Chapter 16

16 5 6
                                    

Tyler's POV

   "Tyler" rinig kong tawag niya sakin gamit ang mala anghel na boses niya agad akong tumayo sa pagkakahiga ko sa gitna ng palayan na malapit nang anihin

   Puno ng liwanag ang paligid at kulay asul ang langit

   "Tyler" tawag niya muli sakin kaya lumingon ako at nakita ko siya

   Nakaputing dress siya habang nakangiti at nakatingin sa mga mata ko kaya dahan dahan ko siyang nilapitan

   "Love nandito na ko sa pinakaligtas na lugar wag ka na magalala" sabi niya sakin kaya niyakap ko siya kasabay ng pagtulo ng mga luha ko

   "Wag ka na umiyak magkakasama ulit tayo ng matagal hihintayin kita hanggang sa makatawid tayo sa kabilang buhay" sinabi niya yun habang hinahaplos haplos ang buhok ko

   "Mahal na mahal kita" kumalas ako sa yakap namin saka siya hinalikan

   "Mahal na mahal din kita" sambit niya saka biglang naglaho sa paningin ko

   Agad akong nagising at napagtantong may luha muling umaagos sa mukha ko

   Naramdaman ko nanaman ang malamig na hanging bumalot sa katawan ko kaya napangiti ako

   Ilang minuto lang ang lumipas saka ako bumaba para maghanda na ng almusal

   Magluluto ako ng pancake para saming dalawa ni Amber

   Habang pinaghahalo ko lahat ng ingredients biglang nagring ang cp ko

   "Oh Robert napatawag ka ata?" agad na sabi ko at pinagpatuloy ang paghahalo

   "Nabalitaan kong namatay na pala si Daphne" napabuntong hininga naman ako

   "Sorry kung hindi kami nakapunta alam mo naman siguro na nagkaproblema sa company namin ni Elise" dugtong pa niya

   "Ok lang Robert naiintindihan ko naman"

   "Nga pala pwede ba kami pumunta dyan sa inyo? Kakauwi lang namin kahapon ng gabi eh"

   "Sige ba dadagdagan ko yung pancake na gagawin ko" saka ako tumawa nang mahina

   "Sige kita nalang tayo mamaya" sabay baba niya ng telepono

   Agad kong dinagdagan ang lulutuin kong pancake para kila Robert at Elise

   "Good morning papa" sabi ni Amber saka halik sa pisngi ko

   "Tulungan na po kita dyan pa" agad niyang kinuha ang hawak kong pinggan na may pancake

   "Andyan na ata ang tito mo" sabi ko kay Amber nang tumunog ang doorbell

   Agad niya namang binuksan yun kaya naglagay na ko ng chocolate at caramel sa gitna ng lamesa para dun namin isawsaw yung pancake

   "Tamang tama lang ang dating niyo kain na tayo" agad na sabi ko

   "Pa nandito din si Race, manliligaw ko" napatingin naman ako

   Tumango naman ako saka ko sila pinaupo

Nightfall (Complete)Onde histórias criam vida. Descubra agora