LESSON 39

5.5K 144 0
                                    

Iiyak na ba ako? Nasa ganitong sitwasyon nanaman ako. Dapat alam ko na ang gagawin ko. Pero iba nga lang ngayon. Mas mahirap ang sitwasyon ko ngayon. Nakatali ako sa isang upuan na may halos sampung bantay. Ni hindi ko alam kung nasan ako. Basta parang lumang bahay ito. Hindi magara ang ayos pero masasabing may kaya pa din ang may ari kahit luma ang style ng bahay.

Siguro'y isa sa mga pag aari ng pamilya nila Alexis ang bahay na ito. Napabuntong hininga ako. Nagugutom at nauuhaw na ako. Na CCR na din ako. Ilang oras na ba akong nakatali dito?

"Kumain ka na!" Bulyaw ng isang lalaki na naka tshirt at pantalon at may dala itong isang tray na puro pagkain.

"Panu ko kakainin yan?" Masungit kong tanong.

"Alamin mo." Bulyaw pa din nung lalaki ay saka nilagay sa paanan ko ang tray.

"Hindi mo man lang ba ako susubuan?" Tanong ko sa kanya kahit alam ko na ang sagot.

"Gaga ka ba? Hindi ka namin bisita dito para asikasuhin. Kung gusto mong kumain, gumawa ka ng paraan."

Patalikod na sana ung lalaki ng makapag isip ako ng paraan. Paraan para makatakas.

"Pero hindi ako nagugutom."

Humarap ang lalaki at kinuha ang tray sa sahig. "Pinapakain ka na, nag iinarte ka pa. Hostage ka. Pasalamat ka pa nga, binigyan ka ng pagkain."

"Na ccr na ako." Sigaw ko sa kanya ng talikuran niya ako.

"Napanuod ko na sa mga teleserye yan. Balak mo pa akong takasan ha?" Humarap sakin ang lalaki at pinamewang ang isang kamay na hindi hawak ang tray.

"Hindi ko alam kung nasan ako. At panu ako tatakas? Mahuhuli niyo din ako dahil madame kayo sa labas."

Mukhang nag isip ang lalaki. "Kung gusto mong mag cr, jan ka na."

"Magkakalat ako dito? Gusto mo bang magalit ang boss mo?"

"Mas magagalita siya kung makakatakas ka."

"Hindi ako makakatakas. Hindi ko alam kung nasan ako."

Natigilan ang lalaki. Tinitigan ako ng masama at saka bumuntong hininga.

"Siguraduhin mong hindi ka tatakas. Hahabulin ka ng bala ng mga baril namin." Kasabay ng sinasabi niyang iyon ay kinalas niya ang pagkakatali ko sa upuan pero pinosasan ang pulso ko sa harapan ko.

"Wag kang tatakas!" Bulong ng lalaki saka hinila na ako palabas ng kwartong iyon at papunta sa cr.

"Eto ang CR." Binuksan niya ang pinto para sakin.

"Wag mong sabihing sasama ka pa?" Masungit kong sabi.

"Kung sabihin kong oo, may magagawa ka? Bilisan mo na at baka dumating si boss."

Bumuntong hininga akong pumasok sa cr. Ang kipot at wala ni isang bintana ang nasa loob. Wala akong lalabasan. Alexis, asan ka na ba? Eto na, akala ko ba poprotektahan mo ako? Asan ka na ngayon?

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ang dumi dumi na ng uniform ko. Ni hindi na ako nakapag ayos ng buhok. Gutay gutay na ang itsura ko. Kapag nakita kaya ako ni Alexis na ganito, magugustuhan niya kaya ako.

"Arg!"

Napatingin ako sa pinto ng cr. Nakarinig ako na parang may nalaglag sa sahig. Ilang segundo ang lumipas at pabalibag na bumukas ang pinto at niluwa noon si Andrew.

"Let's go! I got her!" Bulong ni Andrew sa kwelyo ng damit niya.

"Hindi ako tatakas Andrew!" Sigaw ko.

How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon