Chapter 14

18 7 6
                                    

Kiara's POV

   Lumipas ang isang linggo at tatlong araw na gumigising akong hindi siya kasama

   Madalas pumupunta dito si ate para samahan ako dito sa condo

   Madalas din kaming naguusap ni Dark sa telepono minsan hindi kami nakakapagusap dahil sa marami siyang tinatapos na reports at documents

   Tinatapos ko ang assignment na binigay sakin ni Ms. Alvarez nang biglang magring ang cp ko

   "Hello po ma" agad na sabi ko

   "Anak busy ka ba ngayon?"

   "Di naman po ma bakit po?"

   "Kung gusto mo pumunta ka muna dito namimiss ka na namin ng papa mo eh" napangiti naman ako

   "Sige po ma sama ko po si Spark ha" napatawa naman si mama

   "Sige ba anak kita nalang tayo mamaya" agad naman ni mama binaba ang telepono

   Naghalf bath lang ako dahil tapos na naman akong maligo kanina

   Nag sweater at pajama saka rubber shoes ako at nilugay ang buhok ko kinabitan ko din ng leash yung collar ni Spark

   Pagdating ko sa bahay nila mama kumatok agad ako

   "Oh anak mabuti nakapunta ka sakto kakain na kami" sabi ni papa sakin pagbukas niya ng pintuan

   Pagpasok ko sakto namang bumaba si ate

   "Sparkkk! I miss youuu" agad na sabi niya at lapit kay White na dinila dilaan siya sa mukha

   "Grabe ate si Spark talaga namiss mo ah" nagtatampo kong sabi kay ate

   "Miss din naman kita bunso pero mas miss ko si Spark" agad naman akong napatingin ng masama sa kaniya

   "Joke lang" sabay tawa niya

   "Nako kumain na kayong dalawa" singit ni mama kaya umupo na kami

   "Behave ka lang Spark ha?" sabi ko saka tinaggal yung leash niya

   Nagpray muna kami bago magsimulang kumain

   "Kamusta na anak?" tanong ni papa

   "Ok lang po pa di naman po pasaway sakin si Spark" napatingin naman ako kay Spark na kumakain din sa lalagyan niya

   "Nakausap mo na ba si Dark kung kelan balik niya?" tanong naman ni mama

   "Opo ma dalawang araw nalang po babalik na po siya" tumango tango naman sila

   Pagtapos namin kumain nag-boluntaryo na kong ako ang maghuhugas pero sabi ni ate siya nalang kaya napagdesisyonan kong lumabas muna para makapagpahangin

   "Ate labas po muna ko papahangin lang po pasabi narin kila mama pag hinanap po ako" sabi ko habang nilalaro niya si Spark

   "Sige bunso balik ka agad ingat" tumango naman ako saka ako lumabas

   Paglabas ko agad na dumampi sa mga pisngi ko ang malamig na hangin na dulot ng malamig na panahon ngayong gabi

   10 na ng gabi kaya wala ng tao ang nasa labas at dahil din sa lamig ng panahon ngayon

   Nakalayo layo na din ako sa bahay nang may biglang tumawag ng pangalan ko gamit ang pamilyar na boses

   "Kiara!" unti unti siyang naglakad papunta sakin alam kong hindi ako nagkakamali

   Agad akong tumakbo papunta sa kaniya habang may luhang tumutulo dulot ng sobrang kasiyahan

   "Mahal!" sigaw ko habang tumatakbo palapit sa kaniya

   "Namiss kita" agad na sabi ko pagyakap namin sa isa't isa

   Then he grabbed my waist and kissed me passionately

   Tumagal iyon ng ilang minuto hanggang sa humiwalay kami sa isa't isa

   "I missed you damn much mahal" then he hugged me again

   Pagtapos nun bumalik na kami sa bahay nila mama

   "Mama papa si Dark nandito na po" agad na sabi ko pagpasok ko sa bahay sinalubong naman kami ni Spark kaya binuhat siya ni Dark

   "Oh nagkita na pala kayo anak" sabi ni mama kaya napatingin ako kay Dark habang nakakunot ang noo binaba muna ni Dark si Spark bago siya magsimulang magsalita

   "Ganito kase yan mahal sinabi ko kasi kay tita na wag sabihing umuwi na ko para i-surprise ka" saka niya binigay sakin ang libro kung pano magsalita ng French dahil dati ko pa gustong matuto nun

   "Thank you mahal!" muli ko siyang niyakap

   "Welcome back iho" sabi ni papa na kakababa lang at tinapik siya sa braso

   Pagtapos nun napagdesisyonan na naming umuwi dahil pagod na si Dark  nabalitaan kong kakadating niya lang kaninang umaga

   "Bakit nga pala ang aga mong nakauwi mahal?" tanong ko habang sinusuklayan yung buhok ko

   "Eh kasi sumunod na din si mama saka papa sakin isang linggo lang pagalis ko tapos tinapos ko lang lahat ng kailangan kong gawin sabi ni papa sila na daw bahala dun dahil alam nilang miss na miss na kita" nakangiting paliwanag niya

   "May I?" tanong niya habang nakatingin dun sa brush kaya inabot ko ito sa kaniya

   Umupo siya sa may kama kaya umupo din ako sa tapat niya at sinimulan akong suklayan na nakapagpaginhawa sa pakiramdam ko

   I really feel comfortable and safe at the same time whenever I'm with him

   "Maganda sa Italy gusto kitang dalhin dun kung may pagkakataon" napangiti naman ako

   "Mahal kahit hindi mo na ko dalhin dun masaya na ko kasi nandito ka na sa tabi ko" sabi ko saka niya tinigilan ang pagsuklay sakin at inihiga ako

   Habang nakahiga kami nakatitig lang ako sakaniya habang siya nakapikit halatang pagod kaya niyakap ko siya inilagay ko ang ulo ko sa braso niya

   "Sobrang saya ko ngayon mahal nakabalik ka na, parang ilang buwan akong naghintay kahit dalawang linggo lang naman yun" natatawang sabi ko

   "May lumapit bang babae sayo?" tanong ko

   "Meron" napatingin naman ako sa kaniya

   "You know i met this girl that's trying to seduce me and you know what I said?" tumigil muna siya bago magsimulang magsalita

   "I told her that I'm the luckiest man in the whole world because i have a beautiful, sexy, kind and God-fearing woman and that is you simula nun hindi na niya ko nilalapitan siguro nakita niyang faithful ako sayo" napangiti naman ako habang kinukwento niya yun

   "I'm the luckiest woman too because i have you" nakangiting sabi ko sa kaniya habang nakatingin ng diretso sa mata niya

   "I love you so much mahal" nakangiting sabi niya

   "I love you till my last breath mahal" nakangiting sabi ko

   I really am very lucky for having this such a man that's faithfull and scared of losing a very special person in his life

   I really love him, damn much

Itutuloy...

Nightfall (Complete)Where stories live. Discover now