Lesson 41 Epilogue

10.4K 235 42
                                    

2 months later... valentines day...

Meet me at the cinema.

Ps,
Wear these. -Alexis.

Pupungas pungas pa ako habang hawak ko ang note na nasa dinner table na nasa ibabaw ng isang malaking kahon.

Binuksan ko ang kahon at nagising ang diwa ko ng makita ang nasa loob. Isang pink na damit, high heels at sling bag (as shown in the image) muntik pa akong mapaupo sa pagkamangha dahil alam kong mamahalin ang mga ito.

Tatawagan ko sana ang kumag pero busy na ang number niya. Susundin ko ba siya? Hindi ba nung di ko siya sinunod, muntik na akong mamatay? Pero iba naman to eh. Pero wala din namang mawawala diba?

Hmp! Ang ending, sinunod ko din ang gusto niya kahit pa mamimilgro ang buhay ko sa 3 inches na heels na to. Parang di nga lang 3 to eh.

Paglabas ko ng bahay, nagulat pa ako ng may tatlong lalaking nakaitim ang nasa tabi ng pinto ng bahay ko.

"Sinabi ni sir Alexis na sunduin namin kayo, Miss Charmaine." Sabi ng isa sa kanila na babae na nakashades.

"Kaya ko namang pumunta sa sinehan eh." Pero sa isip isip ko, mag papalit na lang ako ng pantalon para komportable. Lagot sakin si Alexis sa mga pakana niya eh.

"No maam. His orders are clear. To bring you there safe and.. Comfortable.." Seryosong sabi ng isa pang lalaki na muntik ko ng kinatawa dahil obvious siguro na hirap na hirap ako sa suot ko.

"Sige na nga. Baka sesantehin pa kayo ni Alexis. Siraulo pa naman minsan un. Saka, baka magkapaltos nga ung paa ko. Tara na."

Matagal bago namin narating ang ibaba. Ang hirap kaya bumaba sa hagdan tas ganito ang sapatos. Panu kaya nagagawa ng mga model na maglakad na hindi man lang natitipalok sa sapatos na to.

"Asan ba ung kotse?" Tanong ko sa kanila ng nasa gate na kami.

"Ayun po." Sabi ng babae na nginuso ang nasa kaliwang side ng kalsada.

At halos mapanganga ako sa sasakyan na sasakyan ko papunta sa sinehan. Isang itim na limousine. Hindi pwede. Ang garbo naman nito.

"This is it." Nakangiting sabi ng babae na binuksan pa ang pinto para sakin. Saglit akong natigilan. Dito ba talaga ako sasakay? Mayaman nga pala si Alexis. Of course totoo to. Pero bakit?

Atubili akong sumakay ng sasakyan at sa gulat ko, mas maganda pa ang loob ng sasakyan na to kesa sa bahay ko. At may bouquet pa ng red roses. Ano ba naman to Alexis?

Hindi ko pa nakikitang suot mo ung damit na binigay ko, but I know its perfect for you. No matter what you wear and how you look, you will always be, the prettiest for me. -Lex

Niyakap ko ang note mula sa bulaklak. It was the sweetest note na natanggap ko sa buong buhay ko.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nagring ang phone ko.

"Hello?"

"Are you enjoying yourself?"

Napangiti ako ng marinig ang boses na yun.

"Alexis, ano ba tong mga ginagawa mo ?"

"Atleast, makahinge man lang ako ng thank you, okay na sakin."

How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon