Lesson 38

5.2K 132 2
                                    

"Okay ka lang ba friend?"

Napasigok ako sa tanong na iyon ni Lea habang tinatanggap ko ung isang basong tubig na inabot niya sakin. Dito na ako dumiretso kahit na gabing gabi na at nakakahiya.

Umupo sa kaharap kong single chair si Lea. Nasa dining table kami at tulog na ang mama at ang kapatid niya ng dumating ako. Hinawakan niya ang kamay kong nakapalibot sa paghawak sa baso.

"Ganyan talaga pag nagmahal, Charm. Dapat handa kang masaktan." Anas ni Lea.

"Alam ko Ley. Hindi ko lang ineexpect na puro assume lang lahat. Na hindi pala totoo ung mga pinakita niya saking sweetness lalo na ung mga effort niya nung nasa probinsya tayo." Tuloy pa din ako sa pagiyak pero hindi tulad kanina. Na pagdating ko eh hindi na ako makahinga sa kakahagulgol at nakayakap lang ako kay Lea. Mabuti na lang gising pa ang bruha.

"Ganun din ang tingin ko sa inyo noon Charm. Na inlove na inlove siya sayo. Siguro may dahilan lang kaya niya nasabi yun o nagawa niya yun."

"Ang nag iisang dahilan lang na alam ko ay pinaglaruan niya ako. Lea, ang pagkakamali ko lang ay nag assume ako na ganun din siya sakin."

Bumuntong hininga si Lea at lalong humigpit ang hawak sa kamay ko. "Hindi ko na tatanungin kung anong nangyare bakit umabot na kayo sa aminan. Pero siguro maganda na din ung nangyare. Mas maaga, mas maganda. Anyways-" naputol ang sasabihin ni Lea ng mag ring ang phone niya na nakapatong sa lamesa.

Hinawakan niya iyon at tinignan ang pangalan ng nasa screen. "Si Alexis." Sabi lang niya na tinignan ako. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Niyuko ko ang isang basong tubig habang pinakikinggan ang sasabihin ni Lea.

"Oo. Andito siya... Sige... Sasabihin ko na lang... Okay.... Bye." In off na na ni Lea ang cellphone. "Dadaan si Jasmine at Angeline bukas ng umaga para dalhin mga gamit mo dito. Di ko alam kung sino ung mga yun bukod dun sa Jasmine na alam kong kapatid niya."

"Kilala ko sila pareho. Mga kaibigan ko sila. Sige. Ayoko ding umuwi sa apartment." Sabi ko na lang saka nilagok ang isang basong tubig.

"Dun kana sa kwarto ko matulog. Tabi tayo sa kama." Nakangiting sabi ni Lea. Nginitian ko din siya. Sana panaginip lang lahat simula ng makilala ko si Alexis para panaginip lang lahat to.

"Kamusta ka?" Tanong ni Jasmine ng papasukin namin sila ni Angeline.

Kinuha ko sa kamay nila ang isang maleta at isang bag pack na alam kong puno ng gamit ko.

"Pasensya ka na, Charm kung magtatagal ka pa dito ha? O kung gusto mo sa condo na lang kita. Ako lang mag isa dun." Malungkot na sabi ni Jasmine.

Nginitian ko siya. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

Tahimik lang na nakamasid saming dalawa si Angeline at Lea na nagngitian lang kanina.

"Salamat sa pagdala niyo ng gamit ko. Hayaan mo, pagiisipan ko."

"Pasensya ka na sa kapatid ko ha? Hindi ko talaga alam kung san pinaglihi un eh." Apologetic na sabi ni Jasmine na hinawakan ang kamay ko. "wag kang mag alala, pag naayos ni Alexis to, magiging okay na ulit at babalik na kayo sa dati." Nakangiti na si Jasmine saka tumayo at inayos ang mini skirt.

"Mauna na kami ni Geline. Tawagan mo lang ako pag may kailangan ka. Pasensya na, ayaw sumama ni Alexis dito eh." Naglakad na palabas ng pinto si Jasmine na sinundan namin ni Lea.

"We'll go shopping kapag na settle na to ha?" Nakangiti ding sabi ni Angeline saka niyakap ako. "It'll be okay, Charm. Kaya yan ni Alexis." Bulong ni Angeline bago ako pakawalan. Sinulyapan ako ni Jasmine bago lumakad papunta ng sasakyan. At ilang minuto pa, wala na sa harap namin ang dalawa.

How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon