LESSON 17

5.5K 141 6
                                    

CHAPTER 17

"Thank you. Thanks you for trying to comfort me." Pagkasabi niyon ay hinalikan niya ako sa noo. Napapikit ako. Normally, maiinis na ako at iisipin kong minomolestya na niya ako. Pero ngayon iba. Parang nagugustuhan ko. Hindi. Gusto ko ung ginagawa niya. Mas nagiging komportable na ba ako sa presensya niya? Tatlong buwan na kasi nung nagsimula kaming tumira ng magkasama eh.

Inalis niya ang labi niya sa noo ko at binitawan niya ang kamay ko. Hinawakan niya ang baba ko at bahagyang tiningala pa iyon. Hindi ko na namalayan na ung binitiwan niyang braso ko ay nakapatong sa bewang niya. Nakaside view kami pareho at magkaharap. Hindi ko na alam kung ano pang mararamdaman ko dahil napakalapit niya sakin. Hanggang tuhod ko na ang pumasok sa kwarto ni Alexis.

"Will you love me.. Charm?" Sabi niya sa tapat ng mga labi ko dahil halos magdikit na ang mga labi namin. Magkadikit na nga mga ilong namin eh. Nakapikit siya. Ako nama'y kandaduling na para Makita kung anong mangyayare.

Those lips.. These lips of Alexis were my first kiss. Maswerte ba ako para magawa iyon sa kanya? Para maramdaman iyon? Tama naman si Miss Betty. Lahat ng gusto ng isang babae para sa isang lalaki, na kay Alexis na. Magiging isa ba ako sa mga babaeng iyon?

Wala namang problema diba? Hindi naman ako katulad ng mga babaeng na nagkakandarapa sa kanya. Saka single naman kami pareho. Nung nasa Ferris Wheel kami, alam kong may kakaiba na sa nararamdaman ko para kay Alexis. Hindi ko alam kung ano to. Hindi ko alam kung bakit. Na Go-Google ba to?

"Hindi ko alam, Alexis. But I feel.. I feel.." bulong ko pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng dumampi sakin ang mga labi niya. Dampi lang iyon. Pero para akong matutunaw sa pakiramdam na iyon. Inilipat niya ang kamay sa pisngi ko. Parang pinakiramdaman ang init nito.

"You're trembling Charm. Are you scared of me?" dumilat siya pero hindi ko na maiiwas ang paningin ko. Nakatitig kami sa isa't isa. His brown eyes full of emotions na hindi ko malaman kung ano.

"Why would I be?" bulong ko. Yun ba ang tamang sagot? Hindi ba dapat kinokotongan ko siya? Hindi ba dapat tinatadyakan ko siya? O minumura dahil minomolestya nanaman niya ako. Naguguluhan ung isip ko. Napakalapit niya sakin.

"Bakit mo to ginagawa?" bulong pa din ni Alexis.

"Sabi mo komportable ka kapag malapit ako. And I can feel na hindi ka komportable kanina."

"You know what, this is the first time na nagopen up ako sa babaeng hindi ko kaano-ano. Maybe I just trust you enough." Ikinuskos niya ang ilong niya sa ilong ko. Napapikit na lang ako. Ang bango ng hininga niya. Amoy mais. Kumain ba siya ng mais?

Natawa ako sa naisip ko at napalayo ang mukha niya sakin. "Anong nakakatawa?"

"Kasi naisip ko, amoy mais yung hininga mo. Kumain ka ba ng mais?"  natatawa pa ding sabi ko.

"Well, that was last night." Natatawang sabi ni Alexis. Nanlaki ang mga mata ko at inalis ang braso ko sa bewang niya.

"Kadiri ka!" sigaw ko saka tinulak ang dibdib niya para lumayo ako sa kanya. Pero niyakap niya ang bewang ko at hinila ako palapit sa kanya kaya buong katawan ko na ang nasa kwarto ni Alexis.

"I'm just joking. Ano bang naiisip mo at sinisira mo ung moment naten?" nangingiti na sabi ni Alexis. Nasa dibdib pa din niya ang kamay ko.

"Alam mo, nagiging intimate na tayo masyado. Dapat naiinis ako sayo ngayon dahil minamanyak mo na ako." Naiinis na talaga ako sa kanya. Kadiri yung last night. mag hahapon na kasi eh.

"parang pakiramdam ko hindi pang mamanyak ang ginagawa ko sayo. Komportable ako ngayon kasi malapit ka sakin Charm." Itinaas nanaman niya ang mukha ko to meet his gaze.

How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]Where stories live. Discover now