LESSON 7

7.2K 167 2
                                    

CHAPTER 7

Charmaine's POV  

"Kamusta na ang buhay kasama si Alexis sa iisang bahay?" nakangiting sabi sakin ni Lea matapos ang klase namin sa Personality Development.

Napatingin ako sa kanya at halos talunin siya para takpan ang bibig niya. "Shut up! Mamaya may makarinig sayo."

Pinilit niyang alisin ang kamay ko sa bibig niya. "Hanep. Ang OA ha? Makatalon lang." natatawang sabi sakin ni Lea bago ako umayos ng upo.

"Eh panu. Ayokong magtanong ung mga classmates naten. Isa pa, marami pang bitter dito kay Alexis. Baka isang araw sige ka, makina mo na lang akong palutang lutang sa ilog."

"Makaimagine ka naman. At tigilan mong pagpaparinig jan ha? Hindi na ako bitter."

"Bakit sinabi ko bang ikaw? Tignan mo yun.." Nginuso ko ang tatlong babae na ung nasa gitna ay hawak pa ata ang picture ni Alexis. Kilig na kilig pa ang tatlo habang nagkukuwentuhan.

"Oh? Si Karla, Sheena at Marie?" tanong ni Lea sakin.

"Korek. Tignan mo si Sheena. Ex yan ni Alexis. Kung makakatitig sa picture wagas." Si Sheena ung may hawak ng picture.

"Sa Bagay. Pero hindi naman siguro papatay yan para kay Alexis."

"Ano kang hindi? Tignan mo nga ang itsura. Parang mangkukulam sa kapal ng eye liner."

Napailing nalang sakin si Lea na natatawa . "Oh ano? Natawa ka ? Kaya next time, itikom mo yang bunganga mong malaki. Baka sa susunod na buksan mo yan at mapatingin ka samin, wala na kami kasi hinigop na kaming lahat ng mala vacuum mong nguso!" sabi ko na natawa na lang.

Halos habulin ako ng kurot ni Lea kaya napatakbo ako palabas ng classroom. Hinabol naman niya ako na nakahanda pa ding kilitiin ako.Malayo na ako sa kanya ng tumigil siya kakahabol sakin.

"Di mo ko—" Natigil ang sasabihin ko ng mabangga ako sa isang tao dahil sa kakalingon ko kay Lea.

"Fuschia Pink naman oh!" Sa sobrang lakas ng impact ng pagkakabangga ko ay napaupo ako sa sahig. "Tumingin ka nga sa dinadaanan—" natigil ako sa pagsasalita ng pagangat ko ng paningin ay si Harry- este si Matthew pala ang nabangga ko. Naka Polo na kulay sky blue, puting maong na shorts na hanggang taas ng tuhod at saka Blue na Sebago.

"Okay ka lang ba Charm?" tanong niya sakin na bakas sa mukha ang pagaalala at nakalahad na ang kamay sa harap ko para tulungan akong tumayo.

"Okay lang. Pasensya na at hindi ako nakatingin.." mahinhing sabi ko at saka tinanggap ang kamay niya para tulungan akong tumayo. Pag gwapings nga naman ang kaharap, oo.

"Dito ka din pala nag-aaral." Maya-maya ay sabi niya ilang Segundo matapos bitawan ang kamay ko.

"Oo. HRM. May hinahanap ka ba?" Parang sobrang bango niya sa itsura niya.

Maya-maya nasa tabi ko na si Lea na humihingal. "Hi.." sabi lang nito na nangingimi dahil na din sa itsura ni Matthew. Nakakapanlaway.

"Siya nga pala si Lea, Bestfriend at classmate ko." Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

"Im Matt. Charm's Friend." Nakangiting sabi ni Matt na inangat ang kamay para makipagkamay kay Lea.

"Lea.. Be-Best Friend ni Charm.." kandautal na sabi ni Lea. Natawa ako at siniko ko siya. Hindi pa kasi niya binibitawan ang kamay ni Matt.

Para namang nagising sa katotohanan si Lea saka parang napapasong binitawan ang kamay ni Matt at yumuko.

"Gusto mo tulungan ka na naming maghanap kung sino man yang hinahanap mo?" sabi ko.

How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon