Lesson 18

5.5K 127 2
                                    

CHAPTER 18

 

Busy ako kakahanap ng mga gamit namin para sa bahay. Pero itong si Alexis, busy din naman. Busy sa pakikipag selfie-han sa mga babaeng malalandi na kung makayakap kay Alexis eh nakuuu! Kala mo close. At ito namang mokong gustong gusto.

“Kuya.. Pwede ba akong magpapicture?” sabi ng isang babae na naka uniform ng pang high school. Kebatang lumandi naman nito.

“Sure..” sabi ni Alexis saka umakbay sa babae at inilapit pa ang mukha.

Nilingon ko sila.

“Hindi na pwede! Dalian mong maglakad Alexis at baka umulan pa!” iritable kong sabi. Natigilan sa pag pipicture ang babae at namewang saka tinaasan ako ng isang kilay. Tinaasan ko din siya ng kilay.

“Bakit ka ba nakekealam? Ingget ka? Gusto mo ding magpicture kasama siya?” masungit na sabi ng babae.

Aba! Itong batang to. Kung kilala ko lang nanay mo, naku, haliparot!

“Well, kid, Kahit na maging artista pa yang taong yan, hindi ako magpapapicture jan.”

“Yun naman pala eh. Eh di wag kang makealam.”

Namewang na din ako. Napakataklesa naman ng batang to para lang sa isang lalaki. Hay naku. Iba talaga ang charm mo Alexis. As in Iba talaga !

“Bumabagal kaming mamili, Miss. Tigilan niyo na.” masungit ko din sabi. Nakangiti lang si Alexis sakin. Nakakaloko naman.

“Miss, bakit ka ba masyadong affected? Girlfriend ka ba niya? Kung girlfriend ka niya, titigil kami.” Sabi ng isang babae na nasa likod nung nakapamewang. Nakapila ata para sa picture ni Alexis.

Inakbayan ni Alexis ung babaeng nakapamewang at may binulong. Saka nginitian ang babae na parang nahipnotismo at binalik na ang tingin sakin.

“Lets go.” Sabi niya lang na inakbayan na din ako iginiya papuntang vegetable and fruit section.

How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon