakapwesto ang unit namin

   "Wow" mahinang sambit ko pagpasok namin

   Pano ba naman kasi malaki laki din itong unit namin may kusina at may dalawang kwarto may sala pa saka kainan

   May maliit na hagdanan bago ka makapunta sa dalawang kwartong magkatabi lang

   Nagsimula na kaming magayos ng condo namin puro dilim ang nakita ko pagpasok ko sa kwarto namin dahil tinted ang lahat ng salamin at lalagyan pa namin ng kurtina

   Malaking kama ang sumalubong sakin pagpasok ko at may carpet na ang lapag may aircon din at sariling cr  pati closet

   "Grabe nakakapagod pala magayos" agad na sabi ni ate pagtapos naming maglinis at ilagay ang iilan sa mga gamit namin

   "Dito ka kaya muna matulog ate? May guess room naman dito eh katabi lang ng kwarto namin" aya ko kay ate dahil 11 pm na din

    "Sige para bukas paggising natin matapos na natin agad ito" tumango naman kami ni Dark saka pumunta sa kanya kanyang kwarto namin

   Nag half bath muna ko bago ako humiga sa kama pati si Dark nag half bath din pero syempre di kami sabay mas nauna ako

   "Napagod ka ba mahal?" tanong ni Dark sakin paghiga niya sa tabi ko

   "Hindi naman masyado ikaw?" tanong ko habang nagce-cellphone

   "Napagod ako pero onti lang din" sagot niya kaya tinigilan ko na ang ginagawa ko saka niyakap siya

   "Nawala bigla yung pagod ko" natatawang sabi ni Dark habang magkayakap parin kami

   "Gusto mo ng gatas? May binigay kasi sakin si mama ng isang pack ng gatas para inumin ko bago matulog" tanong ko sa kaniya

   "Pagtitimpla mo ko?" nakangiting sabi ni Dark

   "Hinde" bigla naman siyang nagpout kaya hinalikan ko siya smack lang

   "Joke lang" natatawang sabi ko saka  nagtimpla ng gatas

   Ininom namin yun at nakatulog naman agad kami

   Nagising ako ng alas dos ng madaling araw dahil nauuhaw ako kaya agad akong pumunta sa kusina at nagdala ng tubig sa kwarto

   Pagtapos kong uminom nahiga na ko kaya agad niya kong niyakap at tinitigan ko si Dark

   "Napaka swerte ko naman sayo mahal" nakangiting bulong ko habang nakayakap parin siya sakin

   "I love you mahal" saka ko hinalikan ang noo niya

   I'm so lucky i have a Dark Daniel Ross in my life

Itutuloy...

  

  

Nightfall (Complete)Where stories live. Discover now