Chapter 4

24 9 18
                                    

Kiara's POV

   "What the-?!" sigaw ni papa na nakapagpagising sakin

   Naramdaman kong may nakayakap sakin kaya dahan dahan kong minulat yung mga mata ko

   "Ahh!" agad na sigaw ko nang malaman ko kung sino yung katabi ko

   "Hoy Dark anong ginagawa mo dito? Anong ginawa mo sa baby ko?" hinatak ako ni papa palayo sa kaniya kasama niya si Jas na nakatayo lang sa tapat ng pintuan ng kwarto ko

   Medyo masakit yung ulo ko at hindi na din ako ganun nilalamig

   "Tito iniwan ko po muna si Kiara kay Dark nung tinawagan ko po kayo"

   "Tito wala po akong ginawang masama kay Kiara niyakap ko lang po siya kase nilalamig po siya at mataas po yung lagnat niya kanina pagalis niyo" kumalma naman si papa

   "Anak anong nangyare?!" tanong ni papa dahil muntik na kong matumba sa sakit ng ulo ko

   Agad naman nila akong hiniga sa kama

   "Pa medyo sumakit lang ulo ko iwan niyo po muna ako, papahinga lang po ako" agad na sabi ko para di na sila magalala

   "Thank you Dark sorry sa abala pwede ka na umuwi" tumango naman si Dark saka bumaba na silang lahat

   Hindi parin ako makapaniwala na natulog kami nang magkatabi

   Pero malaki din ang pasasalamat ko sa kaniya dahil inalagaan niya ko kahit hindi naman kami ganun ka close

   Hindi ko alam pero napangiti nalang ako

Tyler's POV

   Nung nakita kong nakayakap ni Dark sa anak ko alam kong hindi yun basta bastang yakap lang

   "Ano ba talagang intensyon mo sa anak ko ha? Ilang linggo palang naman kayong magkakilala" agad na tanong ko kay Dark pagbaba namin

   "Hindi ko din po alam tito basta nung una ko po siyang nakita nakuha niya na agad ang atensyon ko gusto ko po siyang makilala pa at habang patagal po nang patagal mas gusto ko po siyang kasama" napatigil ako dahil sa gulat pati si Jasmine alam kong ganun din ang reaksyon

   "Pero wala po akong masamang intensyon sa anak niyo" tumango naman ako

   "Wag ka sanang mahulog sa anak ko" bigla naman siyang napayuko

   Nasabi ko yun para hindi sila masaktan parehas dahil sa allergy ni Kiara alam ko namang hindi pa niya sinasabi yung tungkol dun kay Dark

   "Sige na po alis na po ako sorry po sa istorbo" parang malungkot na sabi niya

   "Ako din po tito may practice pa po kasi kami" tumango naman ako

Dark's POV

   "Gusto mo ba si Kiara?" tanong ni Jasmine habang naglalakad kami

   "Ewan, gusto ko munang makasiguro sa nararamdaman ko bago ko sabihin sa inyo" napabuntong hininga naman siya

   "Sana lang hindi magbago yung pakikitungo mo sa kaniya pag may nalaman ka" nagtaka ako sa sinabi niya

   "Ano bang kailangan kong malaman tungkol sa kaniya?"

   "Ayokong pangunahan si Kiara alam kong sasabihin niya din sayo sana pag dumating yung araw na yun manatili ka sa tabi niya" pagtapos niyang sabihin yun lumihis na siya ng daan dahil pupunta pa siya sa school at didiretso na ko sa bahay

   Habang naglalakad ako pauwi di ko maiwasang mapaisip sa sinabi ni Jasmine kanina

   Kaya ko din nireject yung ate ni Kiara dahil alam kong may gusto na ko kay Kiara pero hindi ganun ka lalim at hanggang kaibigan at ate lang talaga ang turing ko kay ate Amber

   "Oh anak anong problema? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa sa itchura mo" natatawang sabi ni mama pagpasok ko sa bahay

   "Kung tungkol yan dun sa Kiara pwede mo kaming kwentuhan" agad na singit ni papa paglabas sa kusina

   Nakwento ko na din kasi si Kiara sa kanila nung una ko siyang nakilala

   "Tungkol nga po kay Kiara" bumuntong hininga naman ako saka humiga sa sofa namin

   "Hindi ko po alam kung anong nararamdaman ko...hindi ko po alam kung gusto ko siya... basta ang alam ko iba siya sa lahat ng babaeng nakilala ko" malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko pagtapos kong sabihin yun

   "Sa itchura mo ngayon anak mukhang gusto mo talaga si Kiara" natatawang sabi ni mama

   "Mama naman eh bakit mo ko pinagtatawanan?"

   "Eh pano ba naman kasi anak ngayon ka lang namin nakita na ganyan imbitahan mo si Kiara dito sa bahay para makilala na namin siya" agad akong napaupo sa pagkakahiga ko

   "Seryoso ba yan papa? Wala pang nakakapasok na ibang babae dito sa bahay" tumango naman silang dalawa at natawa ng mahina

   "Nako gusto lang naming makilala kung anong klase ang nagustuhang babae ng anak naming chickboy" natatawang sabi ni mama saka umupo sa tabi ko

   "Syempre mana sa papa" natawa naman kaming dalawa ni mama kay papa

Kiara's POV

   Habang nagbabasa ako ng libro para maibsan ang sakit ng ulo ko biglang kumatok si papa sa pintuan ko

   "Anak pwede ba kitang makausap?" agad kong binuksan ang pintuan saka kami umupo ni papa sa kama ko

   "Anak ano ba si Dark para sayo?" napabuntong hininga naman ako

   "Hindi ko po alam papa pero tuwing malapit siya sakin bumibilis ang tibok ng puso ko...hindi na alam kung anong nararamdaman ko para sa kaniya papa" napabuntong hininga naman si papa

   "Anak kung ano man ang nararamdaman mo para sa kaniya itigil mo na yun...alam mong masasaktan kayong dala-" agad kong pinutol ang sinabi ni papa

   "Kung pwede ko lang pong pigilan, pinigilan ko na po una palang" tumango tango naman si papa

   "Ayaw lang ni papa na masaktan ang bunso niya" sabi ni papa habang yakap yakap ako alam kong naiiyak nanaman siya

   Alam kong kaming dalawa ni ate Amber ang kahinaan ni papa nararamdaman namin yun tuwing niyayakap niya kami kapag may sakit kami o nasasaktan kami

   "Pa normal lang na masaktan ako, tao din naman ako papa diba?" tumango tango naman si papa

   "Pero ayoko paring makita kang nasasaktan lalo na nahihirapan" ramdam kong anytime tutulo na ang luha ni papa

   Tuwing nandito si papa ayoko na nakikita niyang umiiyak ako kase ayokong makita niyang mahina ako dahil alam kong pagnakita niya kong ganun panghihinaan din siya ng loob

   "I love you papa"

   "I love you too anak"

   Ayoko nang ipakita sa lahat na mahina ako, lalaban ako hangga't kaya ko

Itutuloy~

Nightfall (Complete)Where stories live. Discover now