Chapter 37

5K 128 3
                                    

"Alexiiiiiiiiisssssss!"

Halos mapugto na ang hininga ko ng isigaw ko ang pangalan ni Alexis ng gabing iyon pagkagaling ko sa trabaho. Panu ba naman, iniwan niyang magulo ang bahay. Nagkalat talaga lahat. Mga damit niya, nagka bagsak bagsak mga libro sa shelf, pati mga plato nakalabas. Ung mga upuan sa dining table, nakatumba.

Parang may dumaan na ipo ipo dito sa bahay. Hindi din nakalock ang pinto kaya akala ko andito na siya. Nakapatay din ang ilaw. Pero ganun naman un kahit na andito siya.

"Alexis! Anong ginawa mo dito sa bahay naten! Wala ka ba talagang konsiderasyon!" Sabi ko saka pumasok na sa bahay at pinulot na ang mga nalaglag na mga gamit sa sahig matapos ilapag ang bag ko sa pako sa likod ng pinto.

Di ko alam kung bakit kelangang gawin to ni Alexis. Dalawang linggo na ang lumipas matapos naming manuod ng sine kasama sila Lea. Kahapon ay inanounce ng dalawa na sila na. Pero bago yun ay okay naman kami ni Alexis. Hindi ba niya ako hinihipuan. May mga days lang na nagiging malapit siya sakin. Hay naku, ayoko ng ikwento.

Pero dahil pinilit niyo ko, sige, ikekwento ko. Naghuhugas kasi ako nun ng plato. Ng biglang lumitaw siya mula sa likod ko. Nakadikit na nga ung dibdib niya sa likod ko eh. Sabi niya, pwede daw bang naka apron lang ako at wala ng iba pang damit. Oh diba? Bastos? Akala ko pa naman nagbago na siya.

Anyways, pasukan na din sa makalawa. Mag eenroll kami bukas. Save the best for last daw ika nga ni Lea. Ang totoo, wala lang akong pera pa talaga. Konti pa lang ang naipon ko.

Pero eto na nga, ang gulo talaga. Hindi pa din sumasagot si Alexis. Medyo nakahawi na ung kurtina niya at nakabukas na ang ilaw kaya kita ko na sa loob kahit hindi ko hawiin ng tuluyan. Walang tao sa loob ng kwarto niya. Ano ba naman tong taong to? Walang kwenta talaga.

Inisa isa ko ng ayusin ang buong bahay. Pagod na sa trabaho, ganito pa.

Maya-maya, bumukas ang pinto at ng nilingon ko ay iniluwa noon si Alexis na nagtatanggal na ng rubber shoes.

"Hoy!" Namewang kong sabi na sinalubong siya sa pinto.

Tiningala niya ako habang tinatanggal ang sapatos. "Yeah?" Walang anu ano'y sabi niya sakin. Ang moody ng mokong na to. Una'y parang importante ako sa kanya. Parang in love lang. Tapos next, parang wala lang. Lokohan ba ito?

"Bilisan mo at pumasok ka dito." Sabi ko na lang na tumabi para pumasok siya.

Hindi siya sumagot. Sumunod lang siya sa sinabi ko at natigil sa paglalakad. Napanganga sa nakitang kaguluhan ng bahay. "Anong ginawa mo dito?" Iritang tanong niya na dahan dahang naglakad papasok sa kwarto niya. Hinawi niya ang kurtina at inikot ang tingin sa mga gamit niya.

"Shit!" Hiyaw niya saka nagmamadaling pumunta sa pinto at kinuha ang cellphone sa bag na nakasabit sa isa sa mga pako sa likod ng pinto.

"Hoy! Bakit? Wag mong sabihing hindi ikaw ang may gawa nito?!!" Histerya kong tanong sa kanya habang pabalik balik siyang naglalakad sa harap ko. Nakahawak siya sa buhok habang ang isang kamay ay hawak ang cellphone at nakatutok sa tenga. Parang may tinatawagan siya urgent.

"Hoy! Sagutin-"

"Hello, yes. Its me."

Naputol ang sasabihin ko ng magsalita si Alexis. Sinagot na ng tinatawagan niya ang tawag. Kinabahan ako sa mga nangyayare. Mukhang hindi din siya ang may gawa nito.

"I lost it. Alam kong siya din ang may gawa nito.. Yeah. She's fine.. I don't care. I want to know kung ano pang kinuha niya bukod dun! Alamin mo!" Sigaw ni Alexis na tumigil sa paglalakad. Nakatingin lang ako sa pagbago ng emosyon niya. Nagtatangis ang mga bagang niya. Saglit na nalulungkot pero agad ding mapapalitan ng galit iyon. "Got it. Make sure na alam to ni daddy. Hindi pwedeng madamay ang kahit na sino dito." Matapos iyon, in off na ni Alexis ang cellphone.

How to live with Mr. Arrogant 101 [COMPLETED!]Where stories live. Discover now